Chapter 17

1.3K 58 10
                                    

"Tita ko'ng maganda!" Masayang sigaw ko!

Tumakbo ako papunta sa kaniya at yinakap siya nang mahigpit! Hindi maka-pag leave si mama sa trabaho niya kaya ako mag-isa ng sumundo kay Tita. Sa labas ng SM sangandaan kami nag kita.

"Hindi ako makahinga, Casse."

"Ay sory! Na-miss ko lang kayo kaya ganito ako ka-hyper!"

"Nasaan ang mama mo?"

"Na sa trabaho po. Mag dadala na lang siya ng pasalubong sa atin mamaya pag-uwi niya."

"Ah, ganoon ba? Pakibuhat mo nga itong bag, Anak. Na pagod si Tita sa byahe."

Tumango ako sa kaniya at kinuha ang bag na bitbit. Akmang yayakapin ko si Isa pero hindi niya ako pinansin! Anakng! Manang-mana talaga sa mga kapatid niya! Bakit hindi ba nila nakuha ang ugali ni Tita Mildred na sweet at mabait?

Mga kampon ata ni Satanas itong mga pinsan ko. Hindi uso ang ngumiti. Konting-konti na lang talaga, iisipin ko na may kulto sila. Pero pag wala naman ako sa bahay, palaging stress si Tita kasi ang iingay ng mga anak niya bukod kay Isa.

Pag-uwi sa bahay iniwan ko na sila sa baba. Umakyat ako sa taas dahil kulang ako sa tulog. Tumawag kasi si Tita sa akin kaninang tanghali. Medyo may hang over pa ako dahil sa inuman namin kagabi.

"Casse, lumabas ka diyan! Na papaligiran ka na namin!"

Nag dugtong ang dalawa kong kilay. Tumayo ako para buksan ang pintuan ng kwarto.

"O-oh? Anong ginagawa niyo rito?" Takang tanong ko.

"Wala kaming magawa, eh. Patambay kami rito sa bahay mo ha?" Ngiting-ngiting sabi ni Kiko.

"Mukha bang tambayan ang bahay ko?" Tinaasan ko silang tatlo ng kilay.

"Parang hindi naman tropa, Casse."

Pabiro kong tinulak si Jerome para makadaan ako. Sumunod naman sila sa akin pababa. Naabutan kong nag tatawanan ang mga pinsan ko habang nag luluto si Tita sa may kusina.

"Tita, may uutos po ba kayo?" Boses ni Daniel.

"Naku, maupo na kayo mga hijo. Hindi ko ponag tatrabaho ang mga bisita."

Umiling ako. Na stress ako sa tatlong bibe. Wala naman kaming usapan na mag kikita rito sa mismong bahay namin.

Tumambay kaming apat sa likod ng bahay. Nag latag lang ako ng kumot na hindi na masyadong ginagamit. Si Jerome ang nag luto ng barbeque habang si Kiko at Daniel naka-upo lang.

"Sarap ng buhat nyo, ha?" Sermon ko sa kanilang dalawa.

Mabilis silang tumayo at kinuha sa kamah ko hawak na pinggan na may lamang mga barbeque.

"Kayong dalawa talaga. Bakit ninyo kinakatulong yung isa? Mga hangal na ‘to," dagdag na sambit ki.

"Siya na raw mag luluto."

"Mga peyk prends," singhal ko.

Umakyat muli ako sa taas para maligo. Isinuot ko ang ternong pajamas na binili ko noong pumunta ako sa divisoria.

"Ano? Sinagot ka na ba, pre?"

"Hintay daw ako twenty-five years," Inis na sambit ni Kiko.

"Bet na bet mo talaga si Karen ano? Hilig sa matanda."

"Masama ugali ng babaeng ‘yon," sabat ko sa usapan nila.

"Si Karen? Kilala mo?"

"Oo naman, yes! Ayon yung naka-away ng kaibigan no dahil lang na hawi ang cellphone niya." Umirap ako. Naalala ko na naman. "Nililigawan mo talaga? Sure na ‘yan? Pwede ka pa umatras, Kiko. May papakilala ako sa ‘yo."

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon