Chapter 34

1.3K 52 41
                                    

Nitong mga nakaraang araw na pansin ko na lumalayo na ang loob namin ni Saske. Sa tuwing sasalubungin ko siya, tipid na ngiti ang ginagawa ibinibigay niya. Maaga na siyang na tutulog. Ni hindi na nga kami nag kukwentuhan kagaya ng dati. Parang ang layo-layo na niya sa akin. Katabi ko siya sa pag tulog ngunit nakatalikod siya sa akin.

Bumalik ‘yung dating Saske na una kong nakilala. 

"Uminom ka ba ng vitamins mo?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo. Kumain ka na ba? Gusto mo ipag luto kita?"

"Busog ako. Kumain ako sa restaurant kanina."

"Ah, ganoon ba?"

"Ikaw? Kumain ka na?"

Hindi pa. Hinihintay kasi kita. Akala ko mag sasabay tayo sa tanghalian tapos kumain ka na pala.

"Oo. Kanina pa."

"Mabuti. Akyat na ako sa taas. Pahinga. Ikaw rin."

Dumiretso ako sa kusina. Nang masiguradong umakyat na siya, doon na lumabas ang mga luha ko. Gustong-gusto kong tanungin kung ano ang problema pero hindi ko kaya. Wala ng mas sasakit pa sa umiiyak habang kumakain. Pinunasan ko ang mga luha sa mata. Biglang kumirot ang tiyan ko. Sa tuwing umiiyak ako, bigla itong sumasakit.

Nahahawa ang baby ko sa sakit na nararamdam ko.

Saktong pag baba ni Saske tapos na akong kumain. Tahimik pa rin siya. Maya't-maya niya akong tinitingnan. Humagulgol ako ng iyak sa harapan niya.

"Ano ba kasi ‘yon?" Nasasaktang tanong ko.

Mabilis siyang lumapit sa akin. "Anong ano, Casse? Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Masama sa ‘yo ang umiyak."

"May problema ba?"

"Walang problema."

Binawi ko ang brasong hawak niya. Walang nag salita sa aming dalawa. Tanging titigna lang ang nangyari.

May problema ka, eh. Alam kong may pinag daraanan ka.

Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin. Kinausap ko siya noong nakaraan tungkol sa perang nawala sa kaniya. Pinaliwanag ko na hindi niya kailangan damdamin ‘yon kasi makakaahon pa kaming dalawa sa kung anong nangyari.

Gumaan ang pakiramdam ko ngayong nandirito si Monique sa bahay. Biglang dumalaw. Walang pasabi. Wala si Saske dahil na sa trabaho.

"Inaalagaan mo ba ang sarili mo at ang pamangkin ko, Casse?"

"Oo naman, Nik."

"Eh, bakit ang laki ng eye bags mo? Pumayat ka at may kaunting rinkles. Na wala ang sigla sa mga mata mo? May problema ba kayo ni Saske? Sinasaktan ka ba niya? Pinapabayaan?"

"Hindi, ha! Nag tatrabaho nga siya para sa baby namin. Hindi niya ako hinahayaang kumilos kasi maselan ang pag bubuntis ko."

"That's good to hear. Kasi kung sinsaktan ka niya, ibalik ka na lang niya sa akin. Ako bubuhay sa inyo."

Bumuhos ang mga luha ko sa harapan niya. Yinakap niya ako at tinapik ang likuran. Ilang beses lang akong nag open up kay Monique. Yung sobrang bigat na talaga. Yung hindi ko na kayang sarilinin.

"Hey, what's the problem? Yung anak mo, Casse. Kumalma ka. Bawal sa buntis ang masyadong nag lalabas ng emosyon."

Umalis siya pag dating ni Saske kasi may kasama na raw ako tapos may pupuntahan pa silang party ng pamilya niya. Mabuti pa siya masaya ang pamilya. Eh, ako? Nganga.

Ito na naman ang katahimikan na ayaw ko. Parang mag-isa lang ako sa bahay kahit kasama ko si Saske. Bumuntong hininga ako. Tumayo ako mula sa pag kaka-upo. Ilang beses kong pinindot ang bintilador pero ayaw gumana.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon