Chapter 16

1.3K 52 19
                                    

"A broken family is one in which the members of the family have significant emotional problems with one another.The parents did not provide their children with the necessary home life, and the family dynamics were unhealthy. The kids do not feel loved or secure any longer."

Tahimik ang buong klase habang nag sasalita si Ma'am. Kapag usapang pamilya, tiklop lahat ng kaklase ko. Kahit yung maguguling boys sa likuran. At isa pang dahilan, favorite teacher namin ang nag tuturo kaya naman makikinig kami.

"Sensitibo ito'ng topic natin lalo pa't karamihan dito sa room ay hindi buo ang mga pamilya. Warning lang, Class, ha? If hindi nyo na kayang makinig sa akin—sa topic natin, pwede kayong lumabas at bumalik na lang kapag iba na ang teacher. Pero i suggest na manatili kayo rito oara malaman niyo ang mga dapat gawin kapag lugmok, okay?"

"Okay po, Ma'am," sabay-sabay na sagot namin.

"Nag sisimula ang pagkakaroon ng sirang pamilya kapag hindi nag kaintindihan ang ilaw ng tahanan at pader de pamilya. Aminin ninyo, na aapektuhan kayo kapag nag aaway ang mga magulang ninyo, hindi ba?"

"Opo."

"Normal lang na mag-away ang mag-asawa pero hindi na normal kung nag papalitan na sila ng masasakita na salita at sinasaktan na ang bawat isa. O kaya dahil nawalan na ng pag mamahal sa isa't-isa. Maraming dahilan kaya na sisira ang pamilya. Limang estudyante ang boto na mg hiwalay ang mga magulang nila at limang estudyante rin ang boto na ayaw mag hiwalay ang pamilya nila."

"Para sa akin, mas gugustuhin ko pa'ng mag hiwalay ang mga magulang ko kung puro away lang ang maririnig ko sa pag gising at pag tulog dahil baka sa akin nila ibunton ang galit sa isa't isa. Ngunit hindi ko masisisi ang ilang studyante na bumuto na ayaw nilang makaranas ng broken family dahil mahirap lumaki kung walang magulang na gumagabay sa ‘yo. Habang sila nag papakasaya sa bago nilang pamilya, yung anak nila ang nag darusa."

"Maraming nag sasabi na bakit hindi ako mag-asawa. Simple lang. Ayoko. Ayokong mag ka-anak dahil ayokong maranasan niya ang nakakamatay na sakit ng kalooban kapag na sira ang pamilya namin."

Bumuntong hininga ako. Ayoko ng ganitong topic. Mas gusto ko pa yung kabastusan kasi ang iingay ng mga kaklase ko at tatawa kami. May mga nag iiyakan na sa likuran ko.

"Kaya payo lang, Suicide is not the answer. Kung nasasaktan kayo, Talk to our Almighty God. Walang Psychologist or Psychiatrist ang makakatulong sa inyo kung hindi ang Diyos lang."

Tanging pag ngiti lang ang ginawa ni Ma'am sa akin. Ang magulo naming classroom ay na puno ng katahimikan kahit ibang teacher na ang nag tuturo.

"Aba't tahimik kayo ngayon?" Taas kilay na tanong ni Ma'am Wong. "Anong mga nakain niyo?"

Walang sumagot sa kaniya. Mukhang hindi pa nakaka-get over ang iba. Kahit ako bigoang nawalan ng gana. Palagi kong sinasabi sa sarili na hindi ko kailangan si papa pero kapag may nakita akong tatay na close sa mga anak nila, na iinggit ako.

"Ayos ka lang?" Rinig kong tanong ni Saske.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Ayos lang."

"Tss, really? Sa pagkakaalam ko kasi yung maayos na Casse ay nag iingay sa room. Nambubwiset at dinadaldal kaming lahat."

"Kainis naman, eh!"

Bigla siyang na tawa. "Crazy."

Wala sa sariling ngumiti ako. Yung tipong kita ngala-ngala. "Uy, ngumingiti na siya. Crush mo na ba ako?"

"Pwede ba?"

Pinanlakihan ko siya ng mata bago lumingon-lingon sa paligid! Mabuti na lang at busy ang mga kaklase namin mag open forum! Hindi ko expected na sasagutin niya ako ng ganoon!

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon