Chapter 33

1.2K 47 4
                                    

"It's a girl! Congratulation to the both of you!" Masayang ngiti ng Doctor.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Limang buwan na kasi ang tiyan ko kaya nag pasya na kami ni Saske na mag patingin sa OB. Kaya pala ang blooming kahit buntis kasi babae ang anak naming dalawa.

"T-thank you, Casse," bulong ni Saske sa akin. "Thank you so much for bringing her in this world... I love you damn much... I love you two."

"Thank you for giving me a baby, Saske. I love you two, too."

Inalalalayan niya ako palabas ng Hospital. Humihilab na paminsan-minsan ang tiyan ko. Hindi ako mabantayan ng mga kaibigan namin kapag may trabaho si Saske. May pasok si Thorch. Pumupunta ako sa bahay ni Tita Toni. Hindi naman alam ni Saske na nandoon ako sa mama niya. Umuuwi ako bago siya makauwi sa bahay. Tinuturo sa akin ni Tita Toni ang mga dapat gawin sa pag-aalaga ng baby.

"Sana hindi mag mana ang apo ko sa papa niya. Alam mo ba, Casse, sobrang iyakin niyang si Saske. Hindi ako nakakatulog sa madaling araw kapag na gising siya."

"Talaga po?"

Nag luluto kami ng tanghalian. Nakisuyo si Tita sa akin na mag-uwi. Paborito ni Saske ang kare-kare with bagoong.

"Mabuti pa ang kuya Aaron niya, tahimik lang noong baby... Pero siya? Ay jusko! Halos tawagin ko na ang lahat ng santo sa sobrang ingay!"

"Kabaliktaran naman po ng baby Saske ang Saske ngayon. Unang beses ko siyang makita ang tahimik. Para pong invisible. Mag sasalita lang kapag may activities sa school. Matatakot po talaga kayo sa presensiya niya."

"Na pansin ko rin iyan, Hija. Ilag siya sa mga tao. Ginagawa ko ang lahat para bumalik ang dating Saske."

"Dating Saske po?" Kumunot ang noo ko.

"Masiyahing bata. Maingay. Madaldal. Siya ang manika ng pamilya namin... Noong buo pa kami.  Sa tuwing nag aaway kami ng papa nila, si Saske ang gumagawa ng paraan para mag-usap kami."

Sabay kaming kumain ni Tita Toni sa hapag. Ang hinhin niyang babae. Hindi katulad ng mama ni Thorch. Sobrang sungit. Kulang na lang mag ka-level na sila ng nanay ni dao ming zi. Ang hilig pang mag taas ng kilay. Sobrang matapobre. Kung hindi nga lang dahil kay Tita Toni baka na sagot ko na siya.

"Aba'y kilala mo ba si Patcherie?"

"O... Oho," tipid na sagot ko.

"Kay gandang bata! Nasaan na kaya siya? Bigla na lang na wala. Naaawa ako sa pamangkin ko, kay Thorch. Mahal na mahal niya si Patcherie kaya ganoon na lamang ang lungkot na naramdaman niya matapos siyang iwan."

"Ewan ko rin ho. Wala na po akong balak ungkatin ang nangyari. Lalo pong malulungkot si Thorch."

Nag tagal ako ng ilang oras bago umuwi. Nag saing at nag linis ako ng bahay.

Tinawagan ko si Dahlia.

"Casse! Miss na miss na kita! Buti tumawag. Kakatapos lang ng exam ko. Pangatlo ako sa mataas."

"Congrats! Kumusta ka diyan, Dah? Maayos ba lagay mo riyan? Hindi ka naman inaaway?"

Tumawa siya. "Loka! Hindi. Mababait tao rito sa Madrid. Hala! Tumataba ka, ha!"

Hindu ko palq na sabi sa kaniya ang tungkol sa baby.

"Paano kapag uwi mo dito ninang ka na?"

"Bakit? Hindi kita gets. Buntis ka ba?"

"H-hindi... Alam mo na ba ang nangyari kay Agusta," pag-iiba ko ng usapan.

"Yep. Naaawa ako. Nag face time kami ni Monique. Pag-uwi ko diyan, babarilin ko ‘yang Chef Montiti! Tingnan mo, Ang laswa pa ng apilyido! Halatang manyakol!"

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon