Chapter 11

1.3K 55 7
                                    

Malabonian:  Casse spotted may kasamang lalaki na naman.

Nanlaki ng bongga ang mata ko dahil sa chat head na bumungad sa akin. Iniba rin nila ang name ng gc namin!

Mga punyawang kaibigan ‘to, Oo!

Tanginang sakristan talaga ‘to! Ako na naman ang trip sa gc! Nag send siya ng picture sa gc na may kasama ako'ng lalaki! Nang i-zoom ko ito, Confirm! Ako nga! Kasabay ko si Saske'ng nag lalakad papasok sa bahay nila.

Casse Austero: Ganyanan ha! Si Dahlia may kasamang lalaki sa madrid. Pinalitan ka na.

Pacco: Edi palitan nya. Sino may pake?

Casse Austero: hoy gago ‘to!

Pacco: Biro lang.

Thorch Geez Patremor: Hey.. I'm so tired.  Ang hirap maging college student.

Monik: Okay na ‘yung damit natin, Agusta. Within two days na gawa.

Agusta Saniel: Woah! Ka-excite naman!

Thorch Geez Patremor: Hindi naman gaano ka-close ang boyfriend mo.

Agusta Saniel: Duh. Kaya ka iniiwan ni Patcherie.

Thorch Geez Patremor: Who cares?

Agusta Saniel: Luh!

Monik: 😶😶

Casse Austero:  bato na ba mga puso ninyo, boys?

Sumimangot ako. Seen lang ako nila. Kahit kailan talaga mga abnoy. Well, hindi pa rin naman sil nakaka-move on sa mga punyawa ko'ng kaibigan. Halata naman. Sa tuwing pinag-uusapan namin sila, Tumatahimik ang dalawang moko'ng. Akala mo may pinag lalamayan na paray.

"Ay shit!" Biglang sigaw ko dahilan para mapatingin sa akin ang lahat ng kaklase ko.

"Uy, Casse? Bakit?"

"Anyare?"

Isa-isa ko sila'ng tiningnan bago pa-kunwaring umiyak. Ang iba ay lumapit pa sa akin para i-comfort ako. Kunot noo naman ang aking bebe Saske.

"Lagpas na ako eighteen pero hindi pa rin aki nagkakaroon ng chicken fox," Nakatulalang sambit ko sa blackboard.

Ang iba ay napasinghap. Nawala ang nag aalalang mukha nila kanina bagkus napalitan ito ng pag kainis. Humalakhak ang iba.

"Taena! Nag alala pa naman kami!"

Isa-isa ko'ng nag peace sign sa kanilang lahat.

"Mahal ko kayo mga kapwa Malabonian!" Nakangiting anunsyo ko.

Inayos ko ang mga gamit. Need ko kasi'ng dumiretso sa bahay nila Monique. Nandoon na ‘yung dalawang mokong. Kami na lang ni Agusta ang hinihintay nila.

"Casse!" Tawag ni Saske.

Nilingon ko sya bago tuluyang makalabas ng pintuan. "Bukas na tayo mag harutan, okay? May kailangan ako'ng puntahan. Kapag sumabay ka kay Anakon, mag hihiwalay talaga tayo!" Biro ko na may kaunting pag babanta.

Hindi siya sumagot. Bunting hininga ang isinagot sa akin. Ano'ng in-emote ng lalaking to? Sinabi ko na nga na bukas kami mag harutan. Hindi ba sita makapaghintay? Gusto nya ba ako'ng makita pa? Hindi naman pwede na sa kanya lang iikot ang buong mundo ko. Hello, I have friends and family!

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon