Chapter 41

1.5K 70 26
                                    

P.s nagugutom ako. Taena. Tinapos ko lang two subjects ko tapos pag punta ka sa kusina, ubos na ulam. Parang hindi pamilya, eh. Nakakasama talaga ng loob. HAHAHAHA anyways, dahil hindi ako makatulog dahil sa gutom, ito na. Happy reading! Hindi ko kayo matiis! Aish!

---

"Calm down, Cassendi. Calm down. Steffa will be okay." Si Agusta.

"Paano ako kakalma kung na disgrasya ang anak ko? Wala kasi kayo sa katayuan ko." Pinagkuskos ko ang dalawang palad.

Nakatayo ako ngayon sa labas ng emergency room. Hindi ako mapakali! Wala akong panahing kumalma ganitong nag-aagaw buhay ang anak ko! Hindi ako kakalma! Walang kakalma!

"Steffa! Steffa! C'mon, Anak. Laban. Wag kang bibitiw. Parang awa mo na. Hindi... hindi kakayanin ni mama na mawala ka... Steffa ko." Na puno ng hagulgol ko ang buong hallway.

Parang kanina lang, mukha ni Steffa na puno ng ngiti ang nakikita ko. Punong-puno ang damit ko ng dugo ni Steffa. Hindi ako matigil sa pag-iyak kahit na sa ambulansiya na kami kanina! Para akong mawawala sa katinuan habang pinagmamasdan ang walang malay kong anak na puno ng dugo.

"Baby, C'mon. Mama is here... I'm waiting for you, Anak. Steffa ko."

Mabilis akong lumapot sa Doctor pag labas niya.

"D-Doc? Doc ang anak ko?"

"Tatapatin na kita, Ma'am. Masama ang lagay ng anak mo ngayon. Kailangan niya ng dugo. Maraming dugo ang na wala sa kaniya."

"A-no pong ibig ninyong sabihin na masama ang lagay?"

"Bibigyan kita ng hindi lalagpas sa 48 hours. Kailangan ng dugo ng anak mo."

"Mag bibigay ako ng dugo sa anak ko... K-kahit kuhanin niyo lahat ng dugo ko sa katawanan... B-buhayin niyo lang ang anak ko... Nag mamakaawa ako sa inyo, Doctor."

"Type ng Dugo mo?"

"Type O po."

"Your daughter is type AB. Sa mga kasama sinong  type AB?"

Nilingon ko silang lahat. Walang sumagot. Ibig sabihin, hindi Type AB ang dugo nila. Pinaliwanag ng Doctor na ubos ang supply ng Type AB nila at one of the rarest blood type ito.

"Saan ka pupunta, Casse?"

"Mag hahanap ako ng dugo. Hindi ko kayang tumungnga riyan habang nag aagaw buhay ang anak ko."

Pinunasan ko ang mga luha sa mata. Nilakasan ko rin ang loob ko.

Kumalma ka, Casse. Walang magagawa ‘yang iyak mo. Kailangan mong humanap ng paraan. Hindi ka na katulad ng dati na iiyak na lang kapag walang ma-isip na paraan.

Kahit nang hihina'y pumunta ako sa iba't-ibang Hospital sa Malabon para bumili ng dugo. Kahit maubos lahat ng pera ko, gagawin ko para kay Steffa. Walang halaga ang pera kapag nawala sa akin ang anak ko.

Sold out ang type AB blood type.

Huminto ako sa isang tabi. Nag post ako sa mga social media accounts na kailangan ko ng dugo. Sana may tumulong sa akin. Sana pakinggan ako ng Diyos.

Kakainin ko na lahat ng pride ko sa katawan.  Nakita ko ang sarili na na sa tapat ng bahay nila Brix. Hihingi na ako ng tulong sa kaniya kahit hindi ako handang makita ang mukha niya. Kung gusto niyang lumuhod, ay luluhod ako. Ilang beses akong nag doorbell bago tuluyang bumukas ang pintuan.

"B-brix," nang hihinang tawag ko. "Si Steffa."

Kumunot ang noo niya. "Anong kaartehan ‘yan, Casse? Anong si Steffa? Anong gagawin ko?"

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon