Chapter 44

1.7K 76 64
                                    

Ewan ko ba kung bakit ako sumulpot dito sa Raffy tulfo in action. Kaharap ko si Saske habang na sa gitna namin si Raffy Tulfo. Masamang-masama ang tingin ko sa kaniya.

"Start na, Sir," saad ng stuff.

"In 3...2...1 go!" Senyas ng Camera man.

"Magandang tanghali sa inyong lahat," Panimula ni Sir Raffy. "Nandirito si Saske Monticillo, ang nag rereklamo habang na sa kabilang panig naman ang inireklamo na nag ngangalang Cassendi Austero. Ngayon pakinggan natin ang panig ng bawat isa. Ikaw muna ang unang mag salita Sir Saske."

Kumukulo ang dugo ko! Nginitian niya ako nang nakaka-asar.

"Ako po talaga ang may mali dahil hindi ko siya pinakinggan dati. Akala ko hindi ko anak ang batang dala n—"

"Sabi ko mag pa DNA test tayo, ‘di ba? Ang sagot mo dna dna wala nang makain! Botlog ka ba?!" Inis na sabat ko.

"Kaya nga. Nag pap—"

"Ulol!" Pinakyu ko siya!

"Ma'am, Ma'am awat na po. Patapusin natin mag salita si Sir. Bibigyan ho kayo ng oras para isiwalat ang side ninyo. Ngayon, si Sir muna. Okay po ba?"

Hinilot ko ang sintido sa frustration!

"Ngayon po na nalaman kong anak ko, ang gusto ko lang ipakilala niya ako. Handa ko naman pong panagutan sil—"

"Ha?! Gago ka ba?!"

"Ma'am, hayaan po nating mag salita si Sir. Iaalis ko kayo rito."

"Aba! Talagang aalis ako Sir Raffy! Hindi ko nga alam kung bakit ako sumipot rito!"

"Gusto ko lang na ayusin ang problema natin dahil hindi mo naman ako pinakikinggan. Lumalayo kayo sa akin."

"Talagang lalayo ako sa ‘yo! Gago ka ba?! Ngayong nalaman mo na may anak tayo para kang aso habol nang habol— Anong nginingiti mo diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"So, inaamin mo na anak ko si Steffa?"

"A-ano? Wala akong sinabi!"

"Sinabi mo. I heart it. Sa ‘yo na mismo nanggaling."

Nag suot ako ng earphone habang nag papaliwanag siya kay Sir Raffy tulfo. Sa tuwing titingin siya sa gawi ko, iniirapan ko siya. Nang oras ko na para mag paliwanag sinabi ko lahat ng sakripisyo ko kay Steffa bukod sa isang kahayupan na nangyari sa akin. Ayokong malaman nilang lahat.

"Ano na ngayon ang plano ninyong dalawa? Parehong may punto. Naiintindihan ko ang side ni Sir maging sa iyo Ma'am. Kayong dalawa lang ang makakapag desisyon niyan."

"Ang gusto ko lang ho talaga, Sir ay bumalik sila sa akin o kaya hayaan niyang makita ang anak ko. Gusto kong malaman ng bata na ako ang tatay niya."

"Asa ka. Wala ka rito noong nag hirap ako tapos ngayong maayos kami babalik ka? Ulo mo!"

"Kaya nga handa akong gawin lahat para sa inyo."

"Kahit iutos kong tumalon ka sa building?"

"Kahit tumalon ako sa building gagawin ko... Ganoon kita kamahal."

Narinig ko ang hiyawan ng mga Stuff sa likuran ng camera. Maging si Sir Raffy na pahalakhak dahil sa sinabi ni Saske! Nakakahiya! Live na live sa TV!

"Diyan nag tatapos ang palabas. Ngayon alam nag usap na sila at alam na ang katotohanan. Privacy na lang po nila kung anong magiging desisyon. Maraming salamat! Nawa'y pag palain kayo!"

"Cut!" Sigaw ng camera man.

"Mag babalikan ho ba kayo?"

"Asa!" Kinuha ko ang bag pag tapos ay mabilis na lumakad paalis sa studio niya.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon