Chapter 20

1.4K 61 16
                                    

P.s: Hi! Pupunuin ko kayo nh update hanggang september 11 siguro? 13 start ng klase ko at madalang na lang akong makaka-pag update kapag ganoon. Thank you po pala sa mga nag vote at nag comment sa ibang mga stories ko. Thank you so much. Pinapasaya niyo ako palagi. Palagi ko na lang na hahampas ‘yung pinsan ko kapag may notification ako sa wattpad. Spread love. I'll post on my story (Facebook's myday) ang portayer ng Malabon girls.

****

Casse Austero: BAKLAAAAA! MAY CHIKA AKO SA ‘YO! POTEK! CAPSLOCK, OO! CAPSLOCK! HINDI KO KINAKAYA ANG MGA NANGYAYARI NGAYON! BAKLA!

Monik: Hmm, yes? You're so hyper, Casse. May na bingwit ka na naman na lalaki, ano?

Casse Austero: Parang ganoon na nga! Pero iba ito! Nilalandi niya ako, Mare! Hindi ko kinakaya!

Casse Austero sent a photo.

Monik: Gwapo halatang hindi ka liligawan. Kulang ka lang sa tulog.

Casse Austero: Hayp ka! Bakit mo ako ginaganyan? Totoo nga! Hindi lang ako hinaharot, nililigawan rin! Teh, seryoso! Hindi ako nag bibiro. Gusto mo patunayan ko?

Monik:  Go. Dalhin mo sa akin. Kapag sa kaniya mismo nang galing, edi congrats. Pero hindi talaga ako convince na nililigawan ka niyan.

Ngumuso ako at na tawa. Bakit kapag ka-chat ko si Monique, naririnig ko ang boses niya? Kahit ata  magalit ang isang ‘to, mahinhin pa rin ang boses. Hiyang-hiya ang boses kong kargador.

"Wala na pong ulam?" Takang tanong ko kay Tita Mildred.

"Inubos ng mga pinsan mo, Casse. Pasensya ka na. Lulutuan na lang kita. Ano ba'ng gusto mo'ng ulam?"

"Hindi na po pala. Bibili na lang po ako diyan sa labas ng pag—"

"Uy, pogi!"

Sinundan ko ng tingin si Tita Mildred na ngiting-ngiti ngayon dahil na sa pintuan si Saske. Hinilamos ko ang dalawang palad sa mukha dahil  sa frustration! Ano na naman ginagawa ng isang ‘yan dito sa bahay namin? Nang ganitong oras? Alas-dyis na ng gabi.

"Good evening, Tita Mildred. May dala ako'ng ulam. Inihaw na baboy."

"Tamang-tama! Salamat, pogi! Wala kasing ulam si Casse, eh. Itong mga anak ko. Akala mo hindi pinapakain. Kulang na lang ubusin lahat ng pagkain sa loob ng ref! Ibabalik ko ito sa tatay nila."

"Ayos lang po. Sabay na lang kami ni Casse kumain."

"Ano?!" Angal ko! "Wala ka bang bahay at dito ka sumisiksik?"

"Let's eat," aya niya.

"O, siya. Ma-iwan ko na kayo riyan. Ako'y papanik na dahil mag lilinis pa ako ng kwarto namin," paalam ni Tita. "Susmaryosep itong mga batang to! Ang lalaki na, hindi na pa marunong mag lipit ng mga kalat."

Tinarayan ko si Saske. Kumuha ako ng plato's kutsara at baso. Chicharon na may suka na lang ang inulam ko. Tinamatad ako mag luto. Umupo ako sa kaliwang bahagi at tahimik na kumain.

"Oh? Bakit ka nakatayo diyan? Ayaw mo bang kumain?"

"I want to eat, of course," sagot niya.

"Eh, bakit ka nakatayo lang diyan kung gusto mong kumain? Ano? Tititigan mo na lang ba ako? "

"Really?" Ngiting-ngiting aniya.

"Kumuha ka ng plato at kutsara tapos umupo ka sa tapat ko at kakain tayo."

Sinunod naman niya agad ang inutos ko. May dala siyang extra'ng plato para ilagay ang inihaw na baboy. Tumayo ako para mag hugas ng kamay sa gripo. Mag kakamay ako. Ang hirap kumain ng naka-kutsara kapag chicharon ang ulam.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon