Lost

3 0 0
                                    

"I forgot that as I cried, You also cried with me. Every time I cry, it also breaks Your heart."

Days, weeks, and months passed. I felt empty. It came to the point that I had written about having a short lifespan. I hit rock bottom. I had never imagined that I would feel this terrible.

(Written on June 23, 2018)

Feeling ko mamamatay ako nang maaga. Hindi ko nga alam kung kailan. Pero alam ko maaaring hindi na ako magtatagal. Ano pa bang karapatan kong mabuhay kung wala rin naman akong kwenta? Bakit ba ako humihinga kahit wala naman nang nangyayaring tama sa buhay ko at wala akong nagagawang tama? Wala namang espesyal sa akin. Sa pagkakaalam ko, ang tanging rason kung bakit hindi ako bumibitaw ay dahil sa nanay ko. Pero alam ko sa oras na iwan niya ako, alam kong susunod din ako agad sa kanya. Pakiramdam ko tuloy pinipilit na lang din ni Mama na manatili sa tabi ko dahil alam niyang di ko makakayanang mawala siya; kaya kahit pagod na pagod na siya ayan, tinitiis niya lahat. Naawa na ako sa Mama ko. Gusto kong ibigay ang mga bagay na maaaring magbigay ng comfort sa kanya pero wala naman akong means. Sadyang hindi ako maswerte sa pagnenegosyo at sa trabaho. Kahit saan ako lumugar, hindi ako magfifit. Kahit anong gawin ko, walang lugar sa mundong ito ang tulad ko na wala namang kayang ibigay.

Bakit hindi na lang ako mamatay? Ano pa bang kailangan Mo sa akin dito sa mundo? Bakit kailangan ko pang manatili rito? Ano pa bang magagawa ng isang tulad kong palpak? Lahat ng plano ko wala namang natutupad. Isa lamang akong pampasikip sa mundong ito. Napapagod na akong ipagpilitan ang sarili ko. Napapagod na akong patunayang may halaga ako.

Ano pa ba ginagawa namin ni Mama sa mundong ito? Pwede bang samahan na namin si Papa? Kung wala naman na akong gagawin, please gusto ko nang magpahinga. Pwede bang maglaho na lang ng parang bula?

Bakit kaya nilang maging masaya? Bakit ako hindi? Sasabihin nila "It is all in the mind." Oo na. Kayo na ang magaling ang utak. Kayo na ang nasa tamang pag-iisip at ako wala. Eh sa ganito utak ko, ano gusto mong gawin ko, magpa-transplant ng utak? Kahapon, nakayanan kong matulog ng sobrang tagal na may ilang minutong paggising sa pagitan. Iyon na siguro ang pinakamasayang sandali ng aking buhayang matulog. Hindi ako dinadalaw ng lungkot sa aking pagtulog. Hindi ako nakadarama ng kahit ano.

Sadyang nababaliw na ata ako. Kahapon, naangilan ko ang isa kong katrabaho. Umiyak nang may hindi ako masagot na tanong na alam kong kaya ko namang sagutin kung nasa tamang pag-iisip lang ako. Senyales na ba ito na mababaliw na ako? May pagkakataon din na naiisip ko kapag may nagtatawanan o nagbubulungan, ako iyong tinutukoy nila; ako ang pinag-uusapan. Hanggang saan nga ba ako tatagal? Nito lang ay may nagsabi na ibig sumali ng LitMin. Singles din ito at siyempre agaran ko namang inentertain yun. May pagkakapareho pala kami. Paborito niya ang Super Junior. Super Junior kasi ang nagbibigay ng pagkakaabalahan at ng kaunting kasiyahan sa akin ngayon. Pero nagulat ako nang biglang mag-open siya sa akin ngayon. Natakot, kinabahan, at nagpanic ako. Naging mabigat ang aking paghinga. Naging kumportable siyang mag-open sa messenger sa struggles niya sa trabaho na kung tutuusin, isa sa mga nagbibigay ng labis labis na isipin sa akin. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko lalo na at nabanggit din niyang di na niya kilala ang sarili niya. Bakit ako pa? Bakit ako ang dapat masabihan niya ng problema niya? Di pa ba sapat na may sarili akong dinadala? Pero bigla kong naisip, baka kaya sa akin din siya nagsabi dahil maiintindihan ko siya. Maiintindihan ko ang pinagdadaanan niya dahil pareho kami. Ang masakit lang, wala rin ako magagawa para sa kanya kundi ang pakinggan siya dahil ako rin mismo sa sarili ko ay bigong malagpasan ang problemang kinakaharap. Pero tama na nga rin na sa akin siya nag-open, kasi alam ko kung ano ang gugustuhin niyang marinig. Hindi gaya sa iba, ipipilit ang sandamakmak na solusyon na kung tutuusin hindi naman talaga eepekto. Sana lang makayanan ko at mawala na ang pangamba sa aking puso at isip. Ang hirap eh.

Dance With the FatherWhere stories live. Discover now