✨4-Drunk✨

512 26 3
                                    

To start this part, please make sure na mageenjoy kayo and wag magsskip Ng kahit anong part "I see you" So for you to understand the whole story basahin mo lahat okay? Okay enjoy loveyouuuu!

Liam POV

Nang araw din nayun naging magkakaibigan kaming apat, kahit na ang kinabwibwisetan kong lalaki ay naging matalik kong kaibigan,

naging protective din sila sakin dahil bukod sa ako ang pinakabata at pinakamahiyain ay lapitin ako ng gulo hindi ko alam kung bakit

pero laging rason nila ay ang sama ko daw makatingin, pero sa totoo naman ay ganun talaga ang mata ko.

Nakilala na ni Mama silang tatlo at nabigla siya dahil kadalasan ang mga kaibigan ko ay mga babae at bakla

pero Ma! All boys yun anong kakaibiganin ko dun teacher? Emz HAHAHAH dahil hindi nako sinusundo ni mama every dismissal dahil nauuna akong umuwi sakanya

nagcocomute ako pauwi sa bahay namin pero kung sa condo ako uuwi kapag wala si Mama ay nilalakad ko nalang.

Dahil nga nagcocomute ako tuwing uuwi ay nagaalala ang mga kaibigan ko na baka mapaaway nanaman ako dahil sa mata ko.

Kaya hinatid ako ni Miguel pauwi sa bahay namin o kaya naman kung busy siya ay pinapahatid niya'ko Kay Kent na nadadaanan ang Bahay namin pero kailangan ko pang antayin si Kent dahil G12 na siya at 30 mins Ang agwat Ng dismissal time namin.

Hindi ko alam kung bakit pero mas close ako kay Kent dahil siguro mas nauna kaming nagkakilala at naging komportable ako sakanya ng mabilis,

samantalang si Yuan naman ay naenganyo ako sa mga games na nilalaro niya kaya naging close kami.

At si Miguel na minsan ay nawewerdohan ako sa pagiging seryoso kaya minsan ay hinaharot ko para di boring Ang buhay niya HAHAHAHA

7 months nadin ang lumipas natapos ang unang araw ko sa school nato

Ngayong araw Ang Intramurals ng Grade level namin kaya todo practice ang iba sa kani kanilang sports,

Si Migs ay sasali sa Basketball Competition, Ang magkaklase naman na sila Yuan at Kent na G12 ay may field trip ngayung araw.

Habang ako ay sasali sa Volleyball competition.

Naglaban laban lahat ng section para makamit ang Championship ng kanya kanyang sport Ang section Namin ay nanalo sa Volleyball at Basketball Competition,

Dahil sa panalo namin ay niyaya ako ng mga kateammates ko sa volleyball na magcelebrate kasama sila.

Pumayag na ko dahil minsan lang naman kami lumabas magkaklase pero magpapaalam muna ako kay Miguel baka kase magalala yun,

papasok nako ng classroom ng makita Kong wala na yung basketball team sa loob

"Kenzo, nakita mo si Miguel?" Tanong ko sa classmate kong naiwan sa loob,

"Hindi ako sure, pero umalis ata sila kasama yung Bball team para magcelebrate" Sagot niya

tila bumagsak ang balikat ko Ng malaman ko na di manlang siya nagpaalam.

"Liam, Tara na?" Tanong ni Aaron para umalis na kami,

pumayag nako dahil maaga pa naman hindi naman siguro kami magtatagal.

Nakasakay kami sa Kotse ni Aaron ng makarating kami sa Isang bar, "Guys bat andito tayo? Kala ko ba celebrate?"pagtataka ko.

Pagtataka kong tanong. "Kaya nga, iinom lang naman tayo eh" sabat ni Joaquin,

"Teka lang di kase ako umiinom eh" pagdadahilan ko,

"Alam mo, you should try na wag na KJ" sambit ni Joaquin. Sa tingin ko okay naman di nalang ako iinom ng sobra.

"Okay pero konti lang ha" kinakabahan kong sagot.

(2 hours Ago)

Di ko na alam kung nakailang shot na ba ko basta kung anong ibibigay nila ay iniinom ko nalang para di lang maging KJ,

may inabot si Aaron saking Shot glass at ininom ko ito pero tingin ko dapat last nayun dahil nagsisimula nakong mahilo at nasusuka.

Habang alam ko pa ang ginagawa ko ay pinilit ko ang sarili kong pumunta Ng Cr para mawala ang pagkalasing, naghihilamos ako ng unti unti namang luminaw ang paningin ko.

Lumabas ako ng Cr at umupo sa harap Ng Barista at humingi ng tubig

"Sir?, Can I have a water." Nakatingin ako sa barista at gwapo siya ha

"Here you go Sir" sabi niya sabay abot Ng baso,

baka nga lasing nako kase bat may kulay yung tubig? "Sir? May I know kung ako lang po ba nakakakita Ng Color sa tubig?" Pagtatanong ko sa barista.

"No sir, it's actually apple Juice po, para mas mabilis mawala pagkalasing mo" Natuwa naman ako dahil nalaman niya agad kung anong nasa utak ko.

"Ohh, I see, thanks po" pagpapasalamat ko sa barista

"You're welcome sir" Akmang iinumin ko na yung Juice nang may maramdaman akong kamay na humawak sa wrist ko






Shockkks bad influence may classmates mo Liam hayst, So sino kaya yung humawak sa wrist mo? I think gwapong guy nanaman yan....

Did you enjoy this part?
please like, And magcomment kayo ng mga gusto niyong mangyare sa story Malay niyo mapasama at mafeature yung idea niyo sa next part and don't worry I will give creadits sa mga mapapasama.

Please always support this Story until the end kung gusto niyo panghabang Buhay pa to eh HAHAHAHA

Surrounded by GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon