✨5- Mad✨

446 27 3
                                    

To start this part, please make sure na mageenjoy kayo and wag magsskip Ng kahit anong part "I see you" So for you to understand the whole story basahin mo lahat okay? Okay enjoy loveyouuuu!

Liam POV

Akmang iinumin ko na yung Juice nang may maramdaman akong kamay na humawak sa wrist ko at hinila ako papalabas ng bar,

tila nakakaramdam ako ng pwersa sa pagkakahawak sakin, nakita ko ang expression Ng muka niya seryoso ito na parang bulkang malapit ng sumabog

Di ko na kayang tiisin ang sakit na nararamdaman ko sa wrist ko at hinila ko ito nang makalabas kami,

nagiwan ng pulang marka ang kamay niya sa pulsuhan ko pero itinago ko ito kaagad.

tahimik lang akong nakatingin sakanya dahil di ko alam ang sasabihin ko,

"Anong iniisip mo Liam? Alam mo ba kung anong Oras na?!" sigaw niya sa harap ko

"Ni di kamanlang nagpaalam kung san ka pupunta o sino mga kasama mo?!" Pagpatuloy niya ng sermon niya sakin sa labas

"Di mo iniisip na nagaalala yung Mama mo kung nasan ka, Sila Kent at Yuan kahit nasa field trip tinawagan si Tita para di lang magpanic kung nasan kana?!" Pagpatuloy niya ng sigaw sakin.

Gusto kong magsalita para magexplain pero hindi ko alam sasabihin ko dahil Mali ko naman

"But..." Di nako nakapagsalita ng magsalita siya,

"You know what? This is nonsense and ayokong makipag-usap sa lasing, Get in the Car" utos niya sakin

pero ayokong matapos tong moment na to na Di ako nakakapagexplain.

"Wait, I want to explain myself" mahinahon kong salita.

"Liam, Get in the Car" Sambit niya ng may diin,

"Can you listen to me muna" pamimilit ko habang tumulo na ang luha,

"I SAID GET IN THE CAR!!!" Sa sigaw na yun wala nakong magawa

pumasok nako sa kotse dahil ngayon ko lang siya nakitang magalit ngayon lang din ako nakaramdam ng kirot sa puso ko,

pinipilit kong wag umiyak dahil nahihiya ako kapag nakikitang umiiyak kaya pinupunasan ko ito ng palad ko.

Sa di malamang dahilan di maubos ubos tong luha ko kaya humarap nalang ako sa may bintana at antaying tumahan ako nang di ko namalayang nakatulog nako.

Miguel POV

Nagdridrive ako car papunta sa Condo ko habang tulog si Liam ay tinawagan ko si Kent,

"Hello Bro, I saw him na and his drunk, nasa bar siya kasama teammates niya" balita ko Kay Kent.

"What? Di naman siya umiinom pano? Is he okay ba?" pag-aalala ni Kent,

"Hindi ko alam baka napressure sa mga teammates niya, Okay naman siya nasigawan ko kanina" sambit ko at sinulyapan siyang natutulog.

"Okay bro, Wag mo nalang muna siya pauwiin sa bahay nila baka magalit si Tita kapag nalamang lasing, Ako nalang magpapaalam na magoovernight sainyo" Sambit niya sa call.

"Okay Bro, Thanks" pagkatapos ay binaba ko na ang tawag habang bagdridrive ay naalala ko nangyari kanina

( A while ago)

"Bro! Tara celebrate tayo" Aya sakin ni Marcus na kateammate ko,

"Next time nalang Bro walang maghahatid kay Liam nasa Field Trip si Kent and Yuan eh" pagdadahilan ko sakanila,

"Sige ikaw bahala, next time ha" pagkatapos nun ay kinuha ko na Ang bag at pumunta sa Cr para magbihis

Pagkapasok ko ng Classroom ay nagsalita si Kenzo

"Miguel!, Di ka pala sumama, nasabi ko kay Liam, Umalis kayo kasama teammates mo Sorry" pagkasabi niya nun ay nagsimula nakong mag-alala.

(End of Flashback)

Liam POV

Nakaramdam ako ng malambot sa kama sa aking likuran kaya nagising ako at nakita ko si Miguel na bubuksan na ang pinto upang lumabas ng kwarto,

"Miguel, Can we talk?" Pigil ko sakanya sabay hawak sa braso niya.

"Let's talk tommorow na" sambit niya ng mahinahon,

Di ako nagpapigil dahil gusto ko talagang malaman niya yung dahilan ko kaya hinila ko siya,

pero di ko inaasahan na matutumba siya sakin. Napalunok ako dahil sa position namin dalawa nakapatong siya sakin habang nakatukod ang dalawa niyang braso sa kama.

"Now talk" seryoso niyang sinabi.

"Don't be mad at me na, magpapaalam naman dapat talaga ako sayo kanina pero nakaalis kana, and di ko Naman alam na sa bar kami pupunta ang alam ko magcelebrate lang kami pero naprepressure kase ako sa mga kateammates ko and ayokong maging KJ" pagpapaliwanag ko,

Inantay kong magsalita siya pero nakatitig lang siya sakin at nabigla ako ng hinalikan niya ko sa noo at sinabi "Matulog kana".





Ay nakuuu kayong dalawa, magkaibigan lang ba talaga yann? Bat may pahalik sa noo Aber?


Did you enjoy this part?
please like, And magcomment kayo ng mga gusto niyong mangyare sa story Malay niyo mapasama at mafeature yung idea niyo sa next part and don't worry I will give creadits sa mga mapapasama.

Please always support this Story until the end kung gusto niyo panghabang Buhay pa to eh HAHAHAHA

Surrounded by GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon