✨10- Kiss✨

367 22 0
                                    

To start this part, please make sure na mageenjoy kayo and wag magsskip Ng kahit anong part "I see you" So for you to understand the whole story basahin mo lahat okay? Okay enjoy loveyouuuu!

Miguel POV

-A while ago

Nasa kwarto ako ngayon kinukulong ang sarili, dahil ayokong magmukang pakialamero sa harap ng Liam kaya hanggat kaya kong magpigil ay gagawin ko.

Nang marinig kong umalis na si Kenzo ay medjo nabuhayan ako ng dugo at nagbalak asarin si Liam para hindi mahalata na nagseselos ako.

Pero dahil sa mga sinabi at ginawa niya tila ako ang napikon at the same time nagselos.

-End of Flashback

Sa sinabi ni Liam na tatawagan niya si Kenzo ay hindi ko na napigilan ang sarili kong iparamdam sakanya na nagseselos ako at ayoko ng feeling nayun,

Ikinulong ko siya sa gitna ng mga braso ko habang nakahiga sa kama at sinambit ang mga salitang

"I'm jealous" ang kaninang umiiyak niyang mga mata ay napalitan ng pagtataka.

Akmang magsasalita pa sana siya ng inilapat ko ang mga labi ko sa malambot niyang labi.

Liam POV

Sa sobrang pagkabigla ko sa pagkakahalik sakin ni Miguel ay wala akong magawa kundi matulala habang hinahalikan niya ko,

Kusa namang sumasabay ang labi ko sa mga halik niya, ipinikit ko ang mata ko at lumaban sa kiss na ginawa niya.

Nasa ganung moment kami ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at sa di inaasahan ay natulak ko si Miguel at nagdulot ito ng balibag na ingay sa kwarto.

"I'm sorry" sabay naming binanggit.

"What are you doing?" Nagulat kaming dalawa sa pagpasok ni Yuan sa kwarto

"Nothing" sambit ko habang umiiling

habang si Miguel naman ay hawak ang ulo na tumama sa cabinet.

Kumakain kami ng dinner sa Mini Sala ng Room at nakaramdam ako Ng awkwardness sa pagitan namin ni Miguel.

I don't know kung bakit niya sinabing nagseselos siya at kung bakit niya ko bigla nalang hinalikan.

"Liam?, Bat di mo ginagalaw food mo?" Tanong ni Kent sakin

di ko namalayang nakatulala na pala ako at itinuloy ang pagkain.

Sa sobrang nangyari ngayong araw napagod na ang mga katawan namin at nagpasiyang ipapabukas nalang ang pinlanong uminom ng soju at matulog na muna.

Nakahiga nako katabi si Kent pero hindi ako makatulog dahil iniisip ko padin ang nangyari kanina samin ni Miguel.

Nagpasiya akong bumaba sa ground floor ng hotel at ibinabad ang paa sa pool at naramdam ko ang ligamgam ng tubig dahil hot spring ito.

"Tama bang iniisip ko na may gusto sakin? Pero bat naman siya magseselos at bat niyako hahalikan kung wala lang yun?" Mga salitang nasabi ko sa loob ng aking isipan.

"Can't sleep?" napalingon ako ng magsalita ang lalaking nasa likuran ko.

Tumango naman ako bilang sagot.

"I'm sorry about a while ago" hinayaan ko lang siyang magsalita

nanatili akong nakatingin sa reflection ko sa tubig habang dahan dahan kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Miguel POV

Isinandal ni Liam ang ulo niya sa balikat ko, nanatili kaming tahimik sa mahabang minuto,

napansin ko namang tulog na siya kaya napagdesisyonan kong sabihin ang nararamdaman ko habang tulog siya

dahil kahit sa ganong paraan alam kong pagkatapos nun ay di magbabago ang tingin niya sakin.

"I know na mali yung ginawa ko kanina, yelling at you was not my intention but the kiss, matagal kong hinintay yung time nato na dapat sa first encounter palang natin ay nagawa ko na. Yes I love you, since that day, I'm straight but when I first saw you I just want to bend yung magkakasiya sa puso mo. Ang wierd ko diba? Kinakausap kita kahit tulog ka" naputol ang mga sinabi ko ng makarinig ako ng salita

"Mas romantic yan kung gising siya sir" sambit ni Kuya Guard.

Pagkatapos ng paguusap namin ni Kuya Guard ay binuhat ko na si Liam at inihatid sa kwarto nila ni Kent,

bago ako lumabas ay nagiwan ako ng halik sa noo ni Liam at sinambit

"Good night... I love you" nabigla ako ng may bumanggit ng

"I love you too din daw pinapasabi niya from his dream" nagulat ako ng magsalita si Kent habang nakapikit ang mata

"No Bro, What I mean is..." magpapaliwanag pa sana ako ng magsalita si Kent

"I know Bro".









Lord kung di pede si Miguel kase may Liam na kahit si Kent nalang po please HAHAHAHA emzzz, abang abang kayo may mga pasabog sa next part.




Did you enjoy this part?
please like, And magcomment kayo ng mga gusto niyong mangyare sa story Malay niyo mapasama at mafeature yung idea niyo sa next part and don't worry I will give creadits sa mga mapapasama.

Please always support this Story until the end kung gusto niyo panghabang Buhay pa to eh HAHAHAHA

Surrounded by GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon