✨16-Butterflies✨

270 15 1
                                    

To start this part, please make sure na mageenjoy kayo and wag magsskip Ng kahit anong part "I see you" So for you to understand the whole story basahin mo lahat okay? Okay enjoy loveyouuuu!

Liam POV

Patuloy padin ang di pagpansin ng mga kaibigan ko sakin hanggang sumapit ang dismissal

Naglalakad ako patungong parking lot nang marealize ko na galit pala silang lahat sakin

Kaya naman dumiretso na ko ng main gate para umuwi magisa

habang naghihintay ako ng kahit anong masasakyan ay bigla namang tumulo ang luha ko ng makaramdam ako ng lungkot

Di ko malaman kung nababaliw nako o may sariling buhay tong luha ko na gusto lang lumabas kung kailan nila naisin

Nakaramdam din ako ng kirot sa puso ko ng maisip ko na hindi naman ako magaalala sa kung anong sasakyan ko kung di nila ako sinanay na umasa sa kanila at pababayaan akong umuwi magisa

Napagdesisyonan ko nalang maglakad dahil wala nakong masakyang taxing dumadaan kahit jeep ay punuan, Di rin ako makapagbook ng grab dahil wala akong dalang phone

Habang naglalakad nakakaramdam padin ako ng namumugtong luha kaya pinipilit kong kusutin ang mata ko

Pero di ko sinasadyang makabunggo ng tao na siyang ikinatumba ko.

"I'm sorry, 'you okay?" tanong naman ng lalaki sa harap ko, sabay lahad ng kamay

"Yeah I'm fine" tumayo ako magisa ng walang tulong ng kamay niya

"You sure?, You look hurt" pag-aalala naman nitong tanong

"I said I'm fine" seryoso kong sagot dito hanggang makakita ng jeep na di puno ay agad akong sumakay

Habang umaandar ang jeep pinilit kong titigan ang lalaki kanina at kita naman ang angkin nitong kagwapuhan.

*45 minutes ago

"Ma, nandito napo ako" sambit ko ng makarating sa bahay

Dumiretso naman ako sa kwarto ko at agad naligo at nagpahinga

*Kinabukasan

"Ma, alis na po ako" paalam ko kay Mama bago umalis

"Ingat ka Anak ha" habilin naman ni Mama

Paglabas ko naman ng pinto may kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin

Kilala ko ang kotseng nasa harap pero di ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglakad para makalayo

Siguro nga ay nagalit ako sakanila kahapon dahil narin sa hindi nila pagpansin sakin at alam kong may point ako dahil dun

Habang naglalakad narinig ko naman ang pagsarado ng pinto ng kotse pero patuloy parin sa paghakbang

Napahinto naman ako ng may kumalabit sa likod ko pero pagtalikod ko'y wala namang tao

Akmang hahakbang nako ng mabunggo ako ng Isang matigas na dibdib nang muntik pakong matumba kaya napayakap ako sakanya

Nasa ganung posisyon ako ng makaramdam ako ng mga brasong umangkin din ng katawan ko

"Sorry na" mga salitang narinig ko

Gusto kong magwala, gusto kong magmura dahil sa inis pero bat bigla nalang akong umiyak

Sa pagiyak kong yun naramdaman ko ang hagod ng kamay niya sa likod ko na umakyat papunta sa ulo ko at isinandal sa dibdib niya (Oo hanggang dibdib lang ako bakit cute size Tawag diyan)

Surrounded by GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon