✨2-Seatmate✨

661 37 1
                                    


To start this part, please make sure na mageenjoy kayo and wag magsskip Ng kahit anong part "I see you" So for you to understand the whole story basahin mo lahat okay? Okay enjoy loveyouuuu!

Liam POV

"Excuse me" sambit niya, napaisip ako kung bakit siya nageexcuse sakin.

"Yeah? Wdym? (what do you mean?)" Di ko mawari kung anong gagawin ko sa mga Oras nayunnn

Nakita kong huminga siya Ng malalim at naiiritang expression

"Yung buttons" mahinahon niyang sinabe.

Narealize ko nalang na nasa likod ko pala yung buttons Ng elevator.

"Huh? Ahh sorry sorry!" Natataranta kong sinabi at umalis sa kinatatayuan ko.

Nakita ko namang pinindot niya ang 5th floor na Floors para sa mga Grade 10 student, "so Grade 10 siya?" pagtatanong ko sa sarili ko

Nang makalabas ito ay nakahinga ako Ng maluwag na siya namang pagbukas Ng elevator kung SAAN tumambad sakin Ang napakatahimik at maluwag na hallway Ng Grade 11 area.

Habang naglalakad ako sa gitna Ng hallway nakita ko namang nakatingin Ang iba Kong batchmate mula sa loob Ng malaking bintana na nakaair conditioned classroom.

Napayuko ako dahil Di ako sanay na tinitingnan, habang naglalakad ako ay nakita kong may paakyat na lalaki mula sa 5th floor gamit Ang hagdan at siya yung nakasabay ko kanina sa elevator.

"baka may pinuntahan lang na Grade 10 baka kapatid niya or jowa niya" Sambit ko sa utak ko.

Naaninag ko na ang Text Sign na 11 Humms sa pinto na Isang classroom at dun din huminto Ang lalaking nakahoodie na nakasabay ko "Owww Humms din pala siya" pabulong Kong sinabe, nagtataka ako bat hindi siya kumakatok o hindi niya binubuksan Ang pinto, nang makarating ako sa kung nasan siya ay tsaka niya lang binuksan Ang pinto.

Pagkabukas ng pinto ay narinig ko ang ingay mula sa loob may naghahabulan na parang mga Bata, may kumakain Ng chips dahil siguro sa wala pang teacher sa loob kaya ganun nalang ang ingay nila.

Sandaling natahimik sila at napatingin sa kinaroroonan Namin na sabay pumasok.

Nanatili kami sa pagkakatayo malapit sa pintuan Ng may sumigaw Ng "Please close the door! Lalabas yung Aircon!"

Aabutin ko na sana yung doorknob ng magsalita Ang katabi Kong "Ako na".

Napatingin Naman ako sakanya at ngumiti "okay, thank you" pagpapasalamat ko.

Nauna nakong maglakad patungo sa unoccupied double seat sa likod. Umupo ako sa malapit sa bintana gusto ko lang makita yung view mula sa labas.
Narinig ko namang may umubo na parang pangsarkastiko "ehemmm"

Napalingon ako sa Matangkad na
lalaking nakatayo malapit sakin at siya din yung lalaking nakasabay ko sa elevator kanina, kunti nalang iisipin kong stalker ko siya dahil Di siya mawala wala sa paningin ko

"Yes?" Pagtatanong ko,

"Can I seat here?" Mahinahon niyang pagtatanong saakin,

"Ofcourse" wala nakong magagawa kundi umoo dahil sino ba Naman ako para tumanggi.

Pero muli siyang nagsalita. "Uhmm..."

Napalingon ako at pinalitan ko Ng tila pagtatanong Ng aking muka, "Can I seat beside the window?" Sambit niya habang tinuturo ang bintana.

Medjo nainis nako dahil nakaupo
nako dito pinapaalis niya pako.

"Sorry sanay kasi ako umupo malapit sa bintana" pagdadahilan ko

"Pleaseee?" Pagpapacute na saakin kaya naweirdohan ako sakanya.

"Pwede ka Naman umupo sa vacant seat dun harapan malapit din naman yun sa window" Tinuro ko ang upuan sa harapan gamit Ang bibig.

"FINE!" Nagulat ako nang tumaas Ang boses niya pati mga kaklase namin napatingin sa kinaroroonan Namin.

Padabog siyang pumunta sa harapan at umupo Ng nakasimangot, hindi ko na pinansin yun dahil First day Ngayon dapat Good Vibes lang.

Nakatulala ako sa bintana ng may umubo nanaman "eheeem" tila nainis nako dahil kung ano nanaman Ang kailangan niya

"ANUBANG KAILANGAN MO!" Nang makita ko na ibang tao Pala ang nasigawan ko ay tila napahiya ako sa ginawa ko.

"I'm sorry I didn't mean it kala ko ikaw yung" hindi na niya ko pinatapos ng tumawa siya at napangiti Naman ako sa angkin niyang kagwapuhan

"Hey, It's okay I don't mind." Mahinahon niyang sinabe sakin.

"Btw can I seat here?" Pagpapaalam niya,

magsasalita na sana ako ng may boses akong narinig mula sa kung sino.

"No! That seat is already occupied." Singit ng kaninang lalaking kinabwibwisetan ko

"With whom?" Pagtatanong Ng lalaking kaharap ko,

Lumapit na Ang lalaking nakahoodie at agad umupo sa tabi ko "Kanino pa edi sakin!".





Sino kaya yung lalaking kinabwibwisetan ni Liam? Nakuuu ha first day palang badtrip kana Liam, Tigil mo yan Di Yan nakakaganda!.

Did you enjoy this part?
please like, And magcomment kayo ng mga gusto niyong mangyare sa story Malay niyo mapasama at mafeature yung idea niyo sa next part and don't worry I will give creadits sa mga mapapasama.

Please always support this Story until the end kung gusto niyo panghabang Buhay pa to eh HAHAHAHA

Surrounded by GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon