✨13-Cold✨

293 20 1
                                    

To start this part, please make sure na mageenjoy kayo and wag magsskip Ng kahit anong part "I see you" So for you to understand the whole story basahin mo lahat okay? Okay enjoy loveyouuuu!

Liam POV

Isa na sa pinakamasakit na araw siguro ang nangyari kahapon samin ni Miguel

Hindi ko alam kung papasok ako ngayon dahil hindi ko alam ang irereact ko kapag nagkita kami.

Palabas nako ng bahay nang makita ko ang sasakyan ni Kent.

Pumasok ako sa loob dahil nakita kong nagaantay siya para ihatid ako

"Good morning" sambit ko sa pinakamababang energy na meron ako

Napatingin naman siya sakin na tila naghihintay ng information na sasabihin ko

"May sasabihin kaba?" tanong niya

Pero di nako nakapagsalita ng maunahan ako ng luha ko sa pagpatak

Inabot ni Kent ang panyo niya at niyakap ako "Di kita pipilitin kung ayaw mo pa magkwento, basta I'm always free ha" sambit

Sa mga sinabi niya mas nafeel ko na secure ako at di nagiisa

Nasa Campus na kami habang naglalakad ako ay nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko

Hindi ako galit kay Miguel dahil sa nangyari kahapon pero nasaktan ako sa nangyari saming dalawa

Pumasok nako sa loob ng classroom namin pero wala ang anino niya sa loob kaya umupo nako sa sit ko.

Nakatulala ako sa bintana ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking kanina ko pa hinihintay.

Suot niya ang same hoodie when we first met. And still he looks so charming sa hoodie nayan.

Habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko ay sabay ding nagtagpo ang mga mata namin.

"Good mor-" di na natapos ang sasabihin ko nang ilabas niya sa bulsa ng hoodie niya ang phone ko.

Nagtaka naman ako kung bakit ngayong oras pa niya ibinalik at sa classroom pa na baka may makakita.

Pagkatapos niyang ilapag ang phone ko sa table ay nagmartsa siya paalis sa harap ko at umupo sa 1st row

Ikinabagsak naman ng balikat ko ang di niya pagtabi sakin.

Pero mas okay nadin yun baka awkward din pag tumabi siya sakin.

Natapos na ang unang class at naglabasan nadin ang mga students dahil recess na

mukang di ren pumasok si Kenzo kaya wala akong kasabay papuntang cafeteria.

Nakarating nako sa cafeteria nakita ko naman na naghihintay na si Kent at Yuan sa table namin

"Kamusta?" panimulang tanong ni Kent

"I'm okay let's eat na" pagiba ko sa topic

habang kumakain kami nahagip ng mata ko ang pagpasok ni Miguel sa cafeteria

Pumunta siya sa isang food stall at bumili ng pagkain pero di ko akalain na lalabas siya pagkatapos at di sasabay samin

Naguiguilty tuloy ako kase sa totoo lang saling kitkit lang naman ako sa squad nato pero siya yung lumalayo.

Nanatili akong tahimik hanggang magbalik sa classroom at hanggang magsimula ang 2nd class.

*After 4th Class

Lunch na and still cold padin si Miguel naglalakad ako papuntang cafeteria ng may kumausap sakin

"Hi! I'm Andrew po, I'm from 10 - Laurel, pwede po ba humingi ng favor?" pagpapakilala niya

Surrounded by GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon