✨6-Kuya's✨

452 27 0
                                    

To start this part, please make sure na mageenjoy kayo and wag magsskip Ng kahit anong part "I see you" So for you to understand the whole story basahin mo lahat okay? Okay enjoy loveyouuuu!

Liam POV

Nagising ako dahil sa liwanag na naaninag ko mula sa bintana, inilibot ko ang mata ko nang marealize ko na nasa kwarto ako ni Miguel,

Napalingon ako dahil sa narinig kong buntong hininga na nanggaling sa katabi ko,

Nakita kong nakadapa at nakayakap sa puting unan si Miguel habang natutulog nakatopless din siya as usual dahil di siya makatulog kapag may damit.

Tinititigan ko siya habang natutulog ng magsalita siya habang nakapikit

"How are you feeling?" Tanong niya tsaka humarap sakin.

Wala akong ibang nasagot kundi "Sorry" lasing ako pero naalala ko lahat ng nangyari kagabi at alam kong galit siya.

Wala nakong narinig na sagot nang ngumiti siya at umurong siya sakin at niyakap ako at sympre niyakap ko din siya

"You're not mad at me na?" Tanong ko sakanya habang nakayakap

"Hindi na, just don't do it again okay?" Sambit niya at hinawakan ang pisngi ko,

Di nako sumagot pero tumango nalang ako.

Tumayo na siya at lalabas na ng pinto para magprepare ng breakfast,

Tatayo nadin sana ako pero biglang napaupo ako at napahawak sa ulo ka dahil sa sakit nito.

"What happened? Are you okay?" Pagaalalang tanong niya

"I don't know bigla nalang sumakit ulo ko" baka hangover tong nararamdaman ko kaya sumakit bigla ang ulo ko.

Inalalayan ako ni Miguel para makahiga ulit sa kama

"Just stay there, kukuha lang ako ng gamot" bilin niya sakin.

Habang nakahiga ako ay napaisip ako dahil Ang swerte ko dahil nakilala ko ang tatlong kaibigan na naging mga Kuya ko,

kahit na Di nagluwal si Mama ng Isa pang anak ay nagkaron Naman ako ng 3 protective at caring na mga kaibigan.

Dumating si Miguel at nakainom nako ng gamot, unti unting gumaan ang pakiramdam ko.

Hinatid ako ni Miguel sa bahay namin namiss ko Naman si Mama kaya yumakap ako, nagtaka ako kung bakit di siya galit saakin dahil sa nagyari kagabi.

Nakaalis na si Miguel pero babalik siya mamayang hapon para sunduin ako dahil weekends ngayon

Napagkasunduan namin na pumunta sa mall kasama sila Kent at Yuan dahil wala din naman si Mama mamayang gabi dahil pupunta silang Cebu for company business 3 days din silang magsstay dun kaya sa condo ako uuwi mamaya.

Nasa loob nako ng Car kasama si Miguel papuntang Mall nandun nadin daw sila Kent at Yuan naghihintay.

Nakarating na kami at nakita nanamin sila, nang magkita kami ay yumakap ako Kay Yuan samantalang si Kent naman ay hinalikan ako sa noo.

Hindi ko alam pero nafeel ko yung pagiging bunso dahil sakanila.

Natapos ang araw nato ng lahat kami ay pagod, Bukas ay Linggo kailangang umuwi ni Miguel sa Nueva Ecija para bisitahin Ang Lola niya kaya kasama kong umuwi sa Condo si Kent at Yuan,

kalaunan ay umuwi na si Yuan dahil inaantok na siya. Si Kent naman ay gustong magovernight sa condo para may kasama ako.

Bago kami natulog ay nagmovie marathon kami at nanoood ng Avengers. Nakatulog na siya siguro dahil sa pagod kaya pinatay ko na Ang TV at humiga na.

Nakaramdam Naman ako ng lamig kahit na nakajacket ako kaya Yumakap nalang ako kay Kent at naramdaman ko namang niyakap niya din ako.






Gusto ko din ng ganyang kuya, may nabibili ba niyan sa shoppee? Emz HAHAHAH I want cuddle din kuya

Did you enjoy this part?
please like, And magcomment kayo ng mga gusto niyong mangyare sa story Malay niyo mapasama at mafeature yung idea niyo sa next part and don't worry I will give creadits sa mga mapapasama.

Please always support this Story until the end kung gusto niyo panghabang Buhay pa to eh HAHAHAHA

Surrounded by GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon