✨30 - Accident ✨

80 8 0
                                    

Liam POV

"Remember this Li, you're mine, only mine" Miguel whispered on my ear with anger.

Nakasandal ako sa pader na kinatatayuan ko sa mga oras na ito, inaantay na kumalma ang lalaking nagngangalit ang mga panga.

"You okay Li? what happened? what did he do to you? did he hurt you?" sunod sunod na tanong ni Yuan

"Nothing, I'm okay" sagot ko

Akmang pahakbang na ang aking nga paa ng isang kamay ang humablot sakin papapunta sa matikas na dibdib.

"Don't say anything, just stay there" mga salitang sinambit niya

Dito ko naman ibinuhos ang lahat ng luha at sakit na kanina ko pa pinipigilan at hindi ko mailabas dahil sa takot na nararamdaman ko.

"Kakausapin ko si Miguel, stay with Kent... don't think to much about him Li, we're here for you okay?" - Yuan

Dahil sa mga lalaking to nababawasan kahit papaano tong nararamdaman ko kaya naman I feel so safe kapag kasama ko sila.

Yuan POV

"Hey bro! Miguel! What was that? what's your problem?" tawag ko sa lalaking ito

"Go away Yuan" taboy nito sakin

"What's with that mood, di ka naman ganyan? bat ba kayo nag-aaway ni Liam? wala namang ginagawang masama si Li?" tanong ko sakanya

"Do you really wanna know?... God it's fucking you bro! lagi lang nakabuntot kay Liam..why gusto mo ba yung Boyfriend ko?" pagyayabang nito

"what the fuck?! kaibigan ko yung boyfriend mo, di- " di nako matapos sa pagsasalita ng kwelyuhan niya'ko.

"Yun na nga eh, kaibigan ka lang! Boyfriend ako! May boyfriend na siya so wag kang mapapel... linta kaba?" nag-igting ang panga ko sa sinambit nito kaya naman isang suntok ang pinakawalan ko

Liam POV

"Miguel! Yuan!" tawag ko sa dalawang lalaki nang makita kong nagbubugbugan na sila ng maabutan ko sila.

Inawat namin sila ni Kent na gulat din makita ang dalawa niyang kaibigan.

"THE HELL BRO?! What's wrong with you two?!" awat ni Kent sakanila.

Sandaling naging tahimik ang buong paligid, mabuti nalang din at dismissal na kaya wala ng masyadong estudyante ang nasa paligid.

"Ano bang pinag-aawayan niyo?!" tanong ni Kent, habang ako tahimik na pinagmamasdan ang tatlong to.

Biglang pumasok sa isip ko na ako ba ang dahilan kung bakit sila nagkakaganito? oras na ba para dumestansya ako sa tatlong to dahil unti-unti ko na silang nasisira?

"Why don't you ask your friend huh? this bastard is fucking jealous!" pang-aasar pa nito

"Gago ka talaga no?!" -Miguel

"What? nag-aaway kayo dahil sa selos?" -Kent

Lumingon patalikod si Kent, sa gawi kung nasan ako.

"sorry" tanging sambit ko dahil ramdam kong ako ang sinisisi ni Kent dahil sa pag-aaway ng dalawa niyang kaibigan

"Kailangan natin magusap sa susunod na araw, walang magkakaintindihan kung lahat tayo mainit at matitigas ang ulo. Miguel umuwi kana at ikaw Yuan...iuwi mo na si Liam-" di na natapos si Kent sa pagsasalita ng sumagot si Miguel

"He's not coming with him!" sagot nito

"Well sorry bro but he's living with me" -Yuan

"pabayaan niyo ko- I'll deal with my problems on my own." sagot ko, tsaka humakbang papalayo sakanila.

Sinabi ko lang yun para tumigil ang lahat sa sagutan nila pero hindi ko talaga alam saan ako pupunta pagkatapos nito.

I felt sorry and guilty dahil kasalanan ko kung bakit sila nagkawatak-watak at ayokong mas lumala pa ang mga nangyayari.

"Wha- what did I d- do!?" sigaw ko habang naglalakad sa gilid ng kalsada.

Hindi ko alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko, ayokong umuwi sa Lola ko pero wala akong choice. Naglalakad ako pauwi sa bahay nila Lola unfortunately.

"Fuck!!" sigaw ko habang naiinis sa sarili ko, gusto Kong saktan ang sarili ko gustong sumigaw ng sumigaw dahil wala na akong magawa

Tanging iyak na lamang ang nagagawa ko habang naglalakad hanggang isang lalaki ang nakasalubong ko

Nakatitig siya sa akin pero nanatili akong nakayuko dahil medyo natatakot ako

Palampas na ko sakanya ng magsalita siya. "Pahingi naman pangyosi noy!" sigaw nito

Wala nga kong pamasahe pauwi, pangyosi pa kaya?

"Wala po tay eh"

"Damot mo naman, dali na syete lang!" pamimilit nito at lumapit pa sa kinaroroonan ko

"Wala po talaga tay" natatakot kong sambit

"Akin na nga bag mo ako kukuha" hinablot niya ang bag ko pero di ko ito binatawan

"Tay wag po! wala- wala po talaga akong p-pera" pagmamakaawa ko hanggang sa mahila ko pabalik sakin ang bag ko

"Di ka talaga makuha sa masinsinang pag-uusap ah" pagbabanta niya hanggang sa magulat ako ng hugutin niya ang kalawanging baril

"Tay wala po talaga- please po maawa kayo wala po akong pera" nangingiyak kong pangrarason sakanya

BANG!! isang putok ng baril ang pinakawalan niya paitaas na ikinatumba ko sa kalsada, hindi ko alam pero tila nabingi ako sa lakas ng putok ng baril.

Nang makita ko siyang papalapit sakin, gumapang ako papalayo sakanya hanggang mapunta ako sa gitna ng kalsada.

"akin na yang bag mo" papalapit na siya saakin ng isang liwanag ang papalapit sa direksyon ko.

Ang kaninang liwanag ay napalitan ng isang tila dilim na bumalot a buong kapaligiran.

Doctor's POV

"Ang malakas na impact ng pagkakabundol sa pasyente ay nagdulot sakanya ng Acute traumatic midbrain hemorrhage. Nangangailangan siya ng agarang operasyon upang mapigilan ang internal bleeding" pagpapaliwanag ko sa ina ng pasyente na kabilang linya ng telepono.

Nang pumayag ang ina ng pasyente sa operasyon ay agad kong ipinahanda ang operation room. Tatlong lalaki naman ang tila naghihintay ng kasagutan at kanina pa di mapakali sa pasyenteng kanilang dinala.

"His mother already agreed to have his son the operation he needed. And this operation might leave some temporary trauma gaya ng pagkawala ng panlasa, pandinig at paningin. Tatagal ito ng 5-8 weeks para bumalik kaya kailangan niya ng support mentally, emotionally and physically" pagpapaliwanag sa mga lalaking ito.

"Doc, please do anything to save him" sambit ng isang lalaking kanina pa umiiyak

"Update us right away doc"

Matapos ang operasyon agad kong ibinalita sa mga binatang ito na successful at ligtas na ang pasyente. Dumating naman ang mga pulis upang imbestegahan ang nangyaring holdup at insidente sa pasyente.

Third Person POV

Dalawang linggo ding walang malay si Liam habang ang tatlo niyang kaibigan ay di siya iniwan sa ospital. Sinigurado nilang aalagaan nila si Liam para di na kailangan umuwi ng Ina ni Li.

"I've been waiting here babe, I really miss you. I can't wait to see you smile at me again. Just take your time resting and we'll go eat ice cream when you woke up" sambit ni Miguel at tsaka hinalikan sa noo si Liam.




Surrounded by GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon