✨11-Ignored✨

330 22 0
                                    

To start this part, please make sure na mageenjoy kayo and wag magsskip Ng kahit anong part "I see you" So for you to understand the whole story basahin mo lahat okay? Okay enjoy loveyouuuu!

Liam POV

Nagliligpit na kami ng gamit namin dahil babalik na kami ng manila, naalala ko naman kagabi na nakatulog ako sa balikat ni Miguel at nagising ako sa tabi ni Kent.

"You done?" tanong ni Kent sakin,

"Not yet" sagot ko naman.

Nang matapos kaming lahat magligpit ay inilagay nanamin ang mga gamit sa kotse ni Kent.

Pagabi nadin ng magcheck out kami sa hotel, nakakabingi naman ang katahimikan sa loob ng kotse.

Lahat sila ay may kanya kanyang ginagawa si Kent ay nagdridrive, si Yuan naman ay nakaheadphones habang naglalaro.

Nahuli ko namang nakatingin si Miguel saking tabi pero bigla itong umiwas.

Nakikinig ako ng music sa phone ko at nakaheadset ng kunin ni Miguel ang Isa sa tenga ko.

"What are you doing?" pagtatanong ko sakanya.

"Pashare ako" dahilan niya.

Inilagay niya sa tenga niya ang headset ko ng pinatay ko ang music sa phone ko

"Ang damot" sambit niya while pouting

Di naman ako sumagot at direcho lang ang tingin.

"Kent, Can you play some music" suggest ko sakanya.

"What music ba?" tanong niya.

"Anything, just play it" seryoso kong sinabi kay Kent.

Nakita ko Naman sa peripheral view ko na nakatingin sakin si Miguel pero naging disappointed ang expression ng muka niya.

"Do we have a problem?" napalingon ako sa tanong niya

Alam kong narinig ng lahat tao sa loob ng kotse yun kaya napansin kong lumingon si Yuan at tumingin si Kent sa mirror sa harapan.

"Nothing" pagiling ko

Bumalik sa awkward silence ang lahat, sa tingin ko mas okay na magkaroon muna kami ng distance ni Miguel with each other

Ayokong magassume para lang masaktan, sa tingin ko din ay nagagawa niya ang mga bagay na yun katulad nung kiss namin ay dahil lang sa closeness namin.

Kaya I think mas okay na we'll set some limitation between the two of us.

Medjo matagal din ang biyahe namin 8 pm na pero mukang malayo pa kami sa Manila pero tila gusto ng pumikit ng mga mata ko

Sa sobrang antok ko ay isinandal ko ang ulo ko sa car seat.

Miguel POV

Nasa loob kami ng kotse pero yung atmosphere parang ako lang magisa

Nasasaktan ako sa ginagawa ni Liam dahil nararamdaman kong iniiwasan niya ko.

Napansin kong inaantok siya kaya isinandal niya ang ulo niya sa Car seat.

Maya maya ay akmang mauuntog na siya sa window dahil nakatulog na siya, pero agad kong nasalo ang ulo niya.

Lumapit ako sakanya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"What happened?" tanong naman ni Kent

"He falls asleep na" sagot ko naman

"I mean, nagaway ba kayo?" siguro ay napansin niya na kanina pa ko iniiwasan ni Liam

"Huh?" Pagmamaang mangan ko

"We saw Bro, what happened ba?" Singit naman ni Yuan

"I don't know Bro, bigla nalang niya'ko iniwasan" sagot ko sakanilang dalawa

"I think he's just tired" sambit naman ni Kent.

Liam POV

Nagising ako sa balikat ni Miguel kaya umayos ako ng upo, at agad na lumingon sa bintana.

"Are you okay?" pag aalalang tanong ni Miguel.

Di ko pinansin ang tanong niya at kinausap ko nalang si Kent

"Kent malayo pa ba tayo" tanong ko sakanya

"Medjo malapit na, matulog kana muna We'll wake you up nalang pag nasa bahay kana" suggest niya

"No, I'm okay" pagtanggi ko

Nasa gitna kami ng katahimikan ng tumunog ang phone ko at nakita kong may message.

Miguel:
Galit kaba?

Nang mabasa ko to ay napalingon ako sa kinaroroonan niya nakita ko namang seryoso siyang nakahawak sa phone niya.

Hindi ko ito pinansin at tinuon ang sarili sa bintana.

Ilang minuto lang ang lumipas ng magring ang phone ko, kaya nilingun ko na si Miguel para pagsabihan pero nakita kong tulog ito at nakasandal sa window ang ulo.

Tiningnan ko ang phone ko, nakita kong si Kenzo pala ang tumatawag.

Liam: Hello?
Kenzo: Hi, How's your foot? Okay naba?
Liam: Yeah, hindi naman na sumasakit
Kenzo: Good, What are you doing?
Liam: Pauwi na kami ng Manila

Hindi na natuloy ang usapan namin ng may humablot ng phone ko.

"What are you doing?!" Inis kong sabi dito

Napalingon naman ang dalawa sa kinaroroonan namin.

Imbis na ibalik sakin ang phone ko, ipinikit niya ang mata niya at ipinasok sa bulsa ng hoodie niya ang phone ko.

"Give me my phone" seryoso kong utos sakanya

Nakakainis, dahil parang walang siyang naririnig sa mga sinasabe ko

"Guys, stop it na" Saway naman ni Kent

Naramdaman ko namang huminto na ang kotse. At nakita ko na ang bahay namin

"Miguel, Akin na" pinilit kong kunin to dahil papasok nako sa bahay,

lumabas naman ng Kotse si Yuan para tulungan akong ihatid ang gamit ko sa bahay.

"Bwiset!" sigaw ko dito pero ayaw parin niyang ibigay ang phone ko

Lumabas nako ng kotse sa inis ko sakanya. Lumabas din si Kent para magpaalam

"Bye na, Thank you sa paghatid" pagpapaalam ko sakanya, yumakap naman ako Dito

"Matulog kana, Wait how about your phone?" Tanong nito

"Bahala siya, saksak niya sa muka niya" inis kong sabi sakanya

Naglalakad nako papasok Ng bahay ng makasalubong si Yuan.

"Yung bag mo nasa couch, Bye, matulog ka maaga ha" hinalikan naman ako sa noo

"Ouum, Ingat kayo" pagpapaalam ko

Umandar na ng kotse ng makita ko ang phone kong inilagay ni Miguel sa bintana na parang nang aasar.







Bat kahit di kayo okay nakakakilig padin? Bat ganyan kayo? Pasaksak na pleaseee huhuhuhu



Did you enjoy this part?
please like, And magcomment kayo ng mga gusto niyong mangyare sa story Malay niyo mapasama at mafeature yung idea niyo sa next part and don't worry I will give creadits sa mga mapapasama.

Please always support this Story until the end kung gusto niyo panghabang Buhay pa to eh HAHAHAHA

Surrounded by GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon