Trouble 1 - Right from the start

1K 33 4
                                    

a/n: What's the real story behind Stanley and Ericka's agreement? Anung Blackmail ang sinasabi ng ating bida? Anu kayang gulo ang pinasok niya? Hep-hep! Huwag atat, darating din tayo diyan. Mas maganda kung sisimulan natin sa pinaka-umpisa.

[ Ericka's POV]

"Now we're back. And here on the line, we have our second caller. Itago na lang natin siya sa pangalang Darling. Hello, Darling. This is DJ Ms.Terry, anung maipaglilingkod ko sa'yo?" Ang sarap talagang maging DJ lalo na kapag gusto mo especially ng mga listeners yung segment mo. 

"Good evening DJ Ms.Terry. Gusto ko lang pong i-share yung tungkol sa amin ng boyfriend ko." Parang ang bata pa ng boses ah. Dalaginding ata. 

"Ok, go ahead!" Anyway, kailangan ko munang pakinggan yung ishe-share niya. Tsaka ko na lang siya tatanungin ng kung anu-ano.

"Kasi po DJ Ms.Terry, para po kasing nanlalamig na siya sa akin. Hindi ko po alam pero napapansin ko lang sa mga ginagawa niya." 

"Paano mo yun nasabi? I mean anu ba yung mga ginagawa niya?" 

"Meron po kasing times na hindi siya nagrereply sa mga text ko, tinatadtad ko na nga siya eh pero wala paring reply tapos hindi po siya nagpapaalam sa akin kapag aalis siya kaya hindi ko alam kung saan siya pupunta. May nagsabi rin sa akin na may kasama siyang ibang girl nung isang araw sa school kaya nung time na yun, nag-text ako sa kanya tapos nagreply siya na may ginagawa daw silang group project sa school. Tsaka kapag ayaw kung gawin niya yung isang bagay, ginagawa niya parin." Sinasabi ko na nga eh, LAKAS MAKA-PBB TEENS ng drama!  Mga kabataan talaga, mas unang pina-priority ang lovelife kaya kapag may nangyayaring hindi nila nagugustuhan, sobra silang nasasaktan. 

Okay, it's DJ Ms.Terry's turn...

"Nag-usap na ba kayo ng boyfriend mo tungkol diyan sa nararamdaman mo?"

"Hindi pa po. Hindi ko pa po siya kinakausap. Ilang linggo ko na po siyang hindi pinapansin. Nagagalit po talaga ako sa kanya."

"Kaya naman pala eh. Pero sa tingin ko, kailangan mo siyang kausapin sa mga bagay na iyan lalong lalo na sa nararamdaman mo. Hindi dapat pinapairal ang PRIDE. Isa kasi iyan sa makakasira sa pundasyon ng isang relationship. Darling, hindi mo dapat laging pagdudahan ang boyfriend mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may load siya para replyan ka at hindi hadlang ang distansya, ang mahalaga meron kang tiwala. And tandaan mo, hindi porket may kasama siyang ibang girl ay niloloko ka na niya, hindi mo siya pwedeng lagyan ng walls sa lahat ng gusto niyang gawin at sa gusto niyang makasama...."

Giving advice is my specialty. Kaya naman natanggap ako dito sa industriyang ito. 

"...at hindi ka dapat maghigpit sa gusto niyang gawin kasi hindi pa naman kayo mag-asawa. Give and take lang dapat sa isang relationship lalo na sa age niyo. Speaking of age, ilang taon ka na pala?"

"14 years old po." Dalaginding pa nga. Naku, gabing-gabi na hindi pa natutulog. Tsk!

"14? Napakabata mo pa para problemahin ang mga bagay-bagay lalo na sa usaping pag-ibig. You know what Darling? Yang nararamdaman mo ay tinatawag na Immature Love. A love that is based on emotions only. Sa mga sinabi mo kanina, napansin ko that you are being selfish. At dahil diyan, nawawala na yung karapatan niya at yung kalayaan niya. Wala ka ring tiwala sa kanya. Girl, sometimes, you have to understand him. Merong school, merong projects, friends especially his family kaya hindi lang ikaw ang dapat niyang i-priority. Tandaan mo, kung ako ang nanay mo, sasabihin ko sayong mas unahin mo yang pag-aaral mo. Tsaka mo na intindihin ang buhay pag-ibig when you are matured enough para sa mas serious relationship. Darling, bata ka pa, huwag kang magmadali ha?"

Grabe ang haba ng sinabi ko ah. Parang nanay lang kung mangaral. 

Ganito ang trabaho ko gabi-gabi. Isa akong sikat na DJ sa isang sikat na radio station at tinatawag nila akong DJ Ms.Terry, dahil na rin sa walang nakakaalam ng aking identity. Kaya nga Ms.Terry kasi ang katauhan ko ay isang malaking mystery. Tanging mga staffs lang sa radio station ang nakakakilala sa akin at walang pwedeng magreveal sa tunay kong katauhan. Ito kasi yung gimik ng segment. Pero bagay sa akin yung program kasi ako yung DJ na hindi mo magugustuhan. At hindi ako yung tipo ng tao na dapat mong kilalanin. 

***************

Kung DJ ako sa gabi, isa naman akong Kolehiyala sa umaga. I'm not just an ordinary student but a center of attraction. 

Why?

They call me Ugly Nerdy. Comes from the root word UGLY DUCKLING....

Pero sanay na ako kanilang pangbu-bully. Iniisip ko na lang na someday, somehow, somewhere-out-there, this ugly duckling will turn into a beautiful and elegant swan.  

Bakit hindi ko sinasabing ako si DJ Ms.Terry? Huwag na baka bumaba pa ang ratings namin dahil hindi na sila makikinig sa akin. Mas mabuting hindi ko na lang ipakita ang aking alter ego*.

a/n: *sabi sa Wikipedia, Alter Ego(Latin word for "the other I") is a second self, which is believed to be distinct from a person's normal or original personality. A person who has an alter ego is said to lead a double life. 

KAILANGAN TALAGANG MAY COMMERCIAL BREAK?

BACK TO YOU ERICKA!

>_<

Anu ba tong author na to? Sumisingit, moment ko nga eh, tapos sisirain?

Anyway, as I said a while ago, isa akong College girl sa umaga. Nakakapagod nga kung minsan eh, kasi ba naman kapag natapos na ang klase, uuwi lang ako sa bahay para maligo at kumain tapos deretso na sa trabaho. Kailangan kong kumayod kasi ako ang panganay sa amin at ang tangi nilang inaasahan.

Si Tatay, matagal nang patay,

Ang dalawa kong kapatid, malapit na ring mag college,

Ang bahay namin, hindi pa tapos bayaran. Binili kasi iyon ni Tatay kaso maaga niya kaming iniwan kaya hindi niya natapos bayaran,

At higit sa lahat, may sakit na cancer si Nanay. Opo, cancer of the breast.

Sa bahay pa lang puro na problema, paano kaya kapag inintindi ko pa yung problema sa school. Baka mabaliw na ako niyan.

Ang saklap ng nangyayari sa akin noh? Kaya nga sinabi ko kanina na hindi ako yung tipo ng tao na dapat kilalanin eh. Maiipit ka lang kasi sa mundo ko. Pero anung magagawa natin? Sinimulan mo na eh! Sumunod na lang tayo sa alon ng buhay. Alam ko naman na meron ding hangganan ang lahat ng nangyayari sa akin.

TROUBLE with the Heartbreaker [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon