Trouble 6 - Rude and Mean

706 19 2
                                        

[ Stanley's POV ]

I have to hurry. Baka kasi ma-late ako sa P.E class namin.

Bag, check!

My things, check!

Wallet, check!

and of course, my P.E uniform, check!

DONE and now I'm ready to go....

"SENYORETO STANLEY, NAKAHANDA NA PO ANG ENYONG PAGKAON!"  Sigaw ng P.Y ko na si Ate Thelma.

*P.Y = Personal Yaya 

Naglakad ako palabas ng kwarto ko at sinara ang pintuan nito sabay sigaw ng: "Pababa na!" 

"Belesan nyo ho Senyoreto at baka lomameg ang neloto ko!"  Sigaw ulit ni Ate Thelma.

 "Teka nga lang ah, huwag mo akong pagmadaliin! Tsaka manahimik ka na, ang ingay mo kaya!" Nagmadali akong bumaba ng hagdan para naman manahimik na ang yaya ko. Kahit napakalaki ng bahay namin, umaalingangaw ang boses niyan kapag siya na ang nagsasalita. Hindi ko nga alam kung saan siya pinaglihi eh.

"Senyoreto, uletin mo pa yang pagsagot mo ng balang saken, isosombong kita sa Daddy mo!" Malakas si Ate Thelma sa Daddy ko kaya hindi ako makakapalag sa huklubang to. Ewan ko nga ba, pero kung makaasta siya, akala mo siya ang mama ko. 

Speaking of mama................Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko nga alam kung patay na siya o buhay pa. If she's still alive, I don't care and If she's already dead, I don't care either. I'll tell you this, she's a very bad mother. A very very bad mother.

 ************

Tumingin ako sa kanya sabay sabing: "Wala akong pakelam kung isumbong mo ako kay Dad! Samahan pa kita eh!" She looks so annoying. She acts like my Mom and it really pissed me off.

"Sumosobra na yang pagsagot mo Senyoreto ah, wala kang galang sa nakakatanda sa'yo!" She's looking straight unto me while raising her eyebrow. Nakacross-arms pa.

"Wala na akong ganang kumain!" Tumayo ako sa kinauupuan ko tsaka kinuha ang bag ko.

"Lagot ako sa Daddy mo kapag umales ka nang de kumakaon!" Hinawakan niya ako sa may braso para pigilan. Syempre mas malakas ako sa kanya kaya nakaalis ako sa pagkakahawak niya. 

"Let me have my car key!" Inilahad ko yung kamay ko sa kanya.

"Hendi pwedi! Hendi ko ibibigay sa'yo ang susi ng kotsi mo hangga't di ka kumakaon!"

 "I said, let me have my key!" Sabat ko sa kanya.

"Hendi pwedi!" Pagmamatigas niya.

"Ok" Yun na lang ang nasabi ko sabay alis.

Buti na lang at nasa labas si Manong Uno, ang half-gardener-half-driver namin. Meron nang maghahatid sa akin papuntang school. Delikado kasi kapag nag-commute ako.

"Manong, ipag-drive mo nga ako papuntang school."

"Oh sure, Senyorito." At inihanda na niya ang sasakyan para sa aking pag-alis.

Sa totoo lang, ang hirap maging ako. Lagi akong grounded. Lagi akong may limits kahit saan. Hindi ako pwedeng mag-stay ng matagal sa labas. In short, I have no freedom. Sa ngayon hindi niyo ako maiintindihan pero balang araw, you will understand me.

I'm not good but I'm not rude, I'm not nice but I'm not mean....

I'm just being me,

I'm just being STANLEY...

TROUBLE with the Heartbreaker [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon