Trouble 3 - The Beauties

772 26 8
                                    

*************

Marami nang nangyari simula noong nagkakilala kami ni Mira. From that night na tumawag siya sa akin, hanggang sa pinuntahan ko siya, hanggang sa nagkakilala kami at hanggang sa naging magkaibigan kami.

Mayaman sila Mira at siya ang nag-iisang anak nila Harold at Sheena Montreal, may-ari ng mga naglalakihang car companies sa Makati. Kakaiba siya sa mga nakilala ko. Napakadown to earth niya kahit na mayaman sila. Napakahumble, sweet, caring at syempre mabait na tao. Napakaganda rin niya. Kaya nga maraming nanliligaw sa kanya eh.  Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit siya niloko, binuntis at iniwan ng hayop niyang boyfriend. Buti na lang at hindi ko siya nakilala, kung hindi baka kung ano ang magawa ko sa kanya. 

Sinabi niya na rin sa kanyang mga magulang ang lahat. At first, hindi ito matanggap lalo na ng kanyang Daddy. Pero in the end, natanggap din nila ang nangyari sa kanilang anak. Wala na rin kasi silang magagawa. 

Unfortunately, in her 3rd month, the baby in her womb died by an accident. Nalaglag ang bata dahil nadulas siya sa banyo habang naliligo. Sensitive kasi ang pagbubuntis ni Mira at mahina ang kapit ng baby kaya konting kilos lang, malaki ang magiging epekto nito sa anak niya. Future ninang sana ako. :(

Hindi ko siya iniwan sa oras na kailangan niya ng isang kaibigan. Tinulungan at sinamahan ko siya sa kanyang pagbangon. Buti na lang at nakamove-on siya kaagad. And after those tragic events that happened in her life, nagdecide siyang pumasok ulit.

Bigla ko tuloy naalala nung lumipat siya dito sa school namin. Nagulat ako kasi nag-aaral siya sa isang super sikat na University tapos lumipat siya dito sa aming school. Sikat din naman ang University na pinapasukan ko pero mas maganda pa rin yung pinapasukan niya dati.

"Mira, bakit ka lumipat dito sa school namin? Ang ganda na nga ng pinapasukan mong school eh. Buti at pinayagan ka ng mga magulang mong lumipat dito."  

"Actually, hindi ako pinayagan nila Mommy at Daddy eh. Pero dinaan ko sila sa pilit kagaya ng pagpilit mong makuha ang address namin. Remember?" She giggled.

"Dapat hindi ka na lumipat!" 

"But, I...I just want to see my idol everyday. At tsaka ikaw lang ang taong nagpapasaya sa akin." Bigla siyang yumuko.

"Okay, fine. But.. kailangan mong sumunod sa ating kasunduan."  

"Anung namang kasunduan yun?" Seryoso ang pagkakatitig niya sa akin kaya tinitigan ko rin siya. Tapos, tumingin-tingin ako sa paligid para siguruhing walang tao na malapit samin. Tapos bumulong ako sa kanya:

 "Hindi mo dapat ipagsabi na ako si DJ Ms.Terry. Malilintikan ako kapag nalaman nila."  Sinabi ko na rin sa kanya ito dati nung una kaming magkakilala. Kailangan ko kasing ipaalala sa kanya para walang problema.

"Teka, yan din yung pinagkasunduan natin dati ah. Yung una kang pumunta sa bahay." Buti na lang  at hindi niya pa rin nakakalimutan.

"Pinapaalala ko lang sa'yo, baka kasi nakalimutan mo na eh! Anu? Deal?"

Deal! You can count on me. Hindi nila malalaman na ikaw si DJ ummm...." Bigla kong tinakpan ang bibig niya. Muntik na yun ah.

"Huwag kang maingay. Ang lakas kaya ng boses mo. Buti at walang nakarinig." 

"Oh, I'm so sorry. Okay, I'll keep it as a secret! Pinky promise!" Inabot niya sa akin ang kanyang hinliliit para gawin ang isang sagrado at makalumang pamamaraan ng mga kababaihan para magtago ng isang lihim.

"Pinky promise" 

The Pinky promise. Just a girly thing. It works and it never fails. 

TROUBLE with the Heartbreaker [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon