Trouble 21 - Stanley's Miracle

121 2 0
                                    


"Kailangan na nating umalis mga pre."



"Anu bang problema pre at parang nagmamadali ka ata? May lakad ka ba?" Sabi ni James.



"Natatae ata tong si Stanley eh. Namumutla na eh." Pang-aasar ni Zanjoe.



"Huwag kang mag-alala pareng Stanley. Sasamahan ka naman namin sa C.R eh, mailabas mo lang yang sama ng loob mo. Hahahaha!" Sabi ulit ni James na halos mamula na sa kakatawa. Ganun din si James. Pero ano namang nakakatawa sa mga sinabi nila? Ang babaw talaga ng kaligayahan ng mga to.



"Gago talaga kayo! Tara na mga pre! Pumunta tayo kahit saan wag lang dito." Pagmamadali kong sabi.



"May tinataguan ka ba pre?" Sabi ni Zanjoe.



Biglang umakbay si James sakin sabay bulong. "Umamin ka Stanley! Nakabuntis ka noh?"



Tinulak ko siya. "Pucha! Anu bang pinagsasasabi niyo? I just want to leave this damn place right now! Bahala na kayo diyan!"



"Ang labo mong kausap pre. Daig mo pa ang babaeng may dalaw eh. Di ka namin maintindihan kung minsan!" Pang-aasar ulit ni Zanjoe.



Di ko na sila pinansin. Kailangan ko nang umalis sa lugar na to bago pa mahuli ang lahat. Ano ba kasing ginagawa ng taong yan dito sa campus. Huwag niyong sabihin....



"STANLEY MY SUGAR PLUMMY!!! Is that you my darling!?" Alingawngaw ng isang pamilyar na boses. Boses na ayaw na ayaw kong marinig.



Binilisan ko yung lakad. Pati ang puso ko bigla ding bumilis sa pagtakbo. Hiniling na sa oras na yun ay imagination ko lang yung mga narinig ko. Umaasa na hindi siya yung taong nasa isip ko ngayon.



"SUGAR PLUMMY! Wait for me!" Sigaw ulit nung boses na nagbibigay ng kakaibang kilabot sakin.



"Stanley pare! Ang bilis mo namang maglakad." Pagmamadali ni Zanjoe.



"Oo nga! Tsaka ikaw ata yung tinatawag nung magandang chix dun oh. Di mo ba siya papansinin?" Arangkada ni James.



"Please shut up!" Bwisit kong pagkakasabi.



"Sino ba yan pre at mukhang iniiwasan mo. Maganda naman siya ah." Tanong ulit ni James.

TROUBLE with the Heartbreaker [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon