Trouble 14 - Encounter

426 10 0
                                    

“Sinabi mo talaga yan sa daddy mo? Haha. Wala ka nang takas, boy!” Sabi ni Zanjoe.

“Paano ba yan, Stanley? Kailangan mong panindigan yang mga sinabi mo.” Sabi naman ni James.

“Tama! Loko-loko ka kasi. Sa lahat ng idadahilan mo, yun pa!” Yun na lang ang naisip ko eh.

“Sinabi mo pa! Ayan tuloy ang napala! Huhu, wawa naman siya!” Holy cow! Imbis na tulungan ako nang dalawang to, mas nagawa pa nilang asarin ako.

“PUTEK, yan tayo eh! Tutulungan niyo ba ako o hindi?”

“HINDI!” Wow! Sabay pa sila.

“Mga peste! Sinayang niyo lang dalawa ang oras at laway ko.”

“Nagbibiro lang naman kami ni James eh.”

“Oo nga, Stanley. Ang  mga magkakaibigan, dapat nagtutulungan.” Sabat ni Zanjoe.

“Yeah! That’s what friends are for.” Sabi ni James.

“Tss. How pathetic!” Bulong ko.

“May sinasabi ka, Stanley?” Tanong ni James.

“Ahh wala. Ang sabi ko, SALAMAT!” Sarcastic kong pagkakasabi.

“WOW, tama ba ang narinig ko? SALAMAT?” Anong problema nila dun?

“Himala! Sa tagal ng pinagsamahan natin, first time kong marinig na bumigkas ka ng salamat. Huhu, naiiyak ako.” Pag-iinarte ni James.

“Naiiyak din ako James. Isa itong MILAGRO!” Sabat naman ni Zanjoe. Ano bang nangyayari sa dalawang to? Dinibdib naman nila masyado ang pasasalamat ko eh labas naman yun sa ilong.

“PUSANG AMA! Niloloko niyo lang ata ako eh. Takte yan!”

“Ikaw? Lolokohin namin? Ikaw pa! Alam mo namang mahal na mahal ka namin!” Kadiring Zanjoe to. Kung makakuskos ng mukha sa braso ko daig pa ang pokpok!

“PU*CHA! Lumayas ka nga diyan!” Tinulak ko siya papalayo.

TROUBLE with the Heartbreaker [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon