Trouble 5 - Pogi Problems

780 23 3
                                    

[ Stanley's POV ]

"Wait. Where am I?" I'm currently standing, alone and confuse while facing on a huge mango tree, 3 meters away from me.

"HUHUHU!" Then I heard someone is sobbing. I don't know where does that sound comes from or who is it but I think it's a girl and she's near from me--- for sure.

"Hey, may tao ba diyan?" Lumingon-lingon ako pero wala naman akong makitang tao sa paligid.

"%^@#$*&...HUHUHU!"

Napakamot na lang ako sa ulo.

"%$#&&#@&...HUHUHU!" Hindi ko marinig yung mga sinasabi niya. Hindi klaro yung mga naririnig ko. Anu bang nangyayari sa tenga ko!? 

Dahan-dahan akong naglakad palapit dun sa malaking puno ng mangga. Parang doon kasi galing yung boses nung babae. Gusto kong makita kung sino siya. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Parang may nagtutulak sa akin na puntahan siya.

Nang marating ko ang puno ng mangga, tumigil ako sandali. Huminga ako ng malalim at kaagad  na umikot sa paligid nito. Baka sakali kasing nandoon siya sa likod ng kinatatayuan ko.

Hindi nga ako nagkamali, nandoon nga siya.

Nakaupo. Nakayuko. Umiiyak.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat.

Bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko. Para akong papatayin sa sobrang bilis ng pagtakbo nito...

Tumingin siya sa akin nang biglang.........

KKKKRRRRIIIIIINNNNGGGGG....KKKKRRRRIIIIIINNNNGGGGG....

"Shoots! That dream again!" 

Pinatay ko yung alarm clock at humiga ulit sa kama. Hinawakan ko yung dibdib ko dahil hanggang ngayon, ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin. Lagi ko kasi itong napapanaginipan eh, mga twice a week. Minsan nga eh halos buong isang linggo.   >___<

Hindi ko talaga alam kung ano ang misteryo sa likod ng panaginip ko pero para siyang totoo. Tsaka ang pinagtataka ko, kapag nandoon na ako sa part na haharap yung girl sa panaginip ko, bigla na lang akong magigising kasabay ang malakas na pagtibok ng puso ko na siyang dahilan kaya halos hindi ako makahinga. Hindi ko na nga alam kung panaginip ba yung nararanasan ko o isang bangungot. 

By the way, nakalimutan kong kailangan kong pumasok ngayon kahit na napipilitan lang ako. May P.E kasi kami at malaking grades ang nakataya dito.

Another week of torture again. Hirap kasing maging gwapo eh ( *EHEM ). Bahala na nga si Batman mamaya.

*******************

"Wazzup dre? Long time no see ah!" Bati ni Zanjoe kay James.

"Hell yeah. Nag-vacation kasi kami ng family ko sa Bora kaya naman one week akong nawala." Sabi ni James.

"Oo na! Nasabi mo na kaya yan bago kayo umalis! Kailangang paulit-ulit?" Ngumisi si Zanjoe na para bang nang-aasar. Alam kasi niyang madaling mapikon si James at masarap pagtrip-an.

"Fine! Oo na lang. Wait, anu palang gagawin natin ngayon sa P.E?" Nakakunot yung noo ni James, senyales na napipikon na siya.

"Nalintikan na! Nakalimutan ko palang P.E natin ngayon. Hindi ko pa naman dala yung P.E uniform ko, TAKTE yan!"

"Ano ba kasing gagawin natin ngayon?" Tanong ni James.

"Patay ako nito. Ang laki pa naman ng makukuhang grades sa P.E ngayon. Bwiset na P.E uniform na yan! Nakalimutan ko pang dalhin! Bakit kasi ayaw nilang magpapasok dito sa loob kapag naka P.E uniform?" Pagbulalas ni Zanjoe.

Biglang tumawa si James na para bang nang-aasar sabay sabing: "Ayan kasi! Yan ang napapala ng mga taong tamad magdala ng P.E uniform. Sayang tuloy ang grades! Kawawang Zanjoe!" 

"Oo na! Ako na tamad. Tsaka hindi mo ako madadala diyan sa mga pang-aasar mo, James. Huwag mo kong itulad sa'yo. Hindi ako pikuning kagaya mo!" Tumawa ng malakas si Zanjoe.

"OK!" Kumunot nanaman yung noo ni James.

"Haha. Parang hindi ka naman mabiro pare!" Hinimas-himas ni Zanjoe yung balikat ni James habang nagpapacute dito.

"%$#*! Ang laswa mo pre! Para kang bading! Tanggalin mo nga yang kamay mo sa balikat ko!" Hinampas ni James yung kamay ni Zanjoe.

"Haha! Peace na tayo ah?"

"Oo na!"

"Good, teka ano may sinabi ka sa akin kanina ah? Ano uli yun?" Tanong ni Zanjoe.

"Yung tungkol sa uniform mo?"

"Hindi"

"Yung tungkol sa katamaran mo?"

"Hindi"

"Tao ba to?"

"G@%0! Lokohan na to pare eh!" Sabay batok kay James.

"Aray ko!" Gumanti naman si James. Binatukan rin niya si Zanjoe at ginulo ang buhok nito.

"Dude, itigil na nga natin tong kalokohang to." Inayos ni Zanjoe ang nagulo niyang buhok

"Ang kulit mo kasi pare. Kanina ka pa eh!"

"Maayos na usapan na to ah! Ano kasi yung tinatanong mo kanina?"

"Kanina pa kasi ako paulit-ulit eh, hindi mo ako sinasagot. Ang sabi ko, anung gagawin natin sa P.E ngayon? Ayan ah, hindi na kailangang ulit-ulitin pa!" 

"AAHHH..Yun pala. Haha. Kasi... alam mo naman, si Mrs.Lupita, mahilig gumawa ng sariling programa. Ayun, gumawa ng ibang version ng Intrams at tinawag niya itong mini-Intrams. Di'ba ang lupit?"

"Panibagong kalokohan nanaman? Pero parang ang astig ah! MINI-INTRAMS! Haha. Ang korny ni ma'am!"

"Tara, cutting?" Pagyayaya ni Zanjoe kay James.

"Aahh..ehhh...Para kasing masaya yung gagawin ngayon eh."

"Pang highschool lang yan bro! Sama ka na sa akin. Tambay tayo sa may Tourism department. Madaming chicks dun pre.!" Hinihila ni Zanjoe yung uniform ni James.

"Teka, Zanjoe! Huwag mo hilain yung damit ko. Sige, sasama na ako!....aahh,ehh..wala din kasi akong dalang P.E uniform eh! Hehe"

"Pastilan! Kung makapagsalita ka kanina kala mo ang sipag-sipag mo. Yun pala isa ka ring tamad na katulad ko!"

"Buti alam mo!"

"Mukha mo!"

"Tara na nga, alis na tayo dito. Baka kasi maabutan tayo ng mga classmate nating sumbungero." Pagyayaya ni James.

"Teka, nasaan pala si Stanley?" Tanong ni James.

"Aba'y ewan ko sa lalaking yun. Baka hindi nanaman pumasok." Sagot ni Zanjoe.

Meanwhile,

(Somewhere around the campus)

"WAAAAAAAAA...Girls, I can't believe it! Kumpleto na ang buong araw ko. O my gosh!" 

"Anung nangyayari sa'yo girl?"

"Nakasabay ko kasi si Prince Stanley kanina!"

REALLY? As in STANLEY AVILA? Nakasabay mo siya kanina? Saan, papaano?"

"Habang papasok ako sa may gate, nakita ko siyang papalabas sa isang napakagandang car. Then, binagalan ko yung lakad ko tapos ayun, sabay kaming pumasok sa loob."

"Ang swerte mo. Sana ako din."

"Swerte talaga ako."

TROUBLE with the Heartbreaker [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon