Trouble 11 - Surprise

618 12 0
                                    

“Glad you’re here, Stanley. What take you so long? I thought five o’ clock ang uwian niyo? Ba’t ngayon ka lang umuwi?” Bungad sa akin ni Daddy. Hindi ko expected na siya ang sasalubong sa akin ngayon sa may pintuan. Aba, teka! Nakangiti ba siya? Parang malayo dun sa porbols at pektus na nakasanayan ko lagi ah. Ang weird.

“Dad, common sense naman! Maglalakad pa ako palabas ng school, magbabyahe pa, dadaan pa sa matinding traffic tapos expected mong makakuwi ako ng maaga? Ano tayo, naglolokohan?” Papilosopong sagot ko sa kanya. Actually, ganito talaga ako makipag-usap sa kanya. Parang mag-tropa lang. Pero ang totoo, takot talaga ako sa Daddy ko. Meron kasi siyang aura na kayang palambutin ang tuhod ko sa kaba. Siya lang ang tanging tao na nakakagawa nun sa akin at hindi ko alam kung paano niya yun nagagawa.

“Oh, easy lang! Kalma kalma din pag may time!” Ano bang nangyayari sa matandang to? Ano kayang nakain nito?

“Dad, wala akong oras para makipagbiruan sa’yo. Tsaka mawalang-galang lang, pwede bang lumayas ka diyan sa may pintuan?” Inis na pagkakasabi ko sa kanya.

“Mukhang mainit ang ulo mo ngayon ah?” Tanong niya sa akin while smiling. Putik, ang panget niya ngumiti. Nakakadagdag badtrip.

“Ay hindi. Hindi po mainit ang ulo ko! Sa katunayan pa nga, gusto kong manapak ng tao.” Pastilan yan! Sino ba ang hindi mababanas? Sunod-sunod ba naman ang kamalasang nangyari sa’yo.

Sa UMAGA, asungot na si ate Thelma. (Kung makaasta, akala mo nanay ko siya.)

Sa TANGHALI, yung dalawang isip-batang kumag na puro kalokohan lang ang alam sa buhay. (Paano ko ba sila naging kaibigan?)

At sa HAPON, yung mga Lopez na walang ibang ginawa kundi ang maging parasite sa buhay naming mag-ama. (Stanley, Stanley, Stanley. Kailan ka pa naging concern sa iyong daddy?)

Idagdag mo pa yung biglaang pagkalat ng balita tungkol sa akin. (Ayos lang naman yun sa akin ang kaso, lalo akong napagdiskitahan ng mga tao.)

Tapos ngayong GABI, si daddy na kung kumilos ay parang sinasapian ng espiritu ng kawirduhan.

TAKTE YAN!

“Hindi nga halatang mainit ang ulo mo eh. Nakikita ko nga sa mukha mo na relax na relax ka pa sa kalagayan mo.”

“Tama ka Dad. Kaya lumayas ka na diyan sa may pinto bago pa uminit ang ulo ko!” Sabi ko sa kanya.

“Kiss mo muna si Daddy!” Anak ng bakulaw yan, sarap tadyakan eh.

“Kadiri ka naman dad! Manahimik ka nga!”

“Ano namang kadiri doon? Pinapakita ko lang naman sa’yo kung gaano kita kamahal, anak ko.” Kinikilabutan na ako sa tatay ko ah. Pakiramdam ko hindi siya ang kausap ko ngayon.

 “Alam niyo, gutom lang yan.”

“Ba’t ka ba ganyan. Hindi mo ba mahal si Daddy?” Grabe, ang lakas ng tama ng tatay ko.

“Dad, umayos ka nga. Hindi sa’yo bagay maging mabait.” Pinilit kong makapasok sa loob kaso hindi ko magawa. Paano kasi nakaharang yung mala-baboy niyang katawan sa may pintuan.

Hinarang niya ako: “Bakit, mukha ba akong masama?” Sabay pout. Peste yan. Kanina nakangiti lang ngayon naka-pout na! Ano bang tinira nito?

“Hindi naman. Pero sa ginagawa mo mukha ka nang bakla!”

“Nakakatawa ka talaga anak. Kung makaasta ka naman, daig mo pa ang bakla!” Humirit pa ang loko.

TROUBLE with the Heartbreaker [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon