Trouble 10 - Gratitude

621 13 2
                                    

Charice turned her attention to me: "Finally you’re here, STANLEY AVILA! The guy who insulted the daughter of Mr. Cecilio Lopez."

"Pang-iinsulto pala yung sinabi ko? Akala ko totoo talaga yun." I smirk.

Sumingit sa usapan namin si Mr. Lopez: “Saan ka ba galing, Charice? Di’ba ang sabi ko sa’yo hintayin mo lang ako dito hanggang matapos ang meeting namin?”

“Dad, sabi ni ma’am Jacobo, matatagalan pa daw kayo sa meeting niyo. So lumabas muna ako with my friends para kumain.” Bigla siyang tumingin ng masama sa akin. Ang akala niya’y matatakot ako sa mga tingin niya, nagkakamali siya. Hindi ako masisindak sa isang BABAE lang!

Ginantihan ko siya ng isang makahulugang ngiti sabay sabi: “Bakit ganyan ka makatingin? Alam ko namang patay na patay ka sa akin eh pero huwag mo namang ipahalata!”

“ANG KAPAL MO! Dati yun. Hindi na ngayon.” Nakatingin pa rin siya sa akin ng masama. Hanginan ka sana, para kamukha mo na si Shomba.

(Kung hindi ka nanonood ng horror, try mo i-search si Shomba. Huwag kang magugulat ah?)

“Sa mga titig mo pa lang pakiramdam ko, hinuhubaran mo na ako. Sabihin mo lang, payag naman akong ibigay ang katawan ko. Ready ako, anytime, any day, twenty-four, seven.” Pang-aasar ko ulit sa kanya.

"YUUCCCKK!! See, daddy? He got nerves to say things like that to your pretty daughter! You have to expel that cocky guy! RIGHT NOW!!!" She's so funny. Kulang na lang yung mag-tantrums siya sa harapan namin.

“Kakasabi ko lang sa’yo kanina na hindi ko siya pwedeng i-expel ng walang dahilan. In fact, he is one of the best students here so imposible ang gusto mong mangyari.” Ako? Best student? HEKHEK..Palakpak tenga ako dun ah. :P

“I don’t care if he is the best student here, dad. I just want you to kick his ass out of this school!” She insisted.

“It’s very impossible, Charice. It’s not that easy.” Kalmado niyang pagkakasabi.

“Then make it possible!” Ginawa pa talagang Diyos ang tatay niya, all thing are possible? Sige, ipagpilitan mo lang ang gusto mo.

“No, Charice! Kahit na sabihin mong ako ang may-ari at ang dean ng school na ito ay kaya ko nang kontrolin ang lahat. May mga rules and codes tayong sinusunod. Please understand the situation.” Onti-onting nag-iiba yung tono ng pananalita ni Mr. Lopez. Nakakawalang-pasensya na rin kasi yung ginagawa ng anak niya eh.

“BUT, DAD!!” Nanggagalaiting pagpupumilit ni Charice.

“I said, NO!”Tinaasan niya ng boses si Charice.

Pinalakpakan ko silang mag-ama. Para kasi akong nasa loob ng isang pelikula na napanood ko three days ago lang. “I’m so sorry to interrupt you guys but Charice was right, it is possible for you Mr. Lopez to kick my ass out of this school. What about, my behavior and character? Sapat na yun, right?”

“Look dad. There is a valid reason naman pala to expel this buff.”

“…..uuumm, I can’t...” Napayuko si Mr. Lopez.

“Why naman, dad?” Pagtatakang tanong ni Charice.

“..uuummm..aaahh..kasi…eehh..” Nauutal pa rin si Mr. Lopez. Parang ayaw niyang ituloy ang kanyang sasabihin.

“Anung KASI, dad?”

Hindi ko na kayang magtagal pa dito. Kating-kati na akong makaalis sa lugar na ito. Kaya ako na ang tatapos sa walang kwentang usapan na to. Ako na rin ang magtutuloy sa sasabihin ni Mr. Lopez. I made a promise to keep this one but, I have to. Wala nang dapat itago pa. This is the right time to reveal kung ano talaga ang tunay na pagkatao ni Stanley Avila.

TROUBLE with the Heartbreaker [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon