SHARMAE's POV.
Nakahiga ako ngayon sa aking kama habang yakap-yakap ang cellphone ko. Hinihintay mag-chat ang lalaking pinakamamahal ko—si Dudung.Alas-diyes pa lamang ng umaga pero napakalakas na ng ulan. Napakalamig ng hanging kanina pa pumipihit. Kasinglamig ng convo namin ni Dudung.
TING!
Ano't biglang nabuhay ang aking puso nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. May nag-message. Dagli kong binuksan ang messenger ko subalit ganun na lang ang pagbagsak ng aking mga balikat nang mapagtantong ang mensahe ay hindi galing kay Dudung kundi sa lalaking Abu Bakr ang pangalan. Base sa kaniyang profile picture, mukhang may edad na ito. May bigote at balbas at ang mga mata ay tila nang-aakit.
Binuksan ko ang message nya at ang nakalagay ay. Hey dear.
Buti pa si Abu, dear ang tawag sa akin. Si Dudung, walang pakialam sa akin.
Nag-reply ako ng "Hello there!"
Kakasend ko pa lang ay may reply na sya.
"You are beautiful. How old are you dear..."
Yieeeee. Kinikilig na ako... Isa pang dear, ikaw na ang mahal ko. Di na si Dudung.
Nagreply ako ng "Yieeee. Enebe. Alam kong maganda ako..."
Nung maisent ko na ay di agad sya nag-reply. Saka ko lang napagtanto na di pala sya nakakaintindi ng Tagalog. Tanga lang Sharmae? Tanga lang?
Nagchat ako sa kaniya. "I'm old enough to be yours" yieeeee. Kinikilig ako. Yung kidney ko bumabaliktad na sa kilig.
Bigla siyang nagreply. "Good to know that you're old enough to be mine... Because I really love you dear..."
Tugdug! Tugdug!
Oh my God. Yung heart ko. Mukhang nahulog na ako kay Abu. Pero paano na lang si Dudung?
BINABASA MO ANG
Ang Mutchacha ng Section E
HumorIto ang kuwento ng nag-iisang mutchacha ng Section E o ang section ng mga Claverians-si Sharmae Cagas. Tunghayan kung paano siya lumaban sa mga hamon ng buhay (charing). Basta basahin mo na lang ang naging resulta ng aming kabaliwan sa Claver Ave. S...