CZIRAH's POV.
So eto... Ako ulit ang may POV... Kasi nga, ayon kay Irish ay nawawala si Sharmae."Owemji! Nasaan na kaya si Sharmae?!" nag-aalalang tanong ni Aly malabs.
Huwag kang mag-alala malabs, dahil ikaw ang laging nasa aking alaala. Okay. Waley. Sabi ko nga, focus kami kay Sharmae.
"Saan naman kaya nagpunta ang babaeng yun?" si James.
"Wala ka ba talagang alam Irish?" tanong ni Jess na parang pinagsususpetsahan pa si Irish. Anong trip nitong si Jess? Di ko knows haha.
"Halla. Bakit ako?" tanong ni Irish na mukhang nabigla sa tinuran ni Jess.
Syempre mabibigla yun. Ikaw ba namang pagsuspetsahan sa kasalanang di mo naman ginawa.
"Diba kasi ikaw ang producer ng kuwentong ito? So meaning, may alam ka sa pasikot-sikot ng kuwento. Now, tell us, nasaan si Sharmae?" galing din netong si Jess. Proud bes pren here!!! Akalain mong naipasok pa niya iyon? Juicecolored!
"Halla. Oo nga!" si Kyle na akala mo pareho naman ang iniisip niya sa iniisip ni Jes.
"FYI. Producer lang ako. Meaning, ako lang ang nagproduce ng kuwento. Bakit hindi si Czirah ang tanungin ninyo kung nasaan si Sharmae." lokong Irish. Dinamay pa talaga ako?
"Halla! Bakit na naman nadamay ako diyan?" tanong ko habang di na kinakaya ng brain cells ko kung ano ang mga tumatakbo sa mga kukote ng mga bes pren ko. Haaaays! Juicecolored!
"Di ba nga, ikaw ang direktor?" si Irish.
Nasapo ko na lang ang sarili kong noo dahil sa mga pinagsasasabi ng mga ito.
"Oo, direktor ako. Pero di ko naman hawak yung tumatakbo sa isip ng writer." oh jiba? Kailangan damay ka rito Writer!
"Teka, sino ba ang writer?" tanong naman ni James.
"Si Ace. Ang tanging miyembro ng Kapa Gang na kinrassback ng krass niya." walang gana kong sagot sa mga ito.
Yan! Puro kasi kayo selpon! Di niyo na alam mga bagay-bagay sa mundo kakaselpon niyo!
"Huh?!" sabay-sabay sila.
"Gulat na gulat? Gulat kayo kasi di niyo inaakalang si Ace ang writer nito?" tanong ko.
"Hindi. Nagulat ako kasi kinrassbak na pala siya ng krass niya?" si Havalde.
"Unta tanan!" si Gem na ang ibig sabihin ng sinabi niya ay sana all. Binisaya niya lang.
"Teka nga! Teka nga! Ano ba? Hahanapin ba natin si Shar o pag-uusapan ang krassbak-krassbak na yan?" tanong ni Janille.
"Apurang-apurang ah?" insulto ni Shane sa kaniya.
"Siyempre, #SharDung fan ako 'noh. Ay! Oo nga pala, galit tayo kay Dudung. Haha" ang weird ni Janille ngayon? Pansin nyo.... na di kayo krass ng krass niyo?
"Gusto man nating hanapin pero saan tayo magsisimula?" si Gem.
"Kay Ace!" suhestyon ni Alyzza malabs. Yieeeee. Enebe!
"Pero absent yata siya. Wala siya nong Chapter two hanggang Chapter eight. Pati nga ngayong chapter nine eh." si Kyle.
"Eh kung hindi kay Ace, saan?" tanong ni Alyzza.
Padabog kong ibinaba ang librong hawak ko kanina pa saka tumayong taas ang noo.
"Hindi saan, Aly..." saad ko saka tiningnan siya ng diretso sa mga mata. "Kundi sino!"
"Sino?!" sabay-sabay ulit sila... Naks namarn! Napapadalas ang pagkakasabay niyo ah?!
Pero humanda siya sa gagawin namin. Pipigain namin ang lintang yun hangga't di niya sinasabi kung nasaan si Sharmae... Bwahahahahaha!
Sige, isipin niyo muna kung sino siya haha.
BINABASA MO ANG
Ang Mutchacha ng Section E
HumorIto ang kuwento ng nag-iisang mutchacha ng Section E o ang section ng mga Claverians-si Sharmae Cagas. Tunghayan kung paano siya lumaban sa mga hamon ng buhay (charing). Basta basahin mo na lang ang naging resulta ng aming kabaliwan sa Claver Ave. S...