Chapter 13

12 4 0
                                    

CZIRAH's POV.

Hello again! Wazzup! Wazzown! Wazzleft and Wazzright!

Ako na naman ang may POV por today's bidjow dahil ito ang pangalawang araw na nawawala si Sharmae.

Dapat pala hindi Ang Mutchacha ng Section E ang title nito. Dapat pala Finding Sharmae. Wahahahaha.

"Okay, that's all for today! Sana ay marami kayong natutuhan dahil simula bukas ay mayroon tayong long quiz at graded recitation naman sa Friday."

"Grabe naman sir!" sabi ng ilan sa mga kaklase ko.

"Aba dapat lang! Ilang quizzes na ang pinalampas ko dahil lagi ko kayong pinagbibigyan kaya sana naman bukas ay handa kayo. Dahil I am telling you wala akong maire-record na grades ninyo kung hindi na naman natin itutuloy ang long quiz tomorrow." ani Sir Baltazar.

Eh kaya lang naman hindi matuloy-tuloy ang mga quiz namin dahil lagi kayong wala. Tapos kami pa ang gusto niyong mag-adjust? Suuuus! Eh malapit-lapit na na naman ang final examination, ngayong week lang na ito kayo pumasok!

Umalis na si Sir kaya naman lumapit sa akin ang Kapa Gang.

"Nahanap na raw ba si Sharmae?" tanong agad ni Irish.

Umiling ako.

"Ang sabi ni Tita, nai-report na raw nila ito sa mga pulis but until now ay wala pa silang update." sagot ko.

Sa lahat ng Kapa Gang members, ako ang pinakaunang naging kaibigan ni Sharmae. Mga 10 minutes siguro ang tinagal bago niya nakilala ang ibang members. Joke!

Actually, childhood bestfriend ko siya. Oo, na-witness ko yung time na uhugin pa siya.

"Nasaan ba kasi yun nagpunta? May quiz pa tayo bukas sa Araling Panlipunan, first period pa man din! Baka di siya makaabot!" nag-aalalang saad ni Janille.

"Once in a blue moon pa man din kung lumitaw si Sir sa klase." saad naman ni Jess na naka-pout pa.

Seriously? Yan pa talaga ang concern niyo sa kaniya? Hindi kayo nag-alala sa safety niya? Baka nga palutang-lutang na sa ilog yung katawan nun. Grabe kayo!

"Susmaryosep?! Ito ang madadatnan ko sa klase ninyo?! Wala talaga kayong pinagbago mga Section E!!!" nagulat kami sa biglang pagsulpot ni Mrs. Dev Vielle, ang Filipino teacher namin na siyang pinakaistrikto sa buong ACEs University. As you can see, pangalan pa lang alam mo na agad! Wahahahaha

Agad-agad namang nagbalikan ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga upuan.

Inakala kasi namin na hindi na darating si Madam dahil nag-extend ng 15 minutes ang first period namin kaya heto, naging instant palengke ang aming klasrum. May nagchichismisan, gaya namin hahaha. May nag-aayusan ng buhok at kilay. At may mga mag-jowang naglalampungan. #Maghihiwalay din kayo Wahahahahaha.

"Sa lahat ng hinawakan kong section, kayo lang ang PINAKA! Pinakamagulo, pinakamaingay! Oh my God! Worst Section! Worst Section!" sermon niya sa amin. "Ikaw Ms. Janille, dahil ikaw ang nakitang kong huling umupo, maaari mo bang ibuod ang ating mga pinag-aralan kahapon?" halata sa boses nito na galit pa rin talaga siya.

Ewan ko ba sa kaniya. Lagi-lagi na lang siyang galit hahahahaha.

Dahan-dahang tumayo si Janille. Ramdam ko ang kaba niya dahil pano ba naman niya maibubuod ang mga pinag-aralan nila kahapon kung nasa labas kami, nililinis ang buong AU.

"Magtititigan na lang ba tayo rito, Ms. Janille?!" umuusok na naman ang ilong at tenga niya habang parang sinasaksak na nito si Janille sa mga tingin niya.

Napayuko si Janille at parang hindi niya alam ang kaniyang sasabihin.

"Ano ba?! Hindi ka ba nakinig kahapon at wala ka man lang masabi ni-ha o ni-ho?!"  this time ay nanggigigil na siya kay Janille.

I confidently raise my hand para naman iligtas ang beshy ko mula kay Mrs. Devil este Mrs. Dev Vielle.

"Yes, Ms. Czirah?" tinawag niya ako nang may pagtataray.

"Ma'am wala po kasi kami kahapon kaya hindi namin alam ang ibubuod namin." I said with no emotion o kahit ekspresyon habang hindi tumatayo mula sa aking pagkakaupo.

"At saan naman kayo nagpunta, aber?!" tanong niya na lumevel-up ang pagtataray.

Ramdam na namin ang buong tensyon sa loob ng klasrum.

"Ma'am pinaglinis po kasi sila ni Mr. P" may pang-aasar na sabad nung bida-bida naming kaklase.

Tingin ko miyembro ito ng kulto ni Princess.

"Ohhhhh, pinaglinis kayo dahil?" kunwari ay nag-iisip pa siya pero alam ko namang alam na niya agad ang sasabihin niya. "Dahil may ginawa na naman kayong gulo, ganun ba?"

Hindi ko siya sinagot bagkus ay tumitig lang ako sa kaniya.

"So kasalanan ko pa kung wala kang maisasagot sa akin dahil pinalabas kayo ni Mr. Principal na kayo rin naman ang gumawa ng dahilan." biglang baling nito kay Janille. "You remain standing hangga't matapos ang klase ko." saad niya.

Napaka-unfair niya!

"Alam niyo ang rules ko, kung wala kayong maisagot sa tanong ko, better na tumayo ka na lang hanggang matapos ang klase ko!" sabi pa niya na parang binabalaan ang buong klase.

Napansin ko namang napangisi yung bida-bida naming kaklase saka palihim na tumawa.

Sige lang magsaya ka ngayon, dahil I'll make sure na ngayon lang yan!

Ang Mutchacha ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon