CZIRAH's POV.
Wazzzup, madlang people! Ako ulit ang may POV, ang nag-iisang mala-diyosa ang kagandahan sa Kapa Gang, Czirah Balagot!
"Tulala ka na naman diyan? Heto ang pamunas mo." panira naman ng moment itong si Irish!
By the way, kung nagtataka ka bakit may pamunas na ibinibigay itong si madam producer, pinaglinis kasi kami ni Mr. P! Not only one building, but the whole ACEs University. Para daw magtanda kami sa ginawa namin. Haaaaays!
"Hindi ko na kaya!" reklamo ni Shane na kunwari ay maarteng umiiyak.
Ikaw ba naman kasi, kanina pa kaming umaga rito pero anong oras na... 8:30 na ng gabi. 9:00 pa naman ang sinabi ni Sir na uwi namin. Huhuhuhu
"Aaaaaw. Hindi mo na kaya?" biglang nang-iinis na sabi ng bigla ring sumulpot na si Princess a.k.a. Babaeng Linta.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.
Nagpipigil na ako rito dahil aaminin ko, kumukulo na naman ang dugo ko sa babaeng ito.
"Ano pa ba? Edi dinadalaw kayo." sagot niya in a sarcastic way. "Gusto kong makita kung okay pa ba ang KAPAL mukha gang pero parang pagod na pagod na pagod na kayo." saad nito na kunwari concern sa amin pero halata namang nang-iinis.
"Oh, anong ipinaglalaban mo?" bira ni Kyle.
Boom! Panes ang mukha mo ghorl!
As usual kapag napipikon si accla, tumatagilid ang ulo nito habang napapangisi.
"Mabuti nga at concern pa ako sa inyo eh. Look, inaantok na ako pero gusto ko pa rin kayong makita kaya kahit naka-pajama na ako, pumunta na ako rito." trying hard si accla na kunwari concern pero hindi matago ang tunay na intensyon. Mag-acting workshop ka kaya!
"Ano naman... Panda?" bira naman ni Aly.
"Ooooooooow! PANDA?" sabay-sabay kami jan saka nang-iinis na tumingin sa kaniya.
Iba talaga kung bumira itong si Aly malabs ko.
Oh ano ka ngayon, huh? Yun bang pumunta ka para mang-inis pero ikaw pala ang maiinis hahahaha. Di mo naman kasi tinakpan ng make-up yung dalawang black eye mo 'teh na nakuha mo rin sa amin. Hahahaha
Hindi na nakasagot si Pan... este Princess. Halata nang nagtitimpi siya sa pang-iinis namin.
"So if I were you, itutulog ko na lang ulit. So bumalik ka na sa lungga mo, matulog ka na at huwag ka nang gumising!" naks naman Irish! Baka producer namin yan!
"Hindi pa tayo tapos." may pagbabanta sa pananalita niya pero keri langs hahahaha.
"Oh, I'm scared!" saad naman ni Jess na kunwari natatakot then bigla na naman siyang naging fierce. "Scared mo'ng mukha mo! Eto ang tatandaan mo Princess, huwag lang namin malaman-laman na may kinalaman ka sa pagkawala ni Sharmae dahil kung meron man, asahan mong hinding-hindi ka na sisikatan ng araw!"
Clap! Clap! Clap!
Ganun ang magbanta with matching duro-duro pa at halata yung gigil at galit sa mga mata niya. Baka nag-workshop yan sa Star Magic Mata Mata Actingan!
"Eh sa wala nga akong alam sa sinasabi ninyo! Bakit niyo ba pinagpipilitan na may kinalaman ako sa pagkawala ng kaibigan niyong mas makati pa sa gabi!" ay lumalaban din si ate ghorl.
"Talaga ba? Si Sharmae pa ang lumalabas na malandi ngayon? Sino ba sa inyo ang nang-agaw kay Dudung?" singit naman ni Janille. "Baka nakakalimutan mong sila pa noong pumasok ka na sa eksena, you f*cking snake!" saad niya na pumaharap pa at talagang hinarap si accla.
Grabe namang ka-intense yan!
"Eto ang tatandaan mo..." ay hindi pa natatapos itong si Janille. "bali-baliktarin mo man ang racecar, racecar pa rin. To make it clear, bali-baliktarin mo man ang kuwento, ikaw pa rin ang malandi at hindi si Sharmae. We know your history, remember?"
Ay taray ang beshy ko! May pa-history ka pang nalalaman. Pero mali ka sa part na bali-baliktarin man ang kuwento ay siya pa rin ang malandi chuchu mo kasi kapag binaliktad yung kuwento, otnewuk na yun! K. Waley. Sabi ko nga, iba naman ang mag-POV! Hahahahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/281459105-288-k961306.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Mutchacha ng Section E
HumorIto ang kuwento ng nag-iisang mutchacha ng Section E o ang section ng mga Claverians-si Sharmae Cagas. Tunghayan kung paano siya lumaban sa mga hamon ng buhay (charing). Basta basahin mo na lang ang naging resulta ng aming kabaliwan sa Claver Ave. S...