Chapter 6

55 11 0
                                    

SHARMAE's POV.
Blah. Blah. Blah.

Iilan na lang kaming natira rito sa classroom. Hanep din itong si Ms. Flor Waxxe ha, punong-puno ng patience sa katawan hanggang balun-balunan. Akalain mong naisa-isa kaming section E.

Kumpleto pa ang Kapa gang at sa aming lahat, ako lang ang nakatayo. Huhuhu.

"Czirah, stand up!" saad niya.

Tumayo si Czirah at mukhang di man lang binalot ng kaba sa katawan. China oil!

"Dahil wala ng oras, if you answer this question correctly, maaari kang mamili ng kasama mong umuwi." bigla akong nabuhayan dun ah.

Tumingin ako kay Czirah saka lumabi. Kunwari magmukha akong kawawa at nang kaawaan niya ako. Hinihintay na ako ni Abu my dear kaya sana Czirah ay kaawaan mo ako!

"What do you call a whole number, other than 0, that has more than two factors?"

Ay halla! Identification na ang peg ni maam. Masagot sana ni Czi at nang makauwi na ako. Ipinapanalangin ko sa lahat na sana ay masagot mo nang tama Czi dahil kanina pa ako uwing-uwi!

"Composite number, maam." sagot niya na parang di man lang nahirapan.

"You're right! Now, mamili ka kung sino ang ililigtas mo sa mga kaklase mo." saad ni ma'am.

Sinuklay ko kunwari gamit ang daliri ko ang aking buhok para magpapansin kay Czi. Hays, sana tumalab. Sana epektib.

"Si Alyzza po."

Para akong binagsakan ng maraming tite... este bato. Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko.

Tiningnan ko si Czi na parang nagtatanong ng 'bakit hindi ako?' pero di nya ako pinapansin. Nakatuon lang yung mga mata niya kay Aly na nagpi-prepare na ng gamit.

Haaays! Nakakainis ka Czi! Di ka man lang naawa sa akin na kanina pa nakatayo?

"Next, Havalde!" nagtawag na naman si ma'am.

Tumayo naman si Havalde at gaya ni Czi kanina ay parang wala lang sa kaniya. Sana ol talaga sa dalawang 'to.

Pero malay mo, malay ko at malay nating lahat. Baka siya na magliligtas sa akin. Bwahahaha!

"What do you call the number or terms used in a multiplication problem?" tanong ni ma'am.

Grabe ang mga tanungan mo ma'am, ah! Torture na yarn sa amin ma'am.

"Factors, maam." sagot ni Havalde na mukhang di man lang nahirapan.

"Tumpak! Now, mamili ka na ng ililigtas mo." natutuwang saad ni ma'am.

This time ay tumingin ako kay Havalde saka nagpabebe wave para mapansin niya ako. Haays. Sana talaga epektib.

"Si Shane po."

What the heck?! Sa ikalawang pagkakataon ay bigo na naman ako.

Nagtawag pa si maam hanggang sa makalabas na ang lahat at ako na lang ang natira.

Mga walang hiya yung mga kaibigan ko. Feel ko tuloy, pinagkaisahan ako ng mga yun.

"Ngayon Ms. Cagas, sana naman natuto ka."

Oo na maam. Natuto na ako. Pauwiin niyo na po ako. Wala ng masyadong drama because Abu is waiting for me.

"Bago ka umuwi, last question."

Wow?! Last question pa talaga? Matapos mo akong patayuin ma'am ng higit isang oras, may last question pa?

"1 plus 1. Sana naman masagot mo na yan or else."

Seryoso ka ba jarn, ma'am? Grabe ka naman sa akin maam. Ano po akala mo sa akin? Kinder?

"2 po." diretsong sagot ko.

"Ok. Makakalabas ka na." nakangiting turan ni ma'am.

"Thank you po maam." saad ko saka kinuha ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom.

Paglabas ko ay di ko na nakita ang kapa gang. Mga walang hiya. Iniwan talaga ako?

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang biglang—

"There you are, bitch!"

Napalingon ako sa nagsalita at tumambad sa paningin ko ang babaeng mas makati pa sa gabi... Si Princess.

Ang Mutchacha ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon