Chapter 2

178 12 1
                                    

SHARMAE's POV.
Lunes na ngayon guysh kaya may pasok na. Sayang nga, di ko na-enjoy ang weekend ko kasi umulan nang umulan nang pagkalakas-lakas. Kulang na lang bahain ang buong siyudad. Pero alam niyo ba (yieeeeee... kinikilig ako) Abu saved my weekend. Nag-chat kami buong Sabado at Linggo. Muntik ko na ngang makalimutan si...

Si Dudung? Naalala ko na naman si Dudung. Ang lalaking pinakamamahal ko.

"Sharmae! Kanina ka pa nakatingin diyan sa salamin! Kahit buong taon ka pang tumitig diyan, di ka mapapansin ni Dudung!" sigaw ng nanay kong daig pa bulkang Krakatoa sa lakas ng bunganga.

"Nay naman! Anak niyo ako, bakit parang dina-down niyo pa ako pagdating kay Dudung?" saad ko. "Yung totoo nga nay. Mahal niyo ba ako?" dagdag ko.

"Oo naman, anak. Mahal kita... as a friend!"

"Ewan ko sayo nay! Aalis na nga ako at baka ma-late pa ako!"

Iniwan ko na si nanay at nagsimulang mag-abang ng taxi.

After 30 minutes...
Sa School...
Pagbaba ko pa lang ng taxi ay nakita ko nang nakaabang sa gate ang mga kaibigan ko—ang Kapa Gang.

Pinangungunahan na ni Czirah. Ang babaeng pinuyat at pinakilig pero di siya inibig.

Sunod ay si Alyzza. Ang babaeng pinagpala sa ganda pero isinumpa pagdating sa pagkakaroon ng jowa.

Nariyan din si Jess. Si Jess na umasang ikakrassbak ng krass niya pero ayun, yung krass niya ikakasal na sa iba. Aaaawts. Peyn.

Nanjan din si Janille. Si Janille na napakabango pero pagdating sa pag-ibig ay laging bigo.

Nanjan din si Shane. Ang babaeng pinupuyat gabi-gabi pero di pala siya ang pipiliin sa huli.

At syempre nandiyan din ang mga boys sa group namin. Nandiyan si Havalde. Ang lalaking pogi pero laging sawi. Aaawts...

Nanjan din si Kyle. Si Kyle na inakalang siya na ang the one pero habol lang pala sa kaniya ay katawan. Tsk! Tsk! Tsk!

At panghuli pero never nahuhuli. Si James. Hay naku! Mahirap magsalita tungkol sa kaniya. Alam niyo bang kaka-break niya lang kay Nadine? Nadine Gue... Kala mo Lustre noh? Well nagkakamali ka!!!

Sa aming lahat, ako na lang yata ang swerte sa pag-ibig. Akalain mong nakilala ko si Abu Bakr my dear.

Lalapit na sana ako sa kanila nang biglang....

"Sharmae..."

Lumingon ako sa aking likuran with slow mo effect upang makita kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Habang lumilingon ako ng mabagal ay nag-play sa utak ko ang kantang
Sa iyong ngiti
Ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
(kunwari tuloy-tuloy yan para mas feel ang kilig. Yieeee...)

Yung akala kong nakalimutan ko na siya. Pero nung masulyapan ko ang ngiti niyang nakaka-why pero silent B, doon ko napagtanto na hanggang ngayon ay may feelings pa nga ako para sa kaniya— kay Dudung na mahal ko.

Ang Mutchacha ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon