Chapter 7

56 11 0
                                    

SHARMAE's POV.
Heto ako ngayon, nakatayo habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa babaeng higad. Ano na naman kayang gagawin ng babaeng linta slash higad slash gabi slash pinanganak sa Makati slash mas bitch pa sa Boracay bitch?

"Nagulat ka ba, bitch?" tanong niya habang tumatabingi pa ang ulo niya.

"Eh alangan namang matuwa ako na na bigla mo na lang akong tatawagin?" pilosopong sagot-tanong ko. "Unless kung ipapaubaya mo na sa akin si Dudung." ayun... Naisingit ko rin haha.

"Ipaubaya mong mukha mo!" saad niya habang ang mukha ay parang nang-aasar. "At bakit ko naman siya ipapaubaya kung nagmamahalan kami slash mahal namin ang isa't isa slash we love each other?" sira ulo rin ang babaeng ito. May pa-slash-slash pang nalalaman eh magkakapareho lang naman yung sinabi niya.

"Aaah, talaga ba? Mahal ka ni Dudung? Hahahaha. Sinong niloko mo? Alam mo bang nung nakaraang gabi ay inamin pa niyang mahal niya ako?" siyempre eme lang yan. Baka sakaling masira ko ang relasyon nila. Bwahahaha!

"Anong sabi mo?!" ayan nagalit na. Kulang na lang umusok ng makapal yung ilong at tenga niya.

"Kailangan ko pa bang ulitin? Mag-backread ka na lang dahil baka mas humaba pa itong kuwento pag inulit ko pa."

"Pilosopo ka rin eh 'noh?!" may patikom-tikom na siya ng kamao. Katakot na ang hitsura niya pero keri lang. Para sa ikasisira ng relasyon nila ni Dudung! Bwahahaha!

"May matino bang taong ganito sumagot? Sira-ulo ka!" syempre di tayo papatalo haha. Go for Dudung! Bwahahaha!

"Layuan mo ang boyfriend ko! I-unfriend mo siya sa fb o kaya i-block mo!" aba! Inutusan ako?

"Desperada lang 'teh? Bakit di mo yan sabihin sa kaniya? Tutal siya naman itong lapit nang lapit sa akin." kahit kanina lang naman siya lumapit sa akin haha.

"Malandi ka!" aba! Below the belt na yan. Charrr...

"Ako pa talaga ang malandi? Samantalang ikaw naman talaga itong malandi sa atin. Sa katunayan nga, nung nagsabog ang Diyos ng kalandian, hindi batya ang gamit mo 'teh kundi tolda. Sinalo mo lahat, eh!" oh jiba? Pang-award winning actress ang linyahan ng lola niyo ngayorn haha.

"Hayop kaaaa—" susugurin pa lang sana niya ako para sabunutan nang biglang lumabas si Ms. Waxxe.

"Princess, Ms. Cagas, anong ginagawa niyo pa rito?" tanong niya. "Halla sige. Magsiuwi na kayo!"

"Di pa tayo tapos. Humanda ka sa gagawin ko sayo, bitch!" bulong niya with matching irap-irap to the highest level. Naku naku naku. Sarap daklutin ng mga mata niya!

Naglakad na siya palayo sa akin. Sumunod naman si Ms. Waxxe.

Magtatakip-silim na sa mga oras na ito. Hanep kasi si Ms. Waxxe eh. Grabe pala kapag may mood magpa-graded recitation. Parang suyod na susuyurin lahat ng kuto pati na lisa. Yuck! Bakit yun ang naisip kong ihalintulad sa kaniya?

Anyways, naglalakad na rin ako palabas ng school pero di pa man ako nakakalayo sa classroom namin ay naramdaman kong may sumusunod sa akin.

Shocks! Nakakakaba naman itez!

Binilisan ko maglakad pero ganun din siya. Di ko naman magawang lingunin dahil baka maabutan niya ako.

Ilang saglit pa, nang malapit na ako sa gym ay biglang may humawak sa balikat ko. Gosh! Naabutan niya ako!

Lilingunin ko pa lang sana siya upang tingnan kung sino siya na sumusunod sa akin nang bigla na lang niyang takpan ng panyo ang aking bibig at ilong na siyang dahilan upang ako ay mahilo sa amoy nun at tuluyang mawalan ng malay.

Ang Mutchacha ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon