SHARMAE's POV.
Heto ako ngayon, nakatayo sa kaniyang harapan. Tila ba naestatwa sa kaniyang kaguwapuhan. Yieee..."Sharmae, mag-usap tayo oh..." saad ni Dudung bilang pambasag sa katahimikang bumabalot sa aking katawan hanggang balun-balunan.
"Dudung, nag-uusap na nga tayo oh!" kunwari mataray pero deep inside, You're makin' me kilig... Kilig na kilig... Kilig sayoooo... Yieeee...
"Gusto kong malaman Sharmae, bakit di mo sinasagot ang mga calls at chats ko sa messenger. Maski mag-seen nga lang ay wala!"
Wow! So siya pa ang galit sa akin? Samantalang siya yung nang-iwan. Siya yung matagal mag-seen at mag-reply. Pero owemji! Sasabihin ko ba na may Abu na ako? Pero mahal ko pa siya!!!
"What's happening on here?" biglang singit ni Czirah saka lumapit sa akin. "Tama ba yung english ko kanina?" bulong niya.
"Ewan ko rin, pagdasal mo na lang na walang makabasang perfectionist." bulong ko rin.
"Teka nga, bakit mo pa ba kinakausap ang lalaking ito?" tanong ni Jess na dinuro-duro pa si Dudung.
Wawa naman si Dudung malabs. Mukhang pagtutulungan siya ng bestie ko. Baka nga mahalungkat pa ngayon ang nakaraan naming dalawa pati na yung mga kasalanang nagawa niya sa akin.
"Oo nga Sharmae. Di ba iniwan ka na nya?" si Havalde na nanlilisik na ang mata kay Dudung.
Sinasabi ko na nga ba, eh! Mag-aala History class ang scenario ngayon.
Shocks! Kinakabahan ako dito ah. Intense ang usapan!
"Huwag niyo nang pagtulungan si Dudung guys." kashi nashashaktan eke pag nashashaktan siya. Yieeee. Enebe!
"Ano ba ang nagustuhan mo sa lalaking ito bukod sa ang mga ngipin niya ay nagti-take ng exam!" si Gem.
Awittt. Bakit bigla silang sumulpot?
"Teka, b-bakit ka nandito? Eh diba wala kayo ni Irish sa chapter two?" tanong ko.
"Si Irish kasi nag-CR kanina. Busy lahat tumunganga sa labas ng gate kaya ako na lang ang sumama sa kaniya." katwiran naman ni Gem.
Aaah. Okay. Kaya pala di ko sila nakita ni Irish kanina.
"Okay na rin yun. At least di mo kami nilaglag sa readers mo. Bleeeh!" si Irish na nang-aasar pa.
Aba! Nagawa pa niyang mang-asar samantalang mainit-init ang usapan dito.
"Ano ba? Sasagutin mo ba yung tanong ko o sasagutin mo?!" galit na tanong ni Gem.
Shocks! Nakakagulat ka naman Gem. Kinabahan pati atay ko ro'n ah!
Ito na kaya ang time para malaman nila na ang nararamdaman ko? Pero Paano? Pano ko ba sasabihing hanggang ngayon ay si Dudung pa rin?
BINABASA MO ANG
Ang Mutchacha ng Section E
HumorIto ang kuwento ng nag-iisang mutchacha ng Section E o ang section ng mga Claverians-si Sharmae Cagas. Tunghayan kung paano siya lumaban sa mga hamon ng buhay (charing). Basta basahin mo na lang ang naging resulta ng aming kabaliwan sa Claver Ave. S...