SHARMAE's POV.
"Nakakainis talaga yung babaeng yun! Sarap gadgarin ang leeg gamit ang grater!" inis na sabi ni Czirah habang pabagsak na umupo sa upuan niya.Tama ka. Change location na kami sa wakas! Nandito na kami ngayon sa classroom namin—sa Section E.
"Czi, tama na yan. Yung puso mo." si Alyzza na mukhang concern sa puso ni Czirah.
"Kahit sino naman talaga kukulo ang dugo pag nakita yung babaeng yun! #Mang-aagaw!" si Shane na halatang gigil na gigil.
Napabuntong-hininga na lang ako sa mga kaganapan ngayon. Di ko alam! Ewan ko ba kung anong kasalanan ko sa writer ng kuwentong ito at bakit ganito na lang ang mga happenings sa life namin ni Dudung.
"Sharmae, simula ngayon, huwag ka nang makipagkita kay Dudung kung ayaw mong bugbugin namin siya." si Havalde.
Seryoso? Bugbog agard? Diba pwedeng pagbantaan muna? Grabe namang ka-protective ng mga kaibigan ko, oo!
"Oo na. Di na ako makikipagkita sa kaniya." kahit pa masakit sa heart, gagawin ko.
<fast forward>
Malapit nang uwian. Yeees! Makakapag-chat na rin kami ni Abu."Okay class, para malaman ko kung may natutunan nga kayo sa lesson natin ngayon, magkakaroon tayo ng graded recitation." saad ng last period teacher namin, si Ms. Flor Waxxe.
Napa-aaaawts ang mga kaklase ko. Kasama na ako roon haha.
"At ang plot twist, ang sinumang makakasagot sa tanong ko nang mabilis ay siyang makakalabas sa room na ito. Alam niyo naman siguro ang rule dito, nakasalalay sa last period teacher kung anong oras kayo lalabas sa classroom na ito!"
Anak ng tokwa't baboy naman oh! Bakit di ko alam yang rules na yan? Mathematics pa man din ang last period!
"Okay, simulan na natin." saad ni Ms. Waxxe. "Sino ang gustong mauna?"
Walang nagtaas ng kamay.
"Walang may gustong mag-volunteer? Then, ako ang magtatawag!" saad ni ma'am.
Juicecolored! Di ko na talaga kaya ang mga happenings!
"Sharmae, stand up!"
Shuta! Totoo ba to? Ako pa talaga ang buena mano huh? Galing mo rin pre ACE ha? Wala ka bang magawa sa buhay at lagi mo akong pinapahirapan?
Di sana ako tatayo kaso naalala ko yung huling sinabi ni maam. Hahahaha!
"What is the square root of 81?"
"Mabilis!" walang alinlangang sagot ko.
Makakauwi na rin ako sa wakas haha. Parating na ako Abu my dear!
"Bakit mabilis ang sagot mo?!" galit na tanong ni maam.
Shocks! Bakit parang galit ka ma'am?
"Ma'am, di ba sabi nyo po, kung sino man ang sasagot ng mabilis ay siyang makakalabas sa classroom na ito?." oh say! I'm an Alpha kid! Makakauwi na ako sa wakas! Makaka-chat ko na si Abu my dear haha. Kumusta na kaya siya?
"Pilosopo ka Ms. Cagas. If that so, then you should remain standing hangga't hindi natatapos sumagot nang tama ang mga kaklase mo! In short, you will be the last person na makakalabas sa klasrum na ito!!!" galit na bulyaw ni maam sa akin.
Shoooocks! Totoo ba 'to? Sabihin niyo nga readers, mali ba pagkakaintindi ko sa instruction ni maam? Haaaays. Bad trip naman oh!
BINABASA MO ANG
Ang Mutchacha ng Section E
HumorIto ang kuwento ng nag-iisang mutchacha ng Section E o ang section ng mga Claverians-si Sharmae Cagas. Tunghayan kung paano siya lumaban sa mga hamon ng buhay (charing). Basta basahin mo na lang ang naging resulta ng aming kabaliwan sa Claver Ave. S...