Chapter 8

50 11 0
                                    

CZIRA's POV.
Hello Philippines! Hello world! Gulat ka 'noh?! Relaks lang, ako lang 'to oh. Si Czirah na pinuyat at pinakilig pero di naman inibig.

Anyways, ako muna ang may POV ngayon kasi trip ng writer. May angal ka? Charrrr.

TING!

Tiningnan ko ang messenger ko at may nag-chat sa gc ng Kapa Gang. Si Aly malabs.

"Guys, papunta na ako sa school. Lezz go na!" ito ang laman ng message niya.

Pagkabasa ko ng message niya ay lumabas na ako ng bahay nang may ngiti sa labi dahil may bumuo na ng araw ko haha. Uy! Wag ka nga kiligin sa amin. Kay Dudung at Sharmae ka lang dapat kiligin. At ako lang dapat ang kiligin kay Aly hahahaha.

Yeah. Tama ka. May gusto nga ako kay Aly pero di ko pa magawang ipagtapat haha. Alam mo na, kulang pa ng Red Horse ang aking katawan para umamin haha. Pero wala naman akong dapat ikabahala kasi nararamdaman ko na pareho kami ng feelings para sa isa't isa. Yieeeee.

Pagdating ko sa school ay nasa labas na ng gate ang Kapa Gang. At gaya ng dati ay wala pa si Sharmae. Oo, lagi kasi yung late. Talo pa ako na laging nagpupuyat.

"Andito na pala ang lider ng mga sawi... este Kapa Gang." saad ni Janille pagkakita niya sa akin.

Loko ka Janille! Anong sawi? Winner kaya ako sa puso ni Aly.

"Pasok na tayo at baka maabutan pa natin si Dudung dito. Galit pa ako sa kaniya!" saad naman ni Gem.

Di pa nga talaga naka-move on ang lalaking ito sa ginawa ni Dudung kay Sharmae. Alam niyo naman na siguro kung bakit ganun na lang ang galit namin sa kaniya. Niloko niya si Sharmae. Nagawa niyang ipagpalit sa iba gayong di naman siya kaguwapuhan.

"Di na ba natin hihintayin si Sharmae?" tanong ni Shane.

"Sunod na lang sila ni Irish. Dalawa silang wala pa eh." sagot naman ni Jess.

Isa rin yung si Irish. Kung hindi late, may pinuntahan kaya laging di ko naaabutan dito sa labas ng gate.

"Okay. Tara na!" si James.

Pagkapasok namin ng gate ay naghiyawan ang mga estudyante sa loob ng campus. Oh, I forgot to tell you. Kami pala ang campus crush dito sa A.U. Naguguluhan ka ba dahil campus crush kami pero lagi kaming sawi sa pag-ibig? Well, trip by trip.

At dahil naghihiyawan na, aba syempre kailangan namin sakyan. Kaming mga girls ay naglakad with pahangin effect... Yung tipong nililipad ang aming mga buhok. While yung boys ay pakindat-kindat sa mga girls at maging beki na rin haha.

"Cziraaaaah! Ang ganda mo!!! Bagay tayo!!!" sigaw nung lalaking nasa second floor ng building para sa mga Grade 10.

Sorry. Di tayo bagay. Unggoy ka at dyosa ako. Bwahahaha!

"Havaldeeeee! Buntisin mo ako! Sheeeet! Ikalat mo angkan mo sa akin!" ang harot ni ate. Juicecolored!

"Kyyyyle! Magpaputok ka sa kaloob-looban ako!!!" sigaw nung beki na malapit sa gym.

"Alyzzaaaa! Mahal kitaaaa!" sigaw nung mga lalaki malapit sa flag pole. Baka gusto nyong ibalibag ko kayo sa kisame? Aagawan nyo pa talaga ako ha.

Marami pang sumisigaw at humihiyaw kaso di na namin maintindihan haha. Ang hirap talaga isilang nang maganda at pogi.

Walang ano-ano ay nakita namin si Irish na naghihikahos habang papalapit sa amin.

Problema nitong babaeng ito? Panira ng entrance!

"Irish... Bakit?" nag-aalalang tanong ni Kyle.

Parang asong pagod si Irish nang makalapit na ito sa amin. Hingal na hingal.

"S-si Sharmae... Hah! Hah!" hinihingal yarn?

"Bakit si Sharmae?" tanong ko.

"Si Sharmae... Nawawala!"

"Ano?!" kaming lahat... Oo, sabay kaming lahat haha.

At saan naman kaya nagpunta ang babaeng yun?

Ang Mutchacha ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon