THREE hours na akong nagpaikot-ikot dito sa isang lugar sa makati nagbabakasakaling makahanap nang maaplayan. Pero kong minamalas ka nga naman, kahit anong hanap ko, wala ekis padin! puro walang vacant. Wala naman siguro akong balat sa pwet noh? Bakit ipinagkakait sa'kin ng universe na magkaroon ng trabaho. Hindi naman ako demanding ah! Kahit anong klaseng trabaho pa yan papatusin ko.
As soon as possible I need to find a job para makapag-ipon na ako, as I said lumalaki na ang anak ko, ilang taon nalang mag-aaral na siya. Ayoko kong sayangin ang panahon, kung kailangan kong libutin lahat ng lugar sa makati gagawin basta magkaroon lang ako ng trabaho.
Maglalakad na sana ulit ako ng naramdaman kung kumulo ang aking tiyan. Ay Nyeta! Naalala ko hindi pa pala ako kumain ng agahan. Psh! Sa sobrang pagmamadaling makahanap ng trabaho na kalimutan ko tuloy kumain.
Tumingin ako sa wristwatch ko, it's already 10:00 A.M. Kaya naman pala.
Naglalakad ulit ako para humanap ng makakainan. Sakto naman sa 'di kalayuan may nakita akong nakapaskil na "Edith's Carenderia". Dali-dali kung inihakbang ang aking paa para puntahan ang naturang karenderya.
Pagpasok ko palang, wala agad akong mahagilap na upuan. Nyeta! puro puno. Hindi naman ganoon kalakihan ang karenderya, medyo may pagka luma na rin siya, siksikan ang ang mga tao, pero hindi naman gano'n kainit, kasi may mga malalaking ceiling fan mga apat. Siguro masasarap ang mga menu dito. Obvious naman! tignan mo punuan!
Nagpalinga-linga ulit baka sakaling may mahagilap akong mesang bakante. At sakto namang may tumayong mag-kakaibigan, hudyat na tapos na silang kumain. Kaagad naman akong lumapit, baka kasi maunahan pa ako. Umupo ako at ipinatong ko sa mesa ang aking shoulder bag at hawak-hawak na folder.
Napaigtad ako sa gulat ng may babaeng biglang nagsalita "Anong po'ng order nila?" tanong niya. Napahawak ako sa'king dibdib dahil sa gulat. Nyeta! Ang babaeng 'toh, papatayin ata ako sa kaba.
Binalingan ko ito ng tingin. I saw a woman standing in front me siguro nasa late thirty na siya may hawak siyang papel at ballpen, listahan siguro ng mga o orderen.
"Ahhmm, isang kanin lang sa'kin at isang kare-kare" sagot ko.
Nilista naman niya ang sinabi ko.
"Drinks Ma'am?"
"Tubig lang sa'kin"
Hindi ko pweding gastusin ang pera ko. Isang daan paman lang din dala ko, kung bibili pa ako ng softdrinks baka kulangin na ako sa pamasahe. Kaya tubig tubig lang muna.
"60 lahat Ma'am" anang babae.
Dinukot ko ang pera sa 'king bulsa at ibinigay sa kanya.
Kaagad naman tumalikod ang babae.
After five minutes of waiting, dumating na din finally ang inorder ko. Isa-isa naman niya itong inilapag.
Isusubo ko na sana ang aking pagkain ng may bigla nanamang nagsalita mula sa'king likuran. My Ghadd! Ba't ba bigla-bigla nalang silang nagsasalita!
Inis akong nag-angat ng tingin at binalingan ang taong nagsalita.
Muntik ko nang mabatiwan ang kutsarang may kanin na isusubo ko sana dahil sa gulat. Gulat! sapagkat ang kaharap ko ngayon ay sobrang gwapo!. Oh My God! Ang kulay bughaw niyang mga mata 'agad ang napansin ko, nakakamangha at ang ganda tignan. Nakaka-akit!. Bumaba ang tingin ko sa kanyang ilong. Pashnea! Ang tangos, at pang huling tinuunan ko ng pansin ay kanyang maninipis at mapupulang labi. Wahhh sarap halikan. Chosera! Tsaka amputi ng balat niya, maputi pa kaysa sa 'kin.
Foreigner 'ata to. Obvious naman e, sa'n ba ako nakakita ng filipinong may blue eyes. Wala pa noh!
Halatang yayamin si kuya pormahan palang pang artistahin na. Pero bakit dito siya sa carenderia kumain? Afford naman 'ata niya mamahaling restaurant. O baka trip niya lang talaga kumain sa carenderia, meron namang ganon diba? kahit gaano pa sila kayaman mas pipiliin parin nilang maging simple.
BINABASA MO ANG
Hiding The Gay Billionaire's Son [On-Going]
Romance"A night mistake that turned my life upside down" _____ WARNING:R-18 Note: This is my first story, so please bear with my grammatical error and typo graphical error. You are free to correct me anyway. You know I'm on the stage of learning and improv...