Chapter Nine

493 14 0
                                    

PAGKARATING ko sa harap ng mismong kompanya ng boss ko. Inabot ko ang pamasahe kay manong driver pagkatapos ay bumaba na. Luminga-linga ako sa paligid baka kasi naghihintay na sa akin ang bodyguard ni Anthony. Sana all talaga my bodyguard. Pero mukhang wala pa akong nakikitang kotse na nakaparada. Masyado ko bang inagahan? Anong oras naba? Tinignan ko wristwatch ko, seven na ah pero ba't wala pang pumapasok na mga empleyado, si manong guard palang andito at 'yong janitor na saktong kararating palang.

Sa pagmumuni-muni ko hindi ko namalayang nag-ring pala ang cellphone ko. Kaagad ko namang kinuha at tinignan kung sino. Si Anthony pala.

"Hello Anthony" bungad ko.

"Yesz hello Ciarra andiyan kana ba?" agad na tanong nya.

"Ah ou nandito na ako sa harapan ng company ni Sir. Shian, kararating ko lang din" sagot ko.

"Sige, on the way na ang maghahatid sayo. Just wait him"

"Sige"

Binaba niya na ang tawag. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago dumating ang maghahatid sa akin.

"Kuya malayo po ba condo ni Sir. Shian mula dito sa kompanya niya?" tanong ko ng makasakay na ako. Hindi pa naman ganoon katanda ang bodyguard ni Anthony. Tansya ko mga nasa edad thirty palang ang lalaki.

"Hindi naman masyado, mga ilang minuto lang"

I nodded as replied. Inumpisahan na niyang paandarin ang kotse. Habang nasa kalagitnaan ng biyahe nag-uumpisa nanamang tumambol ng mabilis ang puso ko. What happened again? Kinapa ko ito. Ghad, kalma self. Wag dapat ganito. Hindi ka dapat magpaapekto sa kanya. Umayos ka self! Mag behave kapag nakita mo siya. Rember that he's your boss at trabaho ang ipinunta mo sa kanya hindi kung ano-ano.

Finally, huminto kami sa isang malaki at matayog na building. Unang lumabas yong bodyguard ni Anthony at sumunod naman ako. Naglakad na kami papasok ng building.

Nasa likod lang ako ni kuyang bodyguard nakasunod. He never bothered to ask me or talk to me. Kahit nga sa biyahe kanina never siyang nagsalita. Focus lang siya sa pag da-drive. Amboring niyang kasama. Panis tuloy laway ko. Duh, excuse lang at sino naman daw ako para kausapin. Hindi naman ata kami close. Haistt, sana si Anthony nalang naghatid sa 'kin. Charot lang.

Pagkarating namin sa mismong pinto ng condo unit may tinaype si kuyang bodyguard, passcode ng unit. Automatic naman itong bumukas.

Pagkabukas no'n ay lumingon naman siya sa 'kin "Hanggang dito nalang po ako ma'am, pasok na po kayo" iminuwestya niya ang kamay.

I nodded a bit and I smiled at him a little.

"Salamat" I said.

"Welcome" he replied.

Pagkapasok ko sumalubong kaagad sa akin ang lamig ng aircon. I scan the area, he's unit is big. Pero napaka dull ng aura. Tanging halaman lang sa ibabaw ng babasaging mesa ang nagbibigay buhay sa condong ito. May mangilan-ngilan ding mga gamit tulad ng tv at dalawang magkaharap na sofa dito sa living room. May ref at oven naman doon sa may kitchen area. Parang hindi talaga ito ang inuuwian niya.

Doon lang naputol ang pagsusuri ko sa unit na ito ng may narinig akong tumawag sa pangalan ni Anthony. Alerto kong pinuntahan ang kwarto kung saan may narinig akong pagtawag. Pinihit ko ang pintuan at nakita ko si Shan na nakahiga at nakapikit habang nakadampi ang kamay niya sa noo.

"Babe I felt hot" mahinang bigkas niya.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya sabay dampi ng aking kamay sa kanyang pisngi.

"Sir are you okay?" aniko sa may pag-aalalang tinig.

Unti-unting bumukas ang mga mata niya. Nang makita niya ako bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon.

Hiding The Gay Billionaire's Son [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon