Chapter Three

466 21 0
                                    

TUMAYO bigla ang mga balahibo sa katawan at biglang sumikdo ng mabilis ang puso ko ng banggitin niya ang pangalang 'yon.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa kakaibang nararamdaman. Nagtatakhang napailing nalang ako.

It's weird.

"Hey! You okay?" tinapik niya ang balikat ko.

I frowned at her "Yeah, why?"

Pinanliitan niya ako ng mata na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"Ano nanaman 'yang iniisip mo ha?"

Umiling ako "Nothing" tipid kong sagot.

"Ba't may patulala at pahawak-hawak sa dibdib?" natatawa nyang saad.

Kahit kailan talaga napakapansinin nang babaeng 'to. Iniripan ko nalang siya. Alangan sabihin ko na nagkakarera ang puso ko ngayon dahil binanggit niya ang panggalang 'yon. Ang weird naman 'ata non. Hindi ko naman kilala ang taong 'yon kung makapag react si heart 'kala mo naman may pinagsamahan kami ng lalaking 'yun.

Pinatunog niya kanyang daliri na animo'y may nag-pop na idea sa kanyang utak "Aha! Type mo 'yung nagbigay ng calling card sayo no?" tumaas baba ang kilay niya.

Kumunot 'agad ang noo ko. Pinagsasabi ng babaeng 'to!

"Excuse me-- natigilan ako sandali ng may maalala. "Jana? Ang sinasabi mong Shan Ryzen ay isa bang babae?"

Natigilan siya sa sinabi ko at maya-maya pa'y humagalpak ng tawa. Napahawak siya sa kanyang tiyan at tawang tawa parin siya sa tinanong ko. Masama bang itanong 'yon? Nawowonder lang naman ako eh!

Pinalo ko siya ng mahina sa balikat.

"Jana lower your voice, baka magising si Dustin" suway ko.

Tumikom naman ang bibig niya pero ando'n padin ang pagpipigil niya ng tawa.

"Kingina naman kasi Ciarra, Bangag ka ba? Oh My God! Your unbelievable! Hindi ko alam may nakatago ka palang kabobohan" napatakip siya sa kanyang bibig na parang hindi makapaniwala.

Pinaikutan ko nalang siya ng mata at napa napaismid. Sana pala 'di nalang ako nagtanong. Lalaitin lang din naman pala niya ako. Tsk!

"Why not sagutin mo nalang, nacu-curious lang ako"

Inalis niya ang kamay na nakatakip parin sa kanyang bibig at kapagkuwa'y nagsalita " Of course, he's a man pangalan panga lang eh, lalaking-lalaki na, duh!" She said and rolled her eyes.

Doon ako naliwanagan, it means lalaki ang fiance ni kuyang blue-eyes. Sino naman sa kanila ang bakla? Hindi naman siguro si kuyang blue-eyes noh? Kasi sa ayos palang niya kanina halatang lalaking-lalaki, lalo na ang pabango niya kanina panglalaki din eh.

"Alam kona ang pinopoint mo Ciarra" untag sakin ni Jana.

"Naguguluhan ka kasi ang sinasabi ng nagbigay sa' yo ng calling card na fiance niya kuno ay isa palang lalaki, right?"

Yun oh! You hit the point. Ang galing-galing. Napatango-tango nalang ako bilang tugon.

"Sino naman kaya sa kanila ang bakla?" tanong ko.

Jana shrugged "Malay ko ba"

Bat ko ba pinoproblema kong sino ang bakla sa kanila. Uso naman ngayon ang same sex marriage. Malay ko bang doon sila mas masaya. Pero sayang talaga si kuyang blue-eyes fafa na sana e, taken na pala. Hindi bale na nga.

"Anyway, may alam ka ba about sa history niyang si Shan Ryzen Miller? Sabi mo nga isa siyang bilyonaryo" 'agad na tanong ko.

Mas mabuting manigurado, baka masungit o whatsoever. May pagkatanga panaman ako minsan. Baka hindi pa ako nakaapak sa kompanya niya sisante na kaagad ako. Malay ba natin na hindi talaga ako mag-apply. Hehehehe! Naguguluhan pa talaga ako. Imagine billionaire 'yun 'tas basta-basta lang kukuha ng magiging secretary niya. Kaloka naman ata.

Hiding The Gay Billionaire's Son [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon