Chapter Thirteen

474 18 3
                                    

I pushed him violently and slap him very hard.

"What the fuck sir!" galit na sigaw ko sa kanya.

Pagkatapos niya kay Anthony ako naman. Baliw ba siya!

Marahas kong pinahiran ang aking bibig ng aking kamay. Pakiramdam ko nakadikit pa rin ang kanyang labi sa labi ko.

"I'm really sorry, I didn't mean it" may pagsisisi niyang tinig. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero mabilis ko itong tinabig.

Mabilis akong napaatras. Sinisiguradong hindi niya ako maaabot.

"How could you do this to me Sir?" may namuong luha sa mga mata ko at di kalaunan ay unti-unti itong tumulo.

Halos manghina ang buo kong katawan dahil sa hindi inaasahang ginawa niya.

Hindi niya ba naisip na ikakasal na siya. Ikakasal na siya kay Anthony. Bakit niya ito nagawa. Pakiramdam ko pinagtaksilan namin siya ngayon. Oh God I'm sorry I didn't mean it. I'm really sorry....

"Hey Ciarra are you okay?" bakas sa mukha niya ang pag-aalala ng makita niyang umiiyak na 'ko. Mabilis ang mga hakbang niya patungo sa 'kin. Mabilis ko din iniharang ang aking kamay.

"Don't you dare touch me Sir, I warn you!" matigas na saad ko.

May dumaang sakit sa mga mata niya. Kita-kita ko 'yon. Pero bakit siya masasaktan?

Bigo siyang napaatras at unti-unting tumalikod sa 'kin.

Bumuntong-hininga siya "I'm really sorry. Alam ko galit ka sa 'kin Ciarra dahil sa ginawa ko at alam kong hindi mo ako mapapatawad. Kung iyon ang gusto mo ang umalis sa kompanya ko hindi na kita pipigilan. Tatanggapin ko ng buo ang desisyon mo. Maraming salamat sa dedikasyon na inilaan mo sa kompanya ko. Sana maging masaya ka sa pag-alis mo dito. Pinapalaya na kita" mahinang bigkas niya sa huli.

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa sinabi niya at tuloy-tuloy na umagos ang luha sa aking mata. Bakit ako nasasaktan? Bakit parang pininipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Diba dapat maging masaya ako dahil malaya na ako sa kanya pero bakit kabaliktaran ang lahat.

"Makakaalis kana" mahinang sambit niya.

Humugot ako ng malalim na hininga at pilit pinapakalma ang sarili. Pinahiran ko ang aking luha at kapagkuwa'y lumunok.

Siguro nga kailangan ko itong gawin para sa ikabubuti. Dahil kong mamalagi pa ako dito patuloy lang ang hindi namin pagkakaunawaan. Ayoko ko ring masaktan at ayoko ring may masaktan. Kaya mas mabuting aalis nalang ako.

"Maraming salamat Sir" iyon ang huling kataga bago ko mabigat na iniwan ang kanyang silid.

And now I'm free from him it's time to forget everything....

IT'S BEEN three months since I left his company. And now I'm here again back to zero hahaha. Nag a-apply ulit ng trabaho. Kailangan talaga eh.

"Oh ano natanggap kana ba sa inaplayan mong trabaho?" ani Jana habang naghihiwa ng sibuyas.

Magluluto kasi ako ng tinolang manok. Dahil ang gaga dito raw makikikain. Kaya ayon pinahiwa ko siya ng mga ingredients.

Ou nga pala never kong sinabi sa kanya ang dahilan kong bakit basta-basta nalang akong umalis sa kompanya ni Shan.

"Tatawag nalang daw 'yon" sabi ko sabay lunod ng manok sa kumukulong tubig.

Bumalik kasi ako sa dati kong pinagtatrabahuan. Sa isang Convenience Store. Sabi kasi ng kakila ko doon nag hiring ulit sila kaya grinab ko na.

"Sus kong doon ka nalang sa kin magtrabaho edi hindi kana mahirapan" asik niya.

"Bakit pwedi pa ba?" pabiro kong tugon.

Hiding The Gay Billionaire's Son [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon