Chapter Ten

478 26 4
                                    

PAGOD akong nakarating ng condo unit, naabutan kong nagwawalis ng sala Myrla. Hinahanap ng mata ko si dustine, hindi kasi kasama ni Myrla.

"Myrla nasaan si Dustine?" agad na tanong ko. Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi niya namalayang dumating ako.

Napaigtad siya sa gulat at ka-muntik ng mabitawan ang walis na hawak niya.

"Ma'am kayo po pala" aniya habang nakahawak sa dibdib niya.

Napakamot ako sa ulo "Sorry kung ginulat kita"

Tumango lamang ito.

"Ah.. Si Dustine po pala nandoon kila ate Lea, doon lang daw muna siya dahil walang kasama si ate Lea kaya kinuha niya muna si Dustine" wika niya.

Tumango ako saka umupo sa pang-isahang sofa. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagod, wala naman akong ginawa ngayong araw. Hindi ko rin naman pinagsilbihan ang pangit na baklang 'yon. Hmnn, speaking of bakla ano na kaya nangyari sa kanya ngayon, nakasurvive kaya siya? Grrrr! Ba't ko ba siya iniisip? Sana lang talaga hindi na sikatan ng araw ang baklang 'yon!

Charot lang, hindi pa kaya ako nakakafirst salary. Ano nalang din ipangsasahod ko kay myrla kung natigok na ang baklang 'yon. Kaya wag muna. Tsaka nalang!

"Ma'am okay lang po ba kayo?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya nasa harap ko na siya ngayon nakatayo.

"Ah, ou naman... Bakit?"

"E kasi ang lalim ng iniisip niyo"

"Wala ito wag munang pansinin" I smiled on her before I stood up and go to my room.

Pagkatapos kong magbihis pasalampak akong humiga sa kama. I'm really tired, I want to sleep.

Nagising ako bigla dahil sa sunod-sunod na katok ng pintuan. Dahan-dahan akong bumangon at tinungo ang pintuan para buksan iyon.

Bumungad kaagad sa 'kin ang mukha ni Myrla, may hawak siyang cellphone na tumutunog kaya lumipat ang paningin ko doon.

"Ma'am pasensya na kung ginising kita, iyong cellphone n'yo po kasi kanina pa tumutunog. Mukhang importante po yata ito" iniabot niya ito sa 'kin.

Kinuha ko ito at kaagad na tinignan ang nasa screen. My eyes widened a bit and also my heart pounded so fast when Anthony's name is on the screen.

My God! Bakit siya tumawag?

Tanga, malamang para kausapin ako. Paniguradong nagsumbong na ngayon ang pabebe niyang fiance. At ipapalabas na ako ang may kasalanan kung ba't 'di ko siya naalagaan. Gosh, ano naman kaya ang sasabihin ko.

Tss, kahit anong ipapaliwanag ko kay sir shian pa rin siya kakampi. Fiance niya 'yon e!

Ang kailangan ko nalang gawin ay tanggapin ng buong puso kung ano naman ang mga bibitawang salita ni Anthony.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko sinagot.

"Hello Anthony" pigil ang bawat paghinga ko.

"Hello Ciarra, are you busy?" his voice was soft.

I frowned a little, wondered. I thought he's mad. O baka hindi pa nagsumbong si sir shian sa kanya. Anyway, I felt relieved right now. Akala ko kasi galit na boses ang sasalubong sa 'kin.

"Ah, hindi naman. Bakit?"

"Ngayon mo lang kasi sinagot 'yong tawag ko" ganoon pa rin ang boses niya.

Nahiya tuloy ako bigla.

Napakamot ako sa ulo "Pasensya na kung hindi ko agad na sagot, nakatulog kasi ako"

The other line sigh "Maybe you're tired. I'm really sorry if I disturbed you. Anyway I won't talk too long I just want to say sorry for what happened earlier about shan done to you. It's my fault for forcing you to take care of Shan... I'm sorry again" his voice sounds guilty.

Hiding The Gay Billionaire's Son [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon