HINDI TALAGA PARA SA AKIN ANG TRABAHONG ITO.
I wiped my tears and see myself in the mirror. Mugto ang mga mata at nanginginig ang mga labi habang tinitignan ko ang aking sarili sa salamin. Anthony really disappointed of me. Ang sakit sa dibdib.
Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya after what happened between me and sir shian. Sa tingin ko galit na siya. Dapat naman talaga e, I deserved that outrage from him. I have no shame. Siya ang nagpapasok sakin dito sa kompanya ng fiance niya dapat ay ginagalang ko sila, but what happened kahihiyan lang ang dala ko dito.
I decide na mag resign nalang bilang sekretarya ni shian. Mas may deserving pa kaysa sa akin. Isang sekretaryang may mapapatunayan at nagagampanan ang trabaho. Hindi katulad ko na walang alam kundi bigyan sila ng sakit ng ulo. Di nababagay sa akin ang ganito karangyang kompanya. Wala akong kayang patunayan.
Pagkalabas ko mismo ng comfort room nakayuko akong naglalakad. Iniiwasan ko na baka tignan ako ng mga tao dahil sa namumugto kong mga mata. Baka sabihin nila na inaano ako. Diretso lang akong naglalakad hindi ako nag atubiling sulyapan manlang ang opisina ni sir shian. Ang nais ko lang ngayon ay ang makalabas sa kompanyang ito.
Nang marating ko na mismo ang elevator, saktong pagpindot ko ay may bigla nalang humila sa 'kin dahilan para mapasubsob ang likod ko sa dibdib niya. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang braso ko.
Halos mapamura ako sa isip ko dahil sa taong walanghiyang basta-basta nalang nanghihila.
Marahas kong kinalas ang sarili at mabilis ko siyang hinarap.
"ANO B- Hindi na natapos ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang humila sa akin. Walang iba kundi..
Si Sir Shian!
Halos hindi ako makagalaw. Ang namumutawing galit ay biglang humupa. Napalitan na iyon ng kabog ng dibdib.
"Hey, where are you going?" sambit niya. Tinignan niyang mabuti ang mukha ko na parang may sinusuri "Wait, are you crying sweetie?" aniya habang salubong ang kilay na nakititig sa akin.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at uminit bigla ang pisngi ko dahil sa huling sinabi niya. Shit! Iyon yong endearment niya sa 'kin nong gabing may nangyari sa aming dalawa.
Fudge! Naalala niya ba !!?
Walang mga salitang gustong lumabas sa bibig ko. Umikot-ikot pa rin sa isip ko ang sinabi niya.
"Hey!" pinitik niya ang noo ko dahilan para bumalik ako sa reyalidad.
"Ouch! Tang-ina ang sakit!" reklamo ko habang hinimas-himas ko ang aking noo.
Pina-ikot niya ang mga mata at pagkatapos ay tinaasan niya ako ng kilay.
"Ayan ka naman sa tang-ina mo, kababaeng tao palamura" He tsked. "At hello ateng tinatanong kita kung saan ka pupunta? At kung umiyak ka ba para kasing jinumbag yang mata mo?Sumagot ka ba? Tss" asik niya.
Napa-irap ako. E ano naman ngayon kung nagmumura ako, e sa gusto kong magmura eh. At hello din hindi ba pweding shock lang ako dahil sa sinabi niya. Forda may pa sweetie sweetie pa. Ayan tuloy hindi makapagsalita ang person. Tsk!
"Pwedi sorry sir" I said, sarcastic "At hello hindi po ako umiyak napuwing lang ako" I smiled fakely on him.
Napa-ismid siya.
"So, saan ka pupunta at andito ka sa elevator?"
"Uuwi na" tipid kong sagot.
Nagsalubong ulit ang makapal niyang kilay.
"Bakit pinapauwi naba kita?"
Ako naman ngayon ang naguluhan. Alam ba nito ang sinasabi? Sa tingin nya may mukha pa akong maihaharap pagkatapos ng nangyari. Di naman makapal pagmumukha ko para mag stay pa dito.
Humugot mo na ako ng malalim na hininga. Mas mabuting sabihin ko nalang sa kanya, total andito na rin naman siya.
"Sir" I bit my tongue.
Suddenly, his face turn into serious. I slowly gulp, I don't like the way he looked at me serious kinikilabutan ako. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso kung makatitig sa akin. He become manly.
"Ahm" I cough fakely and averted my eyes on him. Instead yumuko ako. Di ko alam kung paano ko sisimulan. Natabunan bigla ng kaba ang lakas ng loob ko.
Naiilang ako sa titig niya.
Takte naman!
"What?" utas niya at humalukipkip.
I pressed my lips together and looked directly into his eyes. Kahit naiilang ako pinilit ko paring tumingin sa mga mata niya. Damn it! His beautiful eyes hypnotized me.
"A-hhmm, I-i'm sorry but I'm resigning in your company" I stammered.
I didn't see any reaction on his face. Nakatitig lamang siya sa 'kin.
"Why?" He said flatly.
Napaiwas ako ng tingin. Alam mo na ang sagot kung bakit.
"Sir sorry but you know I'm not deserving to be your secretary. Wala akong kayang mapa-
"At sinong may sabi?" biglang naging seryoso ang boses na siyang dahilan ng pagtigil ng aking pagsasalita.
I was wondered. Ano bang sinasabi nito? Alam ko naman unang-una palang ayaw niya sa 'kin.
"But sir-
"Shut up or I will kiss you. You want?" may panghahamon ang boses niya.
Kissed who? Me? He want to kissed? Ha!!????. Ngayon lang naproseso sa utak ko ang sinabi niya.
Uminit bigla ang mukha ko at tumibok ng mabilis ang puso ko. Napaatras ako. Shit ano nanaman nahithit ng baklang to!
"Ciarra" mahinang tawag niya sa pangalan ko habang inihakbang niya ang isang paa palapit sa 'kin. Napapaatras rin ako sa ginagawa niya.
"S-sir" shit! he's so creepy.
Nagulantang ako ng bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at mabilis niya akong hinila papasok sa opisina niya.
Marahas niyang isinara ang pinto at doon ay isinandal niya ako. At sa hindi inaasahan ay mapusok niya akong hinalikan.
~~~
Thank you for your patience miga/migo. Maikli lang tayo for todis chapter. Chows. Anyways highways holidays😂 salamat sa lahat ng sumuporta sa istoryang ito kahit ambagal bagal mag update. Haysss, akoy humihingi ng patawad sapagkat akoy maraming ginagawa. Awsss. Basta see you on next chapter na di ko alam kung kailan ulit aheheeh. Peace!
Loveslot mwahh😘
BINABASA MO ANG
Hiding The Gay Billionaire's Son [On-Going]
Romance"A night mistake that turned my life upside down" _____ WARNING:R-18 Note: This is my first story, so please bear with my grammatical error and typo graphical error. You are free to correct me anyway. You know I'm on the stage of learning and improv...