HANGGANG sa pagsakay ko ng taxi iyon pa rin ang tumatakbo sa isip ko.
Pinsan? Pinsan ako ni anthony?... Iyon ang sinabi kanina ng boss ko na nagpagulo ng isipan ko ngayon.
Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap si anthony, dahil agaran siyang lumabas ng opisina ng hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Balak ko siyang habulin, ngunit hindi pwedi dahil baka pagalitan pa ako ng boss ko.
Ang boss ko nalang sana ang tatanungin ko tungkol doon pero natatakot ako baka kasi mas lalo lang madagdagdagan ang galit niya. Hindi pa sila okay sa isa't-isa, umalis si anthony ng hindi manlang sila nagkabating dalawa.
Feel ko talaga kasalanan ko ang lahat. Hays! Sana lang talaga magkaayos na sila para matanong ko na si Anthony. Gusto ko ng kasagutan.
Already six thirty in the evening ng makarating ako sa harap ng bahay nila Jana. Sa kanila ko kasi iniwan si Dustine dahil nagpresenta ang ina niya na doon ko nalang daw iiwan sa kanila si Dustine. Mag-isa lang kasi ang ina ni Jana sa bahay nila, busy silang mag-ama masyado. Si Jana narin kasi ang naghandle ng business nang kanyang ina. Madali nalang kasing mapagod si Ma'am Veronica, kaya hindi na nila ito pinagtrabaho. Pinagpahinga nalang nila ito.
Kaagad naman akong nag doorbell, walang pang isang minuto ng may nag bukas niyon. Isang matandang babae ang bumungad sa 'kin, walang iba kundi si aling Marta, ang maid nila.
"Ikaw pala Ma'am Ciarra"
Ngumiti ako ng malapad. Kilala na ako ni aling Marta, madalas kasi akong dinadala ni Jana dito sa bahay nila noong nag-aaral pa kami pareho. Kaya naman kilala na namin ang isa't-isa.
"Magandang gabi po Aling Marta" nakangiting bati ko sa kanya.
"Halika ka pasok ka sa loob, nandoon sila sa sala" nilugawan niya ang maliit na pinto ng gate.
Tumango ako ng may ngiti sa labi at pumasok na. Pagkarating ko sa sala, naabutan kong naglalaro si Dustine habang si Ma'am Veronica naman ay abala sa pagtitipa ng kanyang cellphone.
"Magandang gabi po ma'am Veronica" agaw pansin ko.
Pareho silang nag-angat ng tingin.
"Mama!" masayang sigaw ni Dustine. Mabilis itong tumayo at patakbong lumapit sa 'kin sabay yakap. Niyakap ko rin siya pabalik kapagkuwa'y kinarga.
"Oh, iha ginabi ka?" tanong ni ma'am Veronica.
"Pasensya po ma'am traffic po kasi kaya ngayon lang ako nakarating" sagot ko.
Ngumiti siya at tumayo "Kumain ka mona bago kayo umuwi. Don't worry about Dustine he's already eatin'' lintaya niya.
Nahihiyang umiling-iling ako "Ay 'wag na po sa ma'am veronica sa bahay nalang po ako kakain" nakakahiya naman 'yon kung makikikain pa ako.
Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ako sa braso, karga-karga ko pa si Dustine. Marahang hinatak niya ako palapit sa lamesang may nakahanda ng pagkain.
"Ano kaba, sino naman kakain nang mga 'yan. Ako lang mag-isa dito hindi ko alam kung anong oras sila uuwi. Samahan mo muna ako, okay?" sabi niya.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Ano pabang magagawa ko nasa harap na ako ng hapag kainan. Pinaupo ko si Dustine sa tabi ko. Si ma'am Veronica naman ay sa harap namin.
"C'mon don't be shy, ang daming niluto ni Marta masasayang lang 'to"
Kahit kailan hindi talaga naging iba ang pakikitungo sa akin ni ma'am Veronica. Simula noong nangyari sa akin, nandiyan para tulungan ako sa pagkakalugmok. Habang-buhay kong ipagpapasalamat ang lahat ng ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Hiding The Gay Billionaire's Son [On-Going]
Romance"A night mistake that turned my life upside down" _____ WARNING:R-18 Note: This is my first story, so please bear with my grammatical error and typo graphical error. You are free to correct me anyway. You know I'm on the stage of learning and improv...