"ANTHONY can I asked you a question?"
Naglalakad kami ngayon palabas ng building. Pipindutin ko na sana ang button ng elevator ng tinawag niya ako. Ayoko na sanang magpahatid dahil baka kailangan siya ng fiance niya. But he insisted. Bumaling siya sa 'kin saka itinaas ang dalawang kilay.
"Sure, what is it?" aniya.
Gusto ko ng kasagutan dahil kanina pa ako binabagabag simula nong lumabas ako sa opisina ng fiance niya. Matagal na ba silang magkasintahan bago pa may nangyari sa 'min ni Shan.
"Matagal naba kayo ng fiance mo?" tumambol ng mabilis ang puso ko, kinakabahan ako sa magiging sagot niya. I dunno.
His brow arched "Bakit mo natanong?"
Napahilod ako saking batok.
"Nothing, masaba ba?" I gave him an awkward smile.
Tumawa siya sa sinabi ko.
"Kailan ba naging masama ang pagtatanong?" He retorted.
Bakit kasi hindi mo nalang ako diretsuhin. Gusto ko lang naman ng kasagutan. Chos! Napaka-demanding ko talaga.
"Sabi ko nga"
Tumigil siya sa pagtawa at muli'y tumitig sa 'kin. Ngumiti siya ng kaunti at kapagkuwa'y nagsalita.
"Anyway, tungkol sa tanong mo kung matagal naba kami? Ou matagal na, two years na simula nang naging kami ni Shan, gladly our relationship is still stronger" He smiled at me sweetly.
Nakahinga naman ako ng maluwang sa sinabi niya. Akala ko kasi sila na ng may nangyari sa 'min. Hindi talaga kakayanin ng konsinsya ko.
Hindi naman sa ginusto ko ang nangyari, pero hindi maganda na may namamagitan na sa kanila at may nangyari rin sa 'min. Yun talaga ang hindi ko matatanggap.
Siguro nga kailangan ko nang ibaon sa limot kung ano man ang nangyari sa 'ming dalawa. Dala ng kalasingan kaya nagawa namin iyon. Knowing na bakla siya. Kung nasa matinong pag-iisip lang siya hindi niya ako papatulan. At kung nasa matinong pag-iisip lang din ako noon, hinding-hindi ko rin siya papatulan. Never.
Gayunpaman, hindi ko pinagsisihan na dumating sa 'kin si Dustine. I never blamed my son on what happened to me. Kahit isa lang pagkakamali na nabuo siya. Minahal ko padin siya ng higit sa buhay ko. Hindi ko kakayanin kong mawala siya sa 'kin. Ang tanging meron nalang ako ay ang anak ko.
"May tanong kapa ba?" aniya.
"Meron pa" sagot ko naman.
Ngumiti naman siya "Ano 'yon?"
Tumikhim ako bago magsalita "Bakit ang maldita ng fiance mo?"
Natigilan siya ng sandali kapagkuwa'y tumawa ng marahan "Maldita naba talaga siya sa paningin mo?"
Bakit hindi ba? Grabe nga 'yung trato niya sa 'kin kanina e. Mukhang may hinanakit siya sa pagmumukha ko. Sana lang talaga magkasundo kami ng baklang 'yon. Dahil kung hindi totohanin ko talagang sisikmuraan ko siya. Charrring! Kidding.
Napalabi ako "Grabe nga 'yung trato niya sa 'kin kanina ang sama-sama. Akala ko ba need niya ng secretary pero bat mukhang labag 'ata sa kalooban no'n ang pagkakaroon" lintaya ko.
"Pagpasensyahan mo na siya Ciarra ganoon talaga kapag menopausal na" He chuckled.
Napaubo ako. Choserang 'to nahawa na 'ata sa fiance niyang feelingero.
Pinigilan kung hindi umalpas ang tawa.
"Kaya pala" sakay ko sa biro niya.
Ngumisi naman siya "Don't worry sa una lang 'yun ganoon 'pag tumagal kana sa kanya, mag-iiba na ugali no'n"
BINABASA MO ANG
Hiding The Gay Billionaire's Son [On-Going]
Romance"A night mistake that turned my life upside down" _____ WARNING:R-18 Note: This is my first story, so please bear with my grammatical error and typo graphical error. You are free to correct me anyway. You know I'm on the stage of learning and improv...