CHAPTER 14: ANNULMENT

21 3 52
                                    

Ken's POV

While Ems was busy fixing her publishing contract here I am stressing myself on how to endorse my company more and became known to each and every side of the world.  Sumasakit na ang ulo at kamay ko kababasa ng mga papeles at kapipirma ng kung ano-ano. Tinanggal ko ang anti-rad glasses ko at hinimas ang sintido ko. Hinubad ko ang coat ko at niluwagan ang necktie ko. Tumayo ako mula sa swivel chair ko at lumipat sa couch dito sa office ko para magpahinga. Binuksan ko ang phone ko at tinawagan ang palagi kong tinatawagan tuwing gusto ko maki-chismis kay Ems. Agad din naman siyang sumagot.

"Ano na naman, Kuya?" she said in an annoyed tone.

"What? Sawa ka na ba sa boses ko?" sagot ko.

"No! You just called approximately one hour ago! Tumatawag ka na naman! Hindi ka ba mapakali d'yan? Umuwi ka na lang dito ng hindi mo ko naaabala! Dis oras na rin ng gabi rito, Kuya!" sagot niya.

"Grabe naman, Sands. Why are you like that? I'm so sorry for bugging your night."

"So what's your question this time?"

"How is she? 'Di ba sabi mo inaayos niya na 'yong para sa book signing niya? So kailan book signing niya?"

"She's always fine, Kuya! Inaalagaan siya ni Vince. Wala pang date 'yong official book signing! Bakit ba?"

"Basta!"

"Uuwi ka ba?" tanong niya.

"Baka? No one knows," sagot ko.

"Nag-uusap ba kayo ni Vince?"

"Bakit ko naman kakausapin ang umagaw sa babaeng mahal ko? Hindi pa ako nasisiraan ng utak para makipagusap sa kaniya. Isipin mo, siya 'yong present, ako 'yong past!"

"Ang defensive mo. Tinatanong ko lang."

"Bakit?"

"Pareho kayong misteryoso! Magsama nga kayo!"

"Hey, hey! Hey!" sagot ko pero ang narinig ko na lang ang end dial. Napailing na lang ako. What made her think that we are talking? Hindi kaya may sinabi siya sa kanila? Tumayo ako sa couch at bumalik na sa swivel chair ko. Pinagpatuloy ko na ang mga naiwan kong trabaho. Inilapag ko sa lamesa ang phone ko. Inabala ko na ang sarili ko sa pag-approve ng mga reports at pag-encode ng iba pang papeles. While doing so ay biglang tumunog ang phone ko.

Head Eng. Lopez calling...

Agad ko naman itong sinagot upang malaman kung bakit siya tumatawag.

"Hello? Good morning, Sir Pietro. We have a minor problem here in the site," she said.

"Oh? What is it?" sagot ko.

"Someone sabotage the site. The damaged part is too big. This is due next month," she answered.

I smirked because of what I just heard. What do I expect from someone who isn't good at fighting fairly.

"Oh? I'll visit the site today and please call a meeting on the architects and engineers involved in that problem," sagot ko.

"No problem! For you, Sir Pietro," she sarcastically answered.

"As if namang hindi kita ginawan ng plates dati ah!"

"Hoy! Once lang 'yon!"

"Oh tama na, Head Engineer Alee! Baka umusok na ilong mo!"

"Ang dami mong sinasabi, Mister Pietro! Sige na!" sagot niya at ibinaba ang tawag.

It reminds me of Emily whenever we talk. She's savage but not as savage as Ems. Emily's savageness will never be compared to anyone. She can call someone trash if she wants. She can stand herself and she's not a damsel in distress. That's what I love about Ems kaya hanggang ngayon hindi ko siya mapalitan. Lumabas na ako ng office ko at pinuntahan ang site.

You're Still The One (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon