CHAPTER 2: CATCH UP

37 7 10
                                    

Emily's POV
I'm into webtoon this past few months. Ito yung libangan ko sa Singapore kapag nakatambay lang ako sa nursing desk at naghihintay ng orders. Natapos ko na ang binabasa kong webtoon kagabi at ngayon ay naghahanap ako sa recommendation page nito. While scrolling at the trendlist I came across a webtoon entitled 'Mi Amor'.  If I'm not mistaken it's the latin phrase of the phrase 'My Love'. It has 100K views so I got curios. I immediately read the synopsis of the webtoon and I was surprised by the name of the character. Savvyrine Kassy Harrington and Matthew Ken Howards. The last name of the male lead is same as mine while the last name of the female lead is same as Sandra's. I think it's just a coincidence cause we're not the only Howards and Harrington in the world and I think the author is greek because of the title and his pen name. After I read the synopsis I proceed to the episode one of the webtoon. I noticed the name of the school. Franklin University. The same university where we graduated. Hmmm, it's getting interesting. Nagpatuloy na alng ako sa pagbabasa. "Ems, kain na tayo." Aya ni Mommy. Pinatay ko na ang phone ko at iniwan sa desk ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso na sa kusina para matulungang maghain si Mommy. Pagkatapos ko maghain ay tinawag ko na si Tita Marie na nakikipagkwentuhan sa labas. Habang kumakain ay napansin kong nakatingin sa akin si Mommy. "Bakit, Mi?" Tanong ko. "Pinagpaalam ka ni Vince. Luluwas daw kayo kasi may pupuntahan kayong book sale. May pera ka na ba?" Sagot niya. "Meron po, Mi. May naipon naman po akong allowance." Sagot ko. Hindi pa kami pinapasweldo dahil estudyante pa lang kami pero sabi ni Vince paid daw yung ojt nila. "Bigay ko na lang sayo yung atm ko. Balik mo sa akin pagbalik niyo." Sagot niya. Umiling lang ako bilang sagot. "Okay lang po, Mi. Marami naman po yung naipon ko pambili ng wattpad books." Sagot ko. Hindi naman ako magastos sa SG dahil salitan kami ni Vince sa pagbili ng grocery tapos hindi naman na kami masyado nagpro-project dahil puro duty na. Kaya malaki-laki din yung naipon ko. Makakarami na ako ng libro nito. Ayoko na din iasa kila mommy yung mga luho ko kung kaya ko naman pagipunan. Pagkatapos namin kumain ay saktong pagdating ni Vince sa bahay. "Good afternoon po, Tita." Bati ni Vince. "Ang aga mo, babe! Di pa ko naliligo oh! Kakatapos ko lang kumain." Reklamo ko.  "It's better early than late. Take your time." Sagot niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at umakyat na sa taas para kumuha ng damit at ng tuwalya. Pagkatapos ko kunin ang mga ito ay dumiretso na ako sa banyo. Pagkatapos ko maligo ay dumiretso ulit ako sa taas para naman patuyuin ang buhok ko at mamili ng sapatos na susuotin ko. Para bagay sa suot kong korean dress ay white rubber shoes na lang ang pinili ko. Pagkatapos kong isuot ang sapatos ko at iayos ang purse ko ay bumaba na ako.  Naabutan kong nagp-phone si Vince sa sala. Nagbabasa nanaman ng webtoon. Nahawa tuloy ako sa kanya. "Uy pare, anong balak mo?" Saad ko. "Uy mare, ganda natin ngayon ah? Ano nakain natin mare at nagdress ka?" Sagot niya. Kahit inaasar ko siya hindi niya pa rin nakalimutan yung pag-compliment ng damit ko. "Ah mare. Bahala ka na magpunta dun sa mall mag-isa." Biro ko. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "Joke lang, babe." Bulong niya. "Di ka naman mabiro, babe." Sagot ko. Siya talaga unang napipikon sa aming dalawa kapag nag-aasaran kami. Siya din naman unang magsosorry kahit ako nagsimula ng asaran. Nagpaalam muna kami kay Mommy tsaka umalis na ng bahay.

He held my hand while we're walking. "Your hands is really soft. It fits in my hand." He said and interwined our fingers. Nakaramdam ako ng paru-paro sa aking tiyan at bumilis ang tibok ng puso ko. Parang kami lang ang tao dahil siya lang ang nakikita ko. Paglagpas namin sa guard ay naglibot muna kami. Habang naglalakad sa loob ng mall ay may mga nakasalubong kaming teeanagers.

"Guys! Si Emily Writes tsaka si DaVinciofWattpad!"

"Pa-picture tayo!"

"Oo nga!"

Lumapit sa akin ang nakapansin sa amin. "Hi po Ate. Pwede po ba magpapicture sa inyo? Binabasa ko po yung mga gawa niyo." Saad ng babae na unang nakapansin sa amin. "Sure-sure. Tara?" Sagot ko. Inabot ng teenager sa mga kasama niya yung phone niya at tumayo sa gitna namin ni Vince. Ngumiti naman ako sa camera. Nagpa-picture din sa amin yung mga kasama niya. "Thank you Ate! Sana po sa susunod na magkita tayo book signing mo na. Mauna na po kami Ate at Kuya. Nice meeting you po!" Paalam nila at naglakad na palayo sa amin. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Vince. "I know why you're crying. Don't be overwhelmed. You did well babe. I'm proud of you!" Saad niya habang nakayakap pa rin sa akin. Humiwalay siya sa akin at may kinuha sa bulsa niya. Inabot niya sa akin ang panyo na dala niya. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mata ko kanina. "Let's go. Puntahan na natin yung book sale." Saad niya matapos kong punasan ang luha ko. "Tara na." Sagot ko. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at naglakad na kami.

You're Still The One (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon