CHAPTER 24: MIDNIGHT TALKS

15 3 30
                                    

Emily's POV

Pagkatapos ko magpainom ng gamot kay Vince kanina ay bumalik na ako sa nurse station. Ang sama ng tingin sa akin ni Lira at Nicka pagdating ko roon.

"Nurse Emily," tawag ni Andrey.

"Yes?" sagot ko.

"Patulong nga ako i-carry out 'yong order ni Doc sa room 144 saka 145," sagot niya.

"Sure," sagot ko.

Sinabi niya na sa akin ang mga kailangan kong gawin. Kinuha ko na rin ang mga gamot na kailangan ipainom sa pasyente. Pumunta na ako sa room 145 para gawin ang inutos ng doctor kay Andrey.

"Good evening po, magpapainom lang po ng gamot," saad ko.

"Sige po, Nurse. Para saan po 'yan?" sagot ng babae.

"Pain reliever po," sagot ko at pinakita ang reseta.

"Ate! I know her!" saad ng teenager na babae na siyang nakahiga sa hospital bed. Akala ko ay matanda ang pasyente dito. Halos ka-edad siya ni Kreisler base sa itsura niya.

"Sino?" sagot ng babae na kausap ko kanina.

"Si Nurse!" masayang sagot ng dalaga. Masigla siyang tignan pero binasa ko ang charts niya and she's confined here for a possible case of appendicitis.

"Are you reading wattpad?" tanong ko at lumapit sa kaniya.

"Opo. Ikaw si Emily Writes! You're already a published author under Blue Moon Publishing and your boyfriend is DaVinciofwattpad!" sagot niya.

"Wow! You know so much about me. Heto, inumin mo muna 'yan para gumaling ka na para sa susunod kong book signing magkita ulit tayo," sagot ko.

"Opo, Ate. Sana ikaw ulit pumasok na nurse bukas," sagot niya.

"Let's see," sagot ko.

Ininom niya na ang gamot na binigay ko. Saglit pa kaming nag-usap tungkol sa mga stories ko bago ako nagpaalam sa kaniya. Siguradong hinahanap na ako roon sa nurse's station. Baka mamaya sabihin sobra na 'yong oras ko sa loob ng kwarto ng pasyente.

"Bakit ang tagal mo 'ata? Nakipaglandian ka pa ba sa pasyente mo?" tanong ni Nicka.

"The patient asked for further information about her sickness. Alangan namang hindi ko sila sagutin," sagot ko.

Alam niyang mga nurse kami tapos ganiyan ang pag-iisip niya. Ang judgemental niya. Paano kung ang pasyente niya eh may kasamang mukhang hindi kaaya-ayang relative, ganiyan din kaya sasabihin niya? Pasalamat siya't every duty hinahabaan ko ang pasensiya ko.

"Ang yabang mo ah! Porque may kapit ka sa management ng hospital. Baka gusto mong patanggal ko lisensya mo," sagot niya.

"Go on. As if I can't take another one saka hindi mo naman basta mapapatanggal 'yong lisensya ko kasi wala naman akong nilabag sa nursing esthetics," sagot ko.

"Nicka, tama na," saway ni Andrey.

"Pinagsasabihan ko lang 'yang mayabang na 'yan," sagot niya.

Hindi na ako sumagot at pumunta na lang sa kung nasaan ang mga charts upang mailagay ko ang medication na binigay ko.

"Good evening nurses," bati ng doctor. Tingin ko ay ka-edaran ito ni Kuya Darren at halos magkasing taas sila. Hindi rin maipagkakaila ang maganda nitong katawan at gwapong mukha.

"Good evening, Doc!" bati namin.

"You look new, Miss?" turo niya sa akin.

"Emily Savvanah Howards," sagot ko.

You're Still The One (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon