CHAPTER 38: THE LONG WAIT IS OVER!

15 3 35
                                    

Emily's POV

I've been thinking about this for the past few days and asking myself if I am ready to open my heart again for him. My brain says 'no' because of the past heartache he caused and my heart says 'yes' because he's the one I love. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko kaya tinawag ko si Mommy. Alam kong siya lang ang makakasagot nitong mga katanungan ko sa sarili ko. Nalilito na rin ako sa sarili ko kaya kailangan ko ng wisdom niya.

"Ano ba 'yon, 'nak? May problema ka ba?" saad ni Mommy nang makapasok siya sa kwarto ko.

Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko talaga alam ang sagot.

"Mommy, nakita mo naman po ang determinasyon ni Ken sa akin 'di ba?" sagot ko.

"Oo naman, anak. Bakit? Gusto mo na ba siya patigilin?"

"Hindi po! Iniisip ko lang po kung ito na ba 'yong tamang panahon para ibigay ko 'yong matamis kong oo. Ayoko po magpadalos-dalos sa pagdedesisyon kasi alam ko pong kaming dalawa lang din ang mahihirapan kapag sinagot ko siya nang hindi ako handa. Gusto ko pong alamin kung handa na po ba talaga akong buksan ang puso ko para sa kaniya."

"Anak, mahal mo pa rin si Ken. Nakikita ko 'yon sa mata mo. Nakikita ko kung gaano ka kasaya sa tuwing kasama mo siya at nakita ko kung gaano mo pinilit na maging malakas noong una palang kayong nagkaroon ng relasyon. Alam mo ba na kahit naisikreto mo sa akin 'yon ay hindi ako nagalit kasi nagtitiwala ako sa 'yo. Nagtitiwala akong kayang-kaya mo ang sarili mo kaya mo pinasok ang bagay na 'yon. Humanga pa nga ako sa iyo noon dahil kinaya mong ipaglaban ang meron kayo. Tiniis mo 'yong bugbog, mga salita ng mga ka-eskwela mo. Hindi ako natutuwa noong naranasan mo ang mga 'yon, natakot ako kasi baka mamaya magising na lang ako isang araw wala ka na sa akin.

"Lalo akong natakot noong tinawagan ako ni Sandra na sinubukan mo raw magpakamatay. Galit na galit kami kay Ken noon kasi ginawa mo 'yon sa sarili mo nang dahil sa kaniya pero na-realize ko... Dalaga na talaga ang anak ko. Nagmahal na siya kasi hindi magiging ganito kung hindi. Maaaring nakakilala ka ng iba noong magkalayo kayo pero hindi pa rin napantayan ng pagmamahal mo kay Vince ang pagmamahal mo kay Ken. Anak,kung nagdadalawang isip ka dahil kay Vince... Huwag. Alam kong kapag nalaman niyang nagkabalikan kayo ni Ken ay magiging masaya siya para sa inyo. Gawin mong worth it lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa inyo. Hindi gugustuhin ni Vince na makita ka pa ring nasasaktan at nagdadalawang isip dahil sa kaniya.

"Ngayong nagbalik na si Ken at pinatunayan niyang nagsisi siya sa ginawa niya, sabi ko sa sarili ko, 'Oras na siguro para patawarin ko ang batang ito sa nangyari sa kanila. Siguradong pagod na 'to lalawakan ko ang pag-iisip ko dahil baka siya na talaga 'yong para sa unika ija ko.' I-kwinento sa akin ni Vince kung anong nangyari kay Ken kaya naintindihan ko rin naman siya kasi ano nga namang laban niya sa mga magulang niya kung disisyete anyos lang siya noon. Parehas kayong nasaktan sa nangyari sa inyo, anak. Kaya para sa akin panahon na siguro para naman pagbigyan mo siyang maging masaya."

Napatango na lang ako sa naging sagot niya. Pareho kaming nasaktan at nabigo ng pag-ibig. Pareho kaming naghirap sa mga panahong hindi kami magkasama at ngayon may pagkakataon na kaming ituloy ang naudlot naming pag-iibigan. Saka nakita ko ang pagbabago niya. Sa tuwing may graveyard shift ako palagi niya akong sinusundo kahit madaling araw at hinahatid. Ayaw na ayaw niyang pumapasok ako sa trabaho ng walang kinain kaya minsan nagpapabaon pa. I never thought that the cold hearted guy in high school has this soft side and that's only for me.

"Naliwanagan na ako, Mi... And I think it's time. It's time to give him the second chance he's been working on. Bukas po 10 years na kaming hiwalay... Balak ko siya ayain sa Tagaytay at puntahan 'yong mga lugar na pinuntahan namin noon. Sasagutin ko na siya, Mommy!" masaya kong sagot.

You're Still The One (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon