SPECIAL CHAPTER: VINCE

37 3 5
                                    

*Flashback*

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Napansin ko na ang pagbabago sa amin ni Emily. She's distant to me and I know the reason. No matter how hard she keeps it to me I still know it. Si Ken lang naman ang nag-iisang dahilan bakit siya dumidistansya sa akin. Kahit itanggi kong hindi ako nasasaktan ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Matagal ko nang tinanggap sa sarili kong darating ang araw na 'to pero kahit anong handa ko pala kapag dumating na ang araw na 'to eh hindi ko magagawang maging handa. I don't know what to say to her. Kilala ko siya at sigurado akong masasaktan siya sa ginagawa ko na 'to. Matagal ko nang kinakausap si Ken. Walang araw na hindi sinabi ni Ken sa akin kung gaano niya kamahal si Ems. Walang araw ang lumipas na hindi niya itatanong kung kumusta na siya. It always causes a pang in my chest. I don't want to hurt him even more because he had been through a lot. Nakita ko namang nagbago siya at naging mas maayos. Hindi na ako natatakot na maulit ang nangyari noon dahil mas malakas na siya ngayon.

I decided to call the person who knows what's best for me. She can help me in this trial.

"Hello, anak?" Mom said on the other line.

"Mom..." sagot ko.

"Ano nangyari, anak?" sagot niya.

"Hindi ko na po alam gagawin ko..."

"Bakit?" tanong niya.

"Nagkita na ulit sila... Ayoko pa siya pakawalan, Mom..." I said. Tears are streaming down my face.

Pagod na ako... Pagod na akong ipaglaban ang meron kami pero mahal na mahal ko si Ems.

"Anak, kung nakita mo na ang paghihirap ni Ken para kay Emily huwag mong ikatakot na paubaya siya sa kaniya. Alam mo namang sa una pa lang ay masasaktan ka nang dahil diyan. Hindi ko sinasabing ayos lang sa akin na makita kang nasasaktan pero ayokong mas lalo ka pang masaktan nang dahil sa nakakalasong pag-ibig. Ayokong makita kayong nahihirapan nang dahil lang diyan. Kung ramdam mo nang hindi na siya masaya sa 'yo pakawalan mo na kahit masakit... Tama na anak... Panahon na para piliin mo naman ang sarili mo."

"Pero, Ma... Masasaktan ko siya," humihikbing sagot ko.

"Mas masasaktan siya kung ipipilit mo pa. Mahirap manatili kung wala nang pagmamahal sa isa't isa... Ayokong matulad ka sa akin, anak. Mahirap..."

I stayed silent for some time processing what she said.

"Letting her go is hard for you but forcing her to stay is much harder than you ever thought. Huwag mong hintayin na may mabuong pagsisisi sa 'yo anak. Mas mabuting mahirapan kang umusad kesa ipagtpatuloy ang bagay na nakakasakit sa 'yo. Tama na ang pagiging sadista, Vince."

I inhaled a large amount of breath and let it out. It breaks my heart into tiny little pieces but I made up my mind. I need to let her go... Our time together has ended.

"Thanks, Ma," sagot ko at binaba ang tawag.

Lumabas ako ng bahay at nagmaneho papunta sa grocery store para bumili ng iba't ibang klase ng alak at beer. I'll forget everything for now and let my mind in peace. Alam kong ayaw niya 'to pero ito na lang ang tanging paraan na naiisip ko para makawala panandali sa sakit. Tinawagan ko ang mga pinsan ko para naman may katulong akong umubos nito.

"Vince! Anog trip mo? Kinumpleto mo na 'ata lahat ng alak na nabibili!" saad ni Nathan.

"Bro, you're not like this. Why?" Liam asked.

"Bakit bumabaha na naman ng alak? Anong meron?" saad ni Lean.

"Pwede bang maupo na lang kayo at samahan ako rito?" sagot ko.

You're Still The One (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon