CHAPTER 31: BRAVE

14 2 17
                                    

Emily's POV

I slept in my room last night because Ken insisted that he'll be with me until the morning. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko siyang natutulog sa isang sofa ko at ang coat niya ang ginamit niyang kumot. Pumunta ako sa sofa bed ko dahil nahihiya naman akong patuligin siya ng ganiyan. Kahit naman paano ay may pinagsamahan pa rin naman kami. Hindi naman ako katulad ng ibang immature na babae na porque ex eh hindi na tatratuhin ng may paggalang. Napatagal ang aking titig sa kaniyang nakapikit na mga mata. Nothing has changed he's still the Ken I knew from high school except for his social status. Thick eyelashes, pointed nose and red kissable lips. Napailing na lang ako sa sarili kong naisip at bumalik na lang sa kwarto ko pagkatapos siyang kumutan. Kinikilabutan ako sa sarili kong iniisip. 'Gutom lang 'yan Ems,' saad ko sa aking sarili. Malamang nga sa gutom lang 'to. Kailangan ko kumain pero nakakatamad kaya pinili kong bumalik sa kama para manood sa laptop ko.

I usually start my day by making coffee but I feel too lazy. Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako dahil sa panonood. Nagising ako sa tumatamang liwanag sa aking mukha. Nagtalukbong ako upang mapawi ang liwanag at makatulog ulit.

"Emily, gising na," saad ni Ken. Kusang dumilat ang mga mata ko sa pagkabigla sa narinig kong boses.

"Mamaya na. Five minutes!" sagot ko na nanatili pa ring nakatalukbong. Nahihiya akong makita niya ang itsura ko. Namamaga pa ang mata ko dahil sa pag-iyak dahil bad ending 'yong animated movie na pinanood ko. Narinig ko ang pagbukas ng aking pintuan at pagsara nito. Nang masigurado kong wala na siya ay tinanggal ko na ang pagkakatalukbong sa akin ng kumot at nagpunta sa tapat ng closet ko na malapit lang naman sa kama. Kumuha ko ng hoodie at ng cycling. I love oversized hoodies so I have so many in my closet. This is also my way to cope up with the sadness inside me. Vince used to give me this that's why I developed this habit. Palagi niya akong pinapahiram ng hoodie niya kapag inaatake ko ng homesick at kapag sobrang stressed ko na sa school. He also used to cuddle with me in those times.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakikita. Ang malapad na likod ni Ken ang bumungad sa akin at siya ay nasa harapan ng kalan at nagluluto. Nakakapagtakang nakakapagluto na siya ngayon. I thought engineers are too busy making plates but here he is... He knows how to cook...

Suddenly a memory of him flashing back in my mind.

"Ems! Tama na muna 'yan! Let's eat na muna!" saad ni Vince. Nandito kami sa condo at nag-re-review kami para sa midterms. Katatapos niya lang magluto ng dinner namin at hinahain niya na nag kaniyang mga niluto.

"Okay..." maikling sagot ko.Hindi ko pa rin kasi maintindihan ang sinasabi ng libro na 'to bukod sa puro numbers ay halos kalahating oras akong nakatitig sa kaniya habang nagluluto. Ang swerte ng magiging girlfriend nito, may boyfriend siyang masarap magluto...

"'Wag ka na sumimangot diyan. Pagkatapos natin kumain ituturo ko sayo 'yong formula niyan. Sige na. Kain na," saad niya.

Tumango lang ako bilang sagot at nagsimula nang magligpit. Pagkatapos ko magligpit ay nagsimula na kaming kumain.

Bigla akong nawala sa mood kaya hindi ko na pinansin ang pagluluto ni Ken at dumiretso na lang sa sala at binuksan ang tv. I played some iKON music videos so that my attention will be in that thing but it kept me glancing on his way. Nang maghahain na siya ay binalik ko na ang tingin ko sa screen.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paglapit niya sa aking pwesto.

"Emily, let's eat. I'm sorry pinakialaman ko na 'yong ref mo. I wanted to cook some breakfast for you before I go," saad niya.

"Oh... Thank you. Tara na, sabay na tayo kumain," sagot ko.

"Hindi na. May meeting ako ngayon eh baka ma-late ako."

You're Still The One (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon